Inday TrendingInday Trending
Malakas ang Loob ng Lalaking Ito na Lokohin ang Kinakasama dahil Mahina at Wala raw Itong Alam; Ngunit Mukhang Nagkakamali Siya Roon

Malakas ang Loob ng Lalaking Ito na Lokohin ang Kinakasama dahil Mahina at Wala raw Itong Alam; Ngunit Mukhang Nagkakamali Siya Roon

Maagang umuwi si Eleanor galing sa trabaho dahil ngayon ang araw ng anibersaryo nila ng asawang si Noel. Nakangiti pa siyang pumasok sa pintuan ng kanilang bahay, ngunit napahinto siya nang doon pa lang ay bumungad na sa kaniya ang ilang piraso ng nagkalat na kasuotan…

Pinulot niya ang underwear na nakakalat sa sahig at hindi niya marekognisa ang bagay na ’yon kaya naman alam niyang hindi iyon kaniya. Bukod doon ay biglang napaangat ang mukha niya nang isang malakas na halinghing ang narinig niya mula sa itaas ng kanilang bahay!

Dahil doon ay halos takbuhin ni Eleanor ang hagdan ng kanilang bahay, para lang maabutan ang kaniyang asawa, habang nakikipaglampungan ito sa iba, hindi pa man tuluyang nakakapasok sa kuwarto ang dalawa! Pawa silang mga hubo’t hubad at nagpapakasasa sa kasalanang pinagsasaluhan nila, ngunit hindi pa iyon nagtatapos doon.

Matapos niya kasing mahuli sa akto ang dalawa ay animo walang nakita ang mga ito, lalo na si Noel!

“Bakit ang aga mong umuwi? P’wede bang doon ka muna sa baba?” ngingisi-ngusi pang tanong nito na halos dumurog sa puso ni Eleanor.

Ito pala ang dahilan kung bakit napapansin niyang biglang nagbago si Noel. Bigka itong nanlamig sa pagsasama nilang noon ay maayos naman. Simula iyon nang maging sekretarya nito ang babaeng kasama nito ngayon na tila walang delikadesa sa katawan!

Ganoon pa man ay tumalikod si Eleanor at hindi nagsalita. Iniwan niya ang mga ito at hinayaang magpakasasa sa panandaliang kasiyahan nila. Sa pagbaba ng dalawa ay hindi inaasahan ni Noel na makita siyang nakaempake na ang mga gamit. Dahil doon ay natawa ito at humalakhak na dumagundong pa sa buong bahay ang tunog.

“At saan ka pupunta, Eleanor? Babalik ka sa bahay ampunan kung saan kita nakilala?” tanong ni Noel sa kaniya at napayuko na lang siya dahil doon. “Alam mo, huwag kang masiyadong madrama. P’wede ka namang magpanggap na kunwari ay wala kang nakita. Wala ka rin namang mapupuntahan dahil kung wala ang pera ko, wala ka ring kuwenta,” anas pa sa kaniya ng asawa na nagpatulo ng luha ni Eleanor.

Tiniis niya ang lahat ng iyon at nagdesisyong manatili sa tabi ng lalaki. Ngunit hindi para magpakamartir sa pag-ibig, kundi para makaganti!

Sa pananatili ni Eleanor sa bahay na iyon kasama si Noel ay ipinaramdam niya sa lalaki ang dobleng halaga ng pagmamahal niya rito. Pinagsilbihan niya ito nang higit pa sa ginagawa niya noon. Ipinaranas niya kay Noel ang wagas niyang pagmamahal, kasabay ng pagbabago ng kaniyang hitsura. Unti-unti ay inayos din kasi ni Eleanor ang kaniyang sarili at lahat ng iyon ay tila nagustuhan naman ng lalaki.

Unti-unti ay dumalang din kasi ang pagdadala nito sa kaniyang sekretarya dahil mas madalas na siyang gustong kasama nito. Pansin niya ang muling panunumbalik ng init ng pagsasama nila ni Noel.

“Mahal na mahal kita, Eleanor. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin,” isang gabi ay ani Noel kay Eleanor habang magkatabi sila sa kama. Ang hindi alam ng lalaki ay iyon lang ang hinihintay niyang marinig para isagawa ang kaniyang plano.

Kinabukasan ay halos mabaliw si Noel dahil hindi niya mahagilap ang asawa sa kahit saang sulok ng kanilang bahay. Wala na rin ang mga gamit nito! Bukod doon ay isang papel ang nakita niyang nakapatong sa mesang katabi ng kanilang mama at nang basahin niya iyon ay halos manlumo siya!

“Annulment papers?!” hiyaw ng lalaki bago sunod-sunod na tumulo nag luha sa kaniyang mga mata.

Sinubukang makiusap ni Noel kay Eleanor ngunit talagang desidido ang babaeng hiwalayan siya. Ngayon ay pinagsisisihan niyang niloko niya noon ang asawa.

Hindi man pinirmahan ni Noel ang annulment papers na ipinadala sa kaniya ni Eleanor, hindi nagtagal ay naaprubahan din iyon dahil sa ebidensyang hawak nito tungkol sa pakikipagrelasyon niya sa ibang babae. Dahil doon ay hinati ng korte ang lahat ng ari-arian nilang dalawa upang iyon ay paghatian nila.

Ginamit ni Eleanor ang perang nakuha niya mula sa dating asawa at iyon ang ipinagpatayo niya ng negosyo. Kalaunan ay si Eleanor na ang nangungunang negosyante sa kanilang bayan na habang tumatagal ay lalo pang lumalago at tumataas!

Habang si Noel ay tuluyang nalugmok sa kasalanang siya naman mismo ang gumawa na naging dahilan upang siya ay bumagsak at maghirap. Iyon ang napala niya sa pangmamaliit sa isang babaeng nagmamahal nang totoo.

Advertisement