Ayaw Ibigay ng Kaniyang mga Manugang ang Kaniyang Anak; Iyon daw Kasi ang Bilin ng Namayapang Asawa

“Hindi ko nga pwedeng ibigay ang apo ko sa’yo, Sandro! Sa’min siya iniwan ng kaniyang ina bago pa man binawian ng buhay si Penny. Kahit saang korte ka pa magpunta, ilalaban ko ng p@tayan ang apo ko sa’yo!” Nanggagalaiting wika ni Mang Willy sa dating manugang na si Sandro.

“Talagang ilalaban ko ang karapatan ng anak ko! Tandaan niyo iyan! Walang nararapat na mag-alaga sa anak namin ni Penny, kung ‘di ako na asawa niya!” Galit at matigas na wika ni Sandro bago tuluyang umalis sa harap ng mag-asawang Willy at Vina, ang mga magulang ni Penny, na siyang namayapang asawa ni Sandro.

Nang tuluyang mawala sa paningin ng mag-asawa ang dating manugang ay agad na niyakap ni Vina ang apong si Marvin, na ngayon ay pitong taong gulang pa lamang.

“Hinding-hindi ka namin ibibigay sa papa mo, apo,” Mangiyakngiyak na wika Mang Willy.

Makalipas ang isang Linggo ay ipinatawag ang mag-asawang Willy at Vina sa tanggapan ng barangay dahil sa ginawang reklamo ni Sandro.

“Gusto ko lang po Kapitan Albert, na makuha ang anak ko sa kanila. Mula kasi noong nam@tay si Penny ay ipinagdamot na nilang mag-asawa ang anak kong si Marvin,” panimulang wika ni Sandro.

“Napaka-sinungaling mo talaga, Sandro! Kailanman ay hindi namin ipinagdamot si Marvin sa’yo. Bakit naman namin gagawin iyon? Ikaw ang ama ni Marvin,” nanggigigil na wika ni Aleng Vina.

“Ako nga ang ama. Pero tinatanggalan niyo ako ng karapatang maalagaan ang anak ko!” Singhal ni Sandro.

Advertisement

“Walang sino man ang nagtanggal ng karapatan sa’yo sa anak mo kung ‘di ikaw mismo, Sandro!” Balik singhal rin ni Mang Willy. “Nam@tay ang anak ko dahil sa kawalang hiyaang ginawa mo. Iniwan mo ang mag-ina mo sa inuupahan niyong bahay para lang sumama sa kabit mo!

Hating gabi na, pero pinilit pa rin ni Penny na umuwi sa’min sapagkat ilang araw na siyang walang kain, dahil halos isang buwan mo na pa lang iniwan ang pamilya mo.

Kawawang Penny, nagtiis sa gutom huwag ka lang mapasama sa paningin namin. Kinuha mo siyang maganda, malaman ang katawan at maayos. Pero bumalik siya sa’ming payat na animo’y isang bulate na lang ang hindi pa nakakapirma!

Dahil sa palagi siyang nalilipasan ng gutom kaya nagkasakit siya ng ulcer. Huli na bago pa man namin nalaman. Malala na ang sakit niya kaya hindi na namin nagawang iligtas ang anak namin sa bingit ng kam@tayan.

Bago pa man namayapa ang anak kong si Penny ay mariin niyang ibinilin na huwag ibibigay sa’yo ang anak niyo. Hindi mo nga nagawang pangalagaan ang anak ko na asawa mo.

Ipagkakatiwala pa kaya namin sa’yo si Marvin na paslit lamang at wala pang muwang!” Mahaba at galit na wika ni Mang Willy. Pinipigilan ang pag-agos ng luha nang maalala ang namayapang anak.

“Kung gano’n naman pala, sir, bakit ang lakas ng loob mong mag-reklamo dito sa’min? Isa ka naman pa lang walang kwentang asawa’t ama. Walang dahilan para tulungan ka namin,” inis na wika ni Kapitan Albert.

“Hindi totoo iyang binibintang niyo sa’kin!” Mariing tanggi ni Sandro.

Advertisement

“Tama ka! Hindi naman talaga namin alam ang buong kwento. Dahil umuwi sa’min si Penny, noong panahon na naghihingalo na siya sa sakit na matagal niyang itinago sa’min.

Pwede mong pagsinungalingan ang mga sasabihin namin, Sandro, sapagkat wala na si Penny upang magbigay ng katotohanan sa bawat kasinungalingan mo. Pero sapat na sa’ming panindigan na wala ka ngang kwentang ama at asawa, noong nakahimlay pa lang ang labí ni Penny.

Tinawagan kita at nakiusap na pumunta ka. Ngunit ang sinabi mo lang sa’min noon; Pakilibing na lang ang anak niyo. Obligasyon niyo ‘yang ilibing. Alangan naman iburol niyo ‘yan!” Hindi na napigilan ni Vina ang mapahagulhol ng iyak sa galit.

“Tapos ngayon ang kapal ng mukha mong maging ama, makalipas ang dalawang taong hindi ka nagparamdam!” Wika ni Willy.

“Tama na Mang Willy at Aleng Vina,” pigil ni Kapitan Albert. “Sapat na ang mga narinig ko upang mapatunayan na walang b@yag ang napangasawa ng anak niyo!” Galit na dugtong ng kapitan.

“Kap, magpapaliwanag ak—”

“Sandro, ito lang ang tatandaan mo. Kahit saan ka pa humingi ng tulong para makuha ang anak mo, hinding-hindi ko papayagang magtagumpay ka, hijo. Isa kang walang kwentang tao.

Tandaan mo itong sasabihin ko. Wala kang b@yag! Duwag ka! Kaya wala kang karapatang maging ama. Baka mapahamak lang ang bata sa poder mo. Tutulungan ko ang mag-asawang Willy at Vina upang matanggalan ka ng karapatan sa anak mo! Tandaan mo ‘yan. Baka sa gano’ng paraan ay matahimik na nang tuluyan ang kaluluwa ni Penny,” nag-aapoy ang tinging ipinukol ni Kapitan Albert kay Sandro.

Advertisement

Walang nagawa si Sandro kung ‘di umalis sa lugar nina Willy at Vina na bigo. Buong puso namang nagpasalamat ang mag-asawa kay Kapitan Albert.

Paano ka magiging mabuting ama kung minsan mo nang pinabayaan ang iyong mag-ina, dahilan upang mamayapa ang iyong asawa. Nararapat lamang kay Sandro ang mawalan ng karapatan sa anak niya, dahil naging walang kwentang asawa siya!