Ikinagulat ng Isang Sundalo nang Makita ang Ka-Penpal sa Unang Pagkakataon, 40-anyos na Ito, Malayo sa Magandang Babae na Inaasahan Niya
Si Lieutenant David Ramirez ay ang pinakabatang sundalo sa kampo. Sa edad na 27 ay masasabing successful na siya sa kanyang career. Dahil iyon sa tapang at lakas ng loob. Ngunit may isa pa siyang hiling, ang makita ang isang babae namatagal na niyang kasulatan, si Kylie.
Sa loob ng isang taon na pagsusulatan ay hindi pa nagkikita ang dalawa. Aksidenteng naipadala ng babae ang sulat sa maling address at iyon ay napunta kay David.
Sinagot niya naman iyon at doon nagtuloy-tuloy ang pagsusulatan nila. Masaya silang naging magkaibigan. Hindi niya lubos-akalaing mahuhulog ang loob niya sa simpleng sulat lamang.
Hanggang sa napagdesisyunan nilang magkita sa paglabas ni David sa kampo. Nag-usap silang mag-meet sa Luneta Park.
“Nakasuot ako ng bulaklaking bestida,” ang tanging sinabi ng babae sa kanya.
Kaya naman todo-hanap talaga si David sa kung sinumang babaeng naka-bestidang bulaklakin. Hinawi niya ang kumpulan ng tao. At doon ay nakita niya ang nakatalikod na babaeng naka-bulaklaking bestida. Naka-sumbrero ito kaya naman inagaw niya na lamang ang pansin nito, “Excuse me?”
Ngunit nagulat siya na isang matanda ang humarap sa kanya. Hindi naman ganoon katandaan pero sa tantya niya’y nasa mid 40s na ito, “Kylie?’
Ngumiti ang ginang sa kanya. Doon ay nakumpirma niyang ito nga ang kasulatan niya.
“Salamat sa pagpunta. Gusto mong kumain?”
Ngumiti lang muli ito pero sumama rin sa kanya sa restaurant, “Kamusta? Maganda ka naman pala eh. Sabi mo sakin dati, hindi.” Sabi niya rito, bagamat naiilang siya ay ayaw niya namang mapahiya ang babae kaya nginitian niya pa rin ito.
Inalalayan niya ang ginang sa pagpasok ng restaurant, pinagbuksan ng pintuan at hinatak ang upuan para dito. Natural naman talagang gentleman si David dahil yun ang turo sa kanya ng kanyang ama.
Nagtataka lamang siya kung bakit walang kibo ang ginang, puro lamang ito ngiti. “Ayos ka lang ba? May kailangan ka ba o gustong kainin?”
Natawa ang ginang, “Mabait kang bata. Ang totoo’y hindi ako si Kylie kundi ako ang mama niya. Sorry kung tinest ka muna namin. Kasi alam mo na, ito palang ang una niyong pagkikita.”
Nagulat siya sa narinig at hindi nakapagsalita.
“Papunta na ang anak ko dito.”
Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Maya-maya nga’y isang magandang dalaga ang lumapit sa kanila, “Hi, David.”
Tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay, “Hello, Kylie.”
Ang kabaitan talaga ay ginagantimpalaan, mabuti na lang at hindi naging magaspang ang pagtanggap ni David sa ginang, kundi ay hindi niya makikilala ang totoong Kylie na ngayon ay ina na ng kanyang tatlong anak.
Jackpot talaga siya sa Misis, bukod sa maganda ay napaka-maalaga nitong asawa at ina sa kanilang mga anak. Kapag naaalala niya ang pagse-set up sa kanya ng mag-ina ay napapatawa parin siya hanggang ngayon.