Inday TrendingInday Trending
Laging Kinukutya ang Isang Mang-aawit Dahil sa Kaniyang Katabaan; Hindi Nila Akalain na Matatagpuan din Niya ang Lalaking Para sa Kaniya

Laging Kinukutya ang Isang Mang-aawit Dahil sa Kaniyang Katabaan; Hindi Nila Akalain na Matatagpuan din Niya ang Lalaking Para sa Kaniya

“Ang galing mo talagang umawit, Angel. Sayang nga lang at ganiyan ang pigura mo. Kung balingkinitan lamang ang katawan mo ay tiyak kong pwedeng pwede ka sa Japan,” sambit ng tiyahin ng dalaga na si Tiya Narcisa.

“May kilala pa naman ako na pwedeng makatulong tayo para makapagtrabaho ka ng ibang bansa. Sabi kasi sa akin ng nanay mo ay hindi ka na raw magpapatuloy pa ng pag-aaral sa kolehiyo. Maayos na makapagtrabaho ka sa ibang bansa upang mapaganda ang buhay niyo,” saad pa ng ginang.

“Kaso nga, paano ako makakapagtrabaho sa taba kong ito. Alam ko naman tiya. Pinipilit ko namang magpapayat pero wala talaga. Kung anu-ano na nga ang ginagawa kong ehersisyo pero nahihirapan talaga ako. Siguro ay ganito na talaga ang pangangatawan ko,” wika naman ni Angel.

“Kaya nga. Sayang ang kikitain mo kapag sa Japan ka nagtrabaho. Gustung-gusto pa naman ng mga hapon ang babaeng maalaga at magaling umawit,” pahayag pa ni Tiya Narcisa.

Bata pa lamang ay talagang magaling na pagkanta itong si Angel. Ngunit kahit na anong galing niya ay hindi pa rin matakpan nito kung gaano kalaki ang kaniyang pangangatawan. Kaya ganoon na lamang ang inggit ni Angel sa mga payat na babae. Dahil din sa panunukso sa kaniya ay lalong bumaba ang kaniyang kumpyansa sa sarili.

“Angel, kailangan daw ng singer sa Korea. Doon hindi na nila kailangan kung mapayat at mataba. Basta sabi ng may-ari ng bar ay kailangan mo lang daw mag-audition. Kung maganda ang boses mo ay matatanggap ka. Subukan mo. Baka mamaya ay nasa ibang bansa ang swerte mo,” giit ng kaniyang tiyahin.

Nahihiya man ay inisip na lamang ni Angel ang kaniyang pamilya. Nais niyang mabigyan ng maginhawang buhay ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Matatanda na rin kasi ang kaniyang mga magulang at panahon na para huminto na sila sa paghahanapbuhay.

Sinipot ni Angel ang kaniyang audition. Ibinigay niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang makuha siyang mag-aawit. Hindi naman matigil ang tingin sa kaniya ng ilang kababaihan na naroon upang mag-audition din.

“Tingnan mo ang babaeng iyon. Ang lakas ng loob na mag-audtion. Para namang lumba-lumba. Kung ako sa kaniya ay uuwi na ako,” sambit ng isang babae.

Ngunit hindi pinanghinaan ng loob itong si Angel. Ipinakita niya sa mga ito ang tunay na talentong kaniyang taglay. Napabilib ang lahat sa kaniyang ipinamalas.

Dahil natuwa ang may-ari ng nasabing bar ay napili itong si Angel upang maging mang-aawit at lumipad patungong Korea.

Sa wakas ay mabibigyan na niya ng magandang buhay ang kaniyang mga magulang.

Lumipas na rin ang mga taon at patuloy sa pag-awit itong si Angel. Kahit na may iba pa rin siyang kasamahan na hindi bilib sa kaniyang kakayahan ay pinapatunayan niya ang kaniyang galing.

“Marami ka nang ipon, Angel. Oras na siguro para mag-asawa ka!” kantiyaw ni Kylie, kasamahan ng dalaga sa bar.

