Inday TrendingInday Trending
Ipinagpalit ang Lalaking Litratista sa Mas Mayaman ng Kaniyang Nobya; Makalipas ang Ilang Taon ay Nagulat Siya sa Nangyari

Ipinagpalit ang Lalaking Litratista sa Mas Mayaman ng Kaniyang Nobya; Makalipas ang Ilang Taon ay Nagulat Siya sa Nangyari

“Ang aga mo ngayon, ‘tol, a! Anong meron?” tanong ni Jack sa kaniyang kumpareng si kay Gilbert ng kaniyang kaibigang si Jack.

“Wala naman, ‘tol. Maaga lang talagang natapos ang klase ko. Kaya pumunta na ako dito para makarami. Marami rin kasi akong kailangang bayaran sa eskwela. Ayaw ko nang maghingi kasi sa kanila,” tugon naman ng binata.

Isang tipikal na araw lamang sana iyon para kay Gilbert, isang mag-aaral sa kolehiyo at litratista sa Luneta. Iniisa-isa ang mga tao at nagtatanong kung nais magpakuha ng larawan. Ngunit sa panahon ngayon na ang lahat ng selpon ay halos may kamera na, nahihirapan na rin si Gilbert na makakuha ng mga kostumer.

Kailangan niya kasi ang side line niyang ito para hindi siya mahinto sa kaniyang pag-aaral. Mulat kasi siya sa kahirapan ng kanilang pamilya at dahil ayaw maging pabigat sa mga magulang at nais niyang matupad ang pangarap na maging isang arkitekto ay ito ang kaniyang naisipang gawin.

Ngunit habang naghahanap siya ng kaniyang kukuhaan ng larawan ay nahagip ng kaniyang lente ang isang magandang dilag. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang binata at agad niyang nilapitan ang babaeng ito.

“Naniniwala na ako sa pag-ibig sa unang pagkikita. Marami naman akong nakikitang magaganda dito sa Luneta ngunit iba ka,” sambit ni Gilbert sa nasabing babae.

Napangiti ang dalaga sa kaniyang sinabi.

“Ako nga pala si Gilbert. Pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?” tanong ng binata.

Agad ibinigay ng dalaga ang pangalan niya.

“Ako nga pala si Diane. Nagtatrabaho ako bilang isang cashier sa isang grocery malapit dito,” wika nito.

Simula ng araw na iyon ay niligawan na ni Gilbert ang dalaga. Hindi rin maintindihan ni Diane ang koneksyon na kaniyang nararamdaman para sa binata. Hanggang hindi nagtagal ay sinagot na niya si Gilbert at naging kaniyang opisyal na nobyo.

Masaya naman ang naging simula ng pagsasama ng dalawa. Lubos ang suporta ni Diane sa kaniyang nobyo at hindi niya kinakahiya na isa itong litratista sa Luneta.

Ngunit dahil sa ganda ng dalaga ay hindi maiwasan na marami ang nanliligaw sa kaniya. Hanggang sa nakaramdam na lamang ng panlalamig itong si Gilbert sa kaniyang kasintahan.

“Bakit hindi ka pumunta sa Luneta kanina? Hindi ka man lamang nagsabi na nakauwi ka na pala. May problema ba tayo, Diane?” tanong ng binata.

“Tapusin na natin ang lahat ng ito, Gilbert. Hindi ko na kaya pang lokohin ka,” wika naman ng dalaga.

“Bakit biglang hiwalayan? May ginawa ba ako na hindi mo gusto? Anong niloloko? Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na ba? Liwanagin mo naman sa akin, Diane, kasi naguguluhan talaga ako,” patuloy na sambit ni Gilbert.

“May iba na ako, Gilbert. Gusto rin siya ng mga magulang ko para sa akin. Galing siya sa isang mayamang pamilya at mayroon silang negosyo. Mas magiging maganda ang kinabukasan ko sa kaniya. Kaya patawarin mo ako sa nagawa ko,” umiiyak na pag-amin ni Diane.

“Dahil hindi pa ako tapos mag-aral at isang litratista lang ako sa Luneta? Ginagawa ko naman ang lahat para umunlad ang buhay ko. Maghintay ka lang at ibibigay ko ang magandang buhay sa iyo,” pagsusumamo ng binata.

“Parang awa mo na, Diane, huwag mong gawin sa akin ito. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa piling ko,” saad pa ng binata.

Ngunit desidido na si Diane. Alam niyang walang magandang bukas ang naghihintay para sa kaniya sa piling ni Gilbert.

Halos gumuho ang mundo noon ng binata. Hindi niya alam kung paano siyang magsisimulang muli dahil nangarap na siya na kasama si Diane. Magpapakalugmok sana siya nang maisip niya ang kaniyang pamilya.

“Kinakayankayanan kami dahil sa kahirapan. Mas lalong kailangan kong magsumikap upang umunlad ang buhay namin,” saad niya sa kaniyang sarili.

Nakapagtapos si Gilbert ng may karangalan at naging isang ganap na arkitekto. Nakapagtrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo. Napatayuan na niya ng bahay ang kaniyang mga magulang at nakapangasawa na rin.

Isang araw ay nagbalik siya sa Pilipinas upang dumalaw sa kaniyang mga magulang. Napadaan siya sa Luneta at doon ay sinariwa niya ang kahirapang pinagdaanan upang makamit niya ang kinaroroonan niya ngayon.

Habang kumukuha siya ng larawan ay nahagip ng isang lente ang isang pulubing tila nasisiraan ng bait. Isang pamilyar na mukha ang kaniyang naalala.

Nang akmang lalapitan niya ito ay agad itong kinuha ng isang kamag-anak. Doon ay nakilala niya na kapatid ito ni Diane.

Ipinagtanong niya ang nangayari sa dating kasintahan.

“Nakapangasawa ng mayaman, pero hindi naging masaya ang buhay niya doon. Ang sabi ay halos map@tay raw siya noon ng lalaki dahil sa labis na pagseselos. Pinagamit din siya ng ipinagb@bawal na gamot at kung anu-ano ang pinapagawa sa kaniya ng dating asawa. Hanggang sa isang araw ay ibinaba na lamang ‘yan ng isang kotse rito sa Luneta. Buti nga ay natagpuan ‘yan ng mga kamag-anak niya kasi wala na talaga sa kaniyang sarili. Kawawa ang babaeng iyan. Maganda pa naman ‘yan noong kabataan niya,” kwento ng isang aleng nagtitinda sa Luneta.

Labis ang pagkabigla ni Gilbert sa inilahad ng ginang sa kaniya. Hindi niya akalain na sa susunod na pagkikita nila ng dating nobya ay ito na ang kinahantungan nito. Labis na awa ang kaniyang naramdaman sapagkat hindi pala nakamit ni Diane ang kaligayahan na inaasam nito sa piling ng kaniyang mayamang asawa.

Advertisement