Inday TrendingInday Trending
Tuturuan ng Binatang Ito ang Propesor Nila na Mahilig Mambagsak ng Estudyante, May Kwento Pala sa Likod Nito

Tuturuan ng Binatang Ito ang Propesor Nila na Mahilig Mambagsak ng Estudyante, May Kwento Pala sa Likod Nito

“Ang tingin niya kasi sa sarili niya ay Diyos,” galit na sabi ni Eric sa kaniyang mga kaklase.

“Singkwenta tayo sa klase pero tatlo lang ang pinasa niya! Saang kamay ng Diyos siya galing? Dahil ba napakatalino niya at napakagaling na abogado kaya ganun na lang siyang mambagsak ng mga estudyante? Ano bang tingin niya sa atin? Nagsasayang ng pera at oras sa pag-aabogasya? Alam kong mahirap ang maging abogado pero alam ba niyang siya ang nagiging hadlang sa mga estudyanteng may mataas na pangarap! Put@ng in@! Magbabayad ako ng tao para lang bugb*gin siya!” galit na galit na sabi naman ni Jerome saka sinuntok ang mesa.

“Tara, pare, ambahan na natin ‘yang si Atty. Mukhang wala naman yatang kinakatakutan ‘yun! Bigyan lang natin ng leksyon at alamin natin kung bakit ba siya ganun ka brut@l sa mga estudyante niya,” sagot pa ni Troy dito.

Malapit nang magtapos ng abogasya ang magkakaibigan na sina Eric, Jerome at Troy at lahat sila ay may magagandang marka at ni isa ay wala pang bagsak kaya naman naging napakahirap tanggapin para sa kanilang tatlo nang ibagsak sila ng kanilang propesor na si Atty. Frito. Sikat na ang abogado na ito sa pambabagsak ng mga estudyante at may kasabihan nga raw na kapag nalampasan mo na siya’y ibig sabihin lamang nun ay handa ka na rin para sa pagkuha ng bar exam. Kampante ang magkakaibigan nang pumasok sila sa klase dahil alam nilang maganda ang pundasyon nila sa mga nakalipas na taon pagdating sa mga batas at lalong-lalo na nga sa paksang tinuturo nito. Kaya lamang ay aminado silang mahirap nga ang klase ni Atty. Frito at mababa ang kanilang mga marka sa mga pagsusulit nito.

“Pare, sigurado ka bang hindi tayo mapuputukan sa gagawin nating ito? Baka mamaya ay malaman ni Atty. na tayo ang may pakana ng mangyayari sa kaniya,” nag-aalalang sabi ni Eric kay Jerome.

“T@ng!n@, nab*b@kla ka na naman yata, Eric, kung ayaw mo naman ay pwede kang umatras,” bwisit na sagot ni Jerome sa kaniya.

“Hindi naman sa ganun, pero ang dami na nating kasong nabasa na katulad ng gagawin nating ito at lahat ng iyon ay nahuli. Baka imbes na bagsak lang kakaharapin nating kahihiyan ay sa kulungan ang kahinatnan natin nito,” sagot ni Eric sa kaniya.

“Huwag kang mag-alala, hindi naman natin p@p@t@y!n, itatanong lang natin kung bakit napakalupit niyang magbagsak ng mga estudyante. Isa pa, protektado ako ng mga ka-brod ko kaya huwag kang mag-alala,” kampanteng sagot niya rito.

Maya-maya pa ay nabalita na kay Jerome na nakuha na raw ang abogado at nadala na rin sa liblib na lugar.

“Parang awa niyo na, kuhanin niyo lahat ng pera ko at alahas pati itong relo ko at singsing huwag niyo lang ako p@p@tay!n,” pagmamakaawa ni Atty. Frito sa kanila habang nakatingin lamang ang tatlo sa abogado habang nakagapos ang mga kamay nito at pilit na inaaninag ang liwanag sa nakapiring niyang mukha.

“Huwag kang mag-alala, hindi naman kami binayaran ngayon para nakawan ka kung ‘di para lang daw turuan ka sana ng leksyon at mas maging makatao,” wika ng lalaking inupahan nila.

Saglit na napatigil si Atty. Frito saka natawa nang bahagya.

“Binagsak ba kita? Sa tingin mo ba ang gagawin mong ito sa akin ay ikakapasa mo sa bar?” seryosong tanong ng abogado.

“Bakit ka ba kasi ganiyan, Attorney? Dahil ba napakatalino mo at gusto mong maging kasing talino mo rin ang mga estudyante mo kaya kapag hindi pumasa sa paningin mo ay ibabagsak mo nalang at hindi sila pagbibigyan ng isa pang pagkakataon?” wika ni Jerome ngunit iniba niya ang boses niya.

“Parang gusto kong isipin na estudyante kita ngayon at ibinagsak kita kaya iniiba mo ang boses mo. Sa tingin mo ba hindi ko kayo makikilala?” natatawa pa ring sabi ni Atty. Frito.

“Sagutin mo ang tanong! Bakit ka nambabagsak?! Power tripping ka lang ‘yata!” sigaw ng lalaking binayaran nila saka pinagsisipa at pinagsasapak sa mukha si Atty. Frito.

“Kasi mas masarap bumagsak sa law school kaysa sa bar. Ilang law school ang nilipatan ko noon sa tuwing may bagsak akong subject at inuulit ko ito dahil ayaw ko ng markang failed sa papel kaya naman nakapagtapos ako ng may mga parangal pa kaya akala ko’y magaling na ako pero hindi pa rin pala,” siwalat ni Atty. Frito sa kanila na siyang kinagulat ng tatlo.

“Masyado akong mayabang at alam kong papasa ako sa bar pero hindi. Bumagsak ako, hindi lang isa hindi lang dalawa kung ‘di tatlong beses. Tatlong beses akong nagpalipat-lipat ng eskwelahan at gumawa ng kwento para pagtakpan ang kahihiyan ko pero tatlong beses din akong lumagapak sa bar. Kilala man siguro ako ngayon bilang magaling na abogado pero maraming hindi nakakaalam ng buong istorya ka at mga dahilan sa likod nito,” dagdag pa nito sabay dura ng dugo na nalalasahan niya sa kaniyang bibig.

“Kaya kung sa tingin niyo, magbabago ako pagkatapos nitong pangbubugb*g niyo sa akin ay nagkakamali kayo dahil pipilitin kong sumala ng mga estudyanteng handa na sa pagiging abogado. Hindi lamang sa utak kung ‘di pati sa puso at kaluluwa,” sabi pa nitong muli at unti-unti na niyang nararamdaman ang sakit ng kaniyang katawan.

Tila nahimasmasan naman kaagad si Jerome sa kaniyang mga narinig kaya naman inutos na niyang ibalik sa bahay nila ang abogado.

Sa mga sandaling iyon ay naliwanagan kaagad sila sa nais iparating ng propesor at mas lalo pang tumaas ang tingin nila rito kaya naman dahil sa lubos na kahihiyan ay lumipat ito ng eskwelahan para maiwasan na rin ang kabalbalan na ginawa nila kay Atty. Frito. Malaki ang pagsisisi nila dahil sa pangbububugb*g na ginawa nila sa lalaki ngunit mas malaki ang utang na loob nila rito dahil sa kagustuhan nitong magkaroon ng nararapat na mga abogado.

Advertisement