“Tigilan mo nga ako. Kakapatayo ko nga lang ng bahay, ‘di ba? Marami pang ipon ang kailangan ko bago ako makauwi ng Pilipinas.

Maya maya ay napansin ni Kylie ang isang lalaking panay titig sa kaniyang kaibigan.“Angel, napapansin ko ‘yang suki nating si Joe ay panay ang punta rito at panay ang sulyap sa iyo. Naku, malamang ko ay ikaw ang pinaparito niyan!” muling tukso ng dalaga.

“Baka senyales na ito na kailangan mo na talagang mag-asawa!’ natatawang sambit pa ni Kylie.

Umismid lamang si Angel dahil alam niyang imposibleng magkagusto sa kaniya si Joe, isang marino sa bansang Amerika na nakabase noon sa Korea.

Ngunit hindi nagkakamali si Kylie. Malaki nga ang pagkagusto ni Joe kay Angel. Sa katunyan ay umamin ito na siya lamang ang dahilan kung bakit palaging noon ang lalaki tuwing gabi. Upang masilayan lamang si Angel.

Labis ang kilig na naramdaman noon ng dalaga. Hindi niya akalain na may magkakagusto pala sa kaniya.

Patuloy siyang niligawan ni Joe. Hanggang sa isang araw ay napasagot na rin siya nito.

Ngunit hindi kumbinsido rito ang ilang kasamahan nila sa bar. Lalo pa nang malaman nilang umalis na ito upang bumalik sa Amerika.

“Nangako naman siya sa akin na babalik siya. Naniniwala ako roon. Kasi ramdam ko na tunay ang pagmamahal na ipinakita niya sa akin,” pahayag ni Angel.

“Isang hangal lang ang maniniwala na mahal ka nung lalaking iyon. Siguro ay napagpustahan ka lang. Tingin mo ba talaga sa hitsura mong iyan ay seseryosohin ka nung tao? Sobrang laki ng agwat ninyo,” sambit ng isang kasamahan ng dalaga.

Labis na nalungkot si Angel sa tinuran ng kasamahan. Napatingin siya sa kaniyang sarili at doon napagtanto niyang tama nga ang sinasabi ng mga ito. Hindi nga ang tulad niya ang dapat na iniibig ni Joe.

Lumipas ang mga buwan at wala na siyang naging balita pa sa mula sa kasintahan. Labis ang kaniyang lungkot na nararamdaman sapagkat unang beses lamang niyang umibig. At sa pagkakataon na ito ay baka sa maling tao pa.

Ngunit kailangang magpatuloy ni Angel sa kaniyang buhay dahil marami ang umaasa sa kaniya sa Pilipinas.

Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang nagkakagulo ang lahat sa labas ng kanilang bar. Nang makiusyoso si Angel sa nagaganap ay hindi niya akalain ang kaniyang makikita.

Nagulat na lamang siya nang makita si Joe sa kaniyang harapan. Napapalibutan ng napajaraming bulaklak. At nang makita ng binata si Angel ay tila tumigil ang takbo ng mundo na para bang sila na lamang dalawa ang naroon.

Lumuhod si Joe at niyaya si Angel na magpakasal.

Labis na kagalakan ang naramdaman ng dalaga nang pumayag siyang magpakasal sa binata. Hindi niya akalain na darating ang panahon na ito sa kaniya.

Sinabi ni Joe na kaya hindi na siya nakapagparamdam pa sa dalaga ay dahil nasa loob na sila ng kampo. Marami siyang iniayos upang sa ganoon ay kapag nagpakasal na sila’y tuluyan na niyang isasama si Angel sa Amerika upang doon na sila manirahan at gumawa ng sariling pamilya.

Natameme naman ang mga kasamahan niyang walang bilib sa kanilang pagtitinginan. Napatunayan nila na kahit mataba ang dalaga ay higit na minamahal ang may mabuting kalooban.

Hindi nagtagal ay nagpakasal ang dalawa at masayang nanirahan sa Amerika.

Advertisement