
Walang Ibang Ginawa ang Anak Kundi Sundin ang Lahat ng Gusto ng Kaniyang mga Magulang; Kaligayahan Nga Kaya ang Naghihintay sa Kaniya o Isang Trahedya?
Masayang umuwi si Michelle sa bahay nila. Paano ay sabik na siya sa balitang kaniyang dala. Paniguradong matutuwa ang mama niya sa sasabihin niya.
“Mama, kasali po ako sa top sa school!” Masayang balita ng batang si Michelle pagkakita niya sa mama. Kakauwi rin lang nito galing sa opisina.
“Mabuti naman. Anong rank mo, anak?” Nakangiting tanong nito sa kaniya.
“Top 2 po!” Proud na proud na sagot si Michelle sa ina. Napangiti naman ang ginang sa narinig sa anak.
“And Sarah?” Tanong ng mama niya.
“Siya po yung Top 1 ma! Ang galing galing po ni pinsan no?” Nawala ang ngiti sa mga labi ng mama niya ng marinig ang sagot niya.
“Nalamangan ka na naman ng anak ni Elena! Hindi pwede ‘to anak, next time dapat ikaw naman ang nasa tuktok. Ikaw ang dapat na number 1 at hindi ang anak ni Elena, naiintindihan mo ba anak?” Nagulat naman si Michelle sa naging reaksyon ng mama niya.
Hindi na bago na parating gusto ng kaniyang mama niya na higitan niya sa lahat ng bagay ang pinsan niyang si Sarah o kahit na sino pa sa iba niyang mga pinsan. Para sa mama niya, dapat parati siya ang pinakamagaling, pinakamaganda, at pinakamatalino.
“O-opo ma,” wala sa sariling sagot niya sa mama niya.
Simula nang araw na iyon ay mas naging mahigpit pa ang mama ni Michelle sa kaniya. Parati nitong sinisigurado na tutok siya sa kaniyang pag-aaral at iba pang mga lessons.
Sa daming lessons ni Michelle ay wala na siyang oras para maglaro pa. Dahil na rin sa dami ng ginagawa niya ay hindi niya na rin namalayan ang mabilis na paglipas ng panahon.
Nagdalaga siyang pilit na inaabot ang lahat ng nais ng kaniyang mga magulang sa isang anak. Ginagawa niya ang lahat makuha lamang ang papuri at atensyon ng mga magulang na parating nakatutok sa trabaho at walang oras sa kaniya.
“Couz, natatakot ako. Paano nalang kung bumagsak ako? I don’t want to disappoint my parents. Especially si mama,” kinakabahang saad ni Michelle kay Sarah.
Parati man silang pinag kokompara ay hindi iyon naging hadlang sa dalawang magpinsan upang maging matalik na magkaibigan. Para kasi kay Michelle at Sarah ay hindi na nila problema pa ang kung ano mang hidwaan ang mayroon ang kanilang mga magula. Labas na sila doon. Ang alam lamang nila ay magkasundo silang dalawa at walang makakapigil sa kanilang pagkakaibigan.
“Couz, ano ka ba! ‘wag nega okay? You’ll attract negative vibes! Alam mo bang may power na na-aattract sa kung man ang lumalabas sa bibig natin? Kaya don’t say such negative things!” napangiwi naman si Michelle sa sinabi ng pinsan niyang napaka OA at may pa hawak-hawak pa sa bewang habang nag-momonologue.
“Saan ka naman nakapulot ng kalokohang ‘yan? Ngayon ko lang narinig ‘yan ‘no!” nakangiwi niyang sagot sa pinsan.
“Hoy, totoo ‘yun! And I’m sure you’ll ace the exams! Sigurado akong makakapasa tayong pareho no! And if not, so what? We can just retake the exam as many times as we can! No big deal. Unli chances naman ‘yung Civil Service Exam eh. At saka helloooo? We’re only 18. Estudyante palang tayo so hind rin naman natin agad magagamit ‘yun. Chill ka lang muna okay?” marahan siyang inakbayan ng pinsan kaya naman napatingin sa rin siya sa mukha nito.
“Alam mo, pareho lang naman tayo ng angkan at dugong nananalaytay sa’tin pero bakit sobrang napaka easy going mo? How to be you po, Sarah?” napatawa naman si Sarah sa sinabi niya.
“Becauseee… wala namang magbabago if I keep worrying about it. So why worry ‘di ba? Alam mo kasi couz, time pass by without notice. Hindi na’tin namamalayan na tumatakbo pala ang oras because we take time for granted. Tandaan mo, ang oras na lumipas na ay hindi mo na maibabalik pa. So, enjoy life and stop worrying about every single damn thing! Okay? Okay!” napa-isip naman si Michelle sa sinabi ng pinsan. Tama nga naman kasi ito. Napahanga na naman siya ng pinsan niya.
“I doubt I can do that pero maraming salamat couz. Having you means the whole world to me,” sinsero niyang saad sa pinsan.
“I feel the same,” nakangiting tugon nito.
Palapit nang palapit ang araw ng exam pero hindi magawang makapagfocus sa pag-aaral ni Michelle dahil sa pressure na nararamdaman niya. Paano ba naman, sa tuwing magkikita sila ng mama niya ay parati nito ipinapaalala sa kaniyang dapat ay makapasa siya at huwag itong bibiguin.
Habang papalapit nang papalapit ang araw ng exam ay mas tumitindi ang pressure na nararamdaman ni Michelle. Isabay pa na naaapektuhan na rin ang academics niya. Pakiramdaman niya ay unti-unti na siyang nilalamon ng pressure na nararamdaman.
Hanggang sa dumating na nga ang araw hindi na nakayanan ng dalaga ang pressure na nararamdaman nito.
Gabi bago ang araw ng pagsusulit nila nang Civil Service Exam ay sinugod sa pinakamalapit na ospital si Michelle.
Tuluyan nang napagod si Michelle na pilitin ang sarili na maging perpektong anak para sa kaniyang mga magulang. Kahit kailan ay hindi naman ata siya matatanggap ng mga ito kung sinuman siya.
Sobrang pagod na pagod na siyang abutin ang mga walang katapusang mga ekspektasyon ng mga ito sa kaniya. Kaya sa gabing iyon ay napagdesisyunan ng dalaga na wakasan na ang sariling buhay.
Mabuti na lamang at naapagdesisyonan ng yaya niya na pasukin ito sa banyo ng hindi ito sumagot ng ilang beses niyang tawagin.
Natagpuan nito ang dalaga sa banyo ng kaniyang kwarto na naliligo sa kaniyang sariling dugo at may nakasulat sa kaniyang salamin gamit ang kaniyang lipstick na “Sorry but I give up. Mahal ko kayo pero hindi ko na kaya. Mahal ko kayo, but I will never be the daughter you wish you had. I’m sorry. Goodbye. I love you.”
Agad din namang naisugod sa ospital si Michelle. Sa awa ng Diyos ay naisalba pa ang buhay ng dalaga.
Wala namang tigil sa pag-iyak ang kaniyang mga magulang ng magpagtanto ang kanilang ginawa sa kanilang nag-iisang anak. Sa kagustuhang maging pinaka ang anak sa lahat ng bagay ay nakalimutan nila ang isang napakahalