Mahal Nila ang Isa’t Isa Kahit Pareho Silang Lalaki; Ngunit sa Isang Iglap Lamang ay Kinailangan Niyang Magparaya Para sa Kaligayahan Nito

“Janna, pwede ba tayong mag-usap nang masinsinan?” Mahinang wika ni Kenneth sa kaniyang nobyang si Janna.

Isang binabae si Janna— at Janno ang totoo nitong pangalan. Kung hindi mo lubos na kilala si Janna ay iisipin mong tunay siyang babae. Babaeng-babae na ang kaniyang panlabas na anyo, ngunit lalaki pa rin siya kung iyong iisipin.

Tatlong taon na ang relasyon nilang dalawa at pareho naman silang masaya, maliban na nga lang nitong nagdaang mga buwan. Nagiging salawahan ang kaniyang nararamdaman. Nais niyang isipin na mahal niya si Janna at kuntento siya rito, ngunit iba na ang sinasabi ng kaniyang puso.

“Ano iyon, love?” Malambing na tanong ni Janna.

Malungkot na tumitig si Kenneth sa mukha ng nobya. “Sana mapatawad mo ako, Janna.” Nag-aalangang wika ni Kenneth. “Ang totoo’y ayoko kasing pagsinungalingan ka kaya habang maaga pa sana’y malaman mo na ang totoo kong nararamdaman.”

“A-ano ba iyon?” Halata sa boses ni Janna ang kaba.

“May napupusaan na akong iba,” diretsong wika ni Kenneth.

“B-b*@kla rin ba?”

Advertisement

Agad namang umiling si Kenneth. “Babae siya. I’m sorry, love. Patawarin mo ako, alam kong isang kasalanan ang nararamdaman kong ito. Ngunit ang totoo ay matagal ko na siyang nililigawan, at ngayon nga’y sinagot na niya ako.

Mahal kita, Janna, pero sa palagay ko’y mas mahal ko si Xyra, kaso natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman niyang may nobya akong b@kla. Hindi ko alam kung matatanggap niya ang katotohanang iyon,” malungkot na wika ni Kenneth.

Kung nabubuksan lamang ang puso ay makikita ni Kenneth kung paano nito dinurog ang puso ni Janna sa prangkang pag-amin nito ng tunay na nararamdaman. Ngunit mas gugustuhin niyang saktan siya ng nobyo sa gano’ng paraan kaysa paasahin siya nito at lokohin lang din kinalaunan.

“Kung mahal ka talaga ng Xyra na iyan love, tatanggapin niya ang nakaraan mo,” payo niya kahit ang totoo’y gusto na niyang humagulhol ng iyak.

“I’m sorry, love. I’m sorry,” nahihirapang wika ni Kenneth. “Hindi ko naisip na darating ang araw na ‘to. Ang buong akala ko’y mamahalin natin ang isa’t-isa hanggang sa tumanda tayo. Perfect couple naman tayo e, nagkakasundo tayo sa lahat ng bagay.

Kaso darating pa rin pala ang oras na magmamahal ako ng isang tunay na babae at nanaising magkaroon ng sariling pamilya. No’ng nakilala ko si Xyra, ay nakita ko ang sarili ko na balang araw ay pwede akong maging mabuting ama at asawa,” nakangiting wika ni Kenneth, ngunit may bakas ng lungkot ang mga mata.

Hindi na napigilan ni Janno ang pag-iyak. “Nasasaktan ako, pero masaya ako para sa’yo love,” humihikbing wika ni Janno. “Tama ka. Hindi pa huli ang lahat upang mangarap kang magkaroon ng sariling pamilya. Lalaki ka pa rin at naghahanap ng tunay na babae.

Alam naman nating hindi ko kayang ibigay ang bagay na iyon sa’yo. Ninang ako sa magiging anak mo ah? Magtatampo ako sa’yo kapag hindi mo ako kinuha. Ang sakit sa totoo lang, pero ayokong hadlangan ang kaligayahan mo love,” tumatangis na wika ni Janna.

Advertisement

Kinabig naman siya ni Kenneth upang yakapin ng mahigpit. “Mahal na mahal kita, Janna. Pero sa pagkakataong ito’y bilang isang matalik na kaibigan na lamang. Sana nga’y pwede pa rin tayong maging magkaibigan.”

Malungkot na ngumiti si Janna at nagpunas ng luha. “Hindi gano’n kadali, Kenneth, pero makakaasa kang susubukan ko munang mag-move-on sa’yo, saka ko sasabihin na kaya ko nang maging kaibigan ka,” ani Janna.

Hindi madaling mag-move on lalo na’t matagal ang pinagsamahan niyong dalawa. Ngunit alam na Janna na darating din ang araw na iyon, hindi man gano’n kadali. Basta ang mahalaga’y maghihilom rin ang lahat ng sugat.

Makalipas ang dalawang taon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagtagpo ang landas ni Janna at Kenneth, kasama ang nobya nitong si Xyra na ngayon ay apat na buwan ng buntis.

“Kumusta ka na, Janna?” Masayang wika ni Kenneth.

“Long time no see ah. Pero heto medyo okay na. Nakamove-on na rin ako sa sakit na ginawa mo,” nakangiting wika ni Janna. “Ninang ba ako niyan?” Aniya na ang tingin ay sa nakaumbok na tiyan ni Xyra.

Agad namang ngumiti si Xyra at tumnago. “Oo. Ikaw ang pinakauna sa listahan, Janna.”

“Dapat lang ‘no,” kunyari’y nagtatampong wika ni Janna.

Advertisement

“Salamat ah. Alam kong hindi madali ang pinagdaanan mo pero mas pinili mong magparaya maging maligaya lang kaming dalawa ni Kenneth. Nagpapasalamat ako kasi napakabait mo at hindi mo deserved ang nangyaring iyon,” wika ni Xyra.

“Masaya na akong malaman noon na tinanggap mo nang buo si Kenneth, Xyra. Ayoko mang magparaya’y wala akong magagawa. Ayoko namang pilitin si Kenneth na manatili sa’kin kahit hindi na ako ang mahal niya,” nakangiting wika ni Janna. “May mga bagay talagang kaya niyong gawing mga babae na hindi namin kayang mga b@kla.

Ginawa ko lang ang tama, Xyra. Kaya hindi mo kailangang magpasalamat sa’kin. Masaya ako’t nakikita kong masaya ang pagsasama niyo,” buong pusong wika ni Janna.

May mga relasyon talagang dapat ipaglaban at may iba namang dapat nang bitawan kung iyon ang mas makakapagpagaan sa lahat. Pantay-pantay lamang ang pagmamahal, babae ka man, lalaki, to*mboy o b@kla.

May mga bagay nga lang na naibibigay ang babae sa lalaki na hindi kayang gawin ng iba pang kasarian. Ngunit kung pagmamahal at pantay na pagtrato ang pag-uusapan ay walang dapat na lumamang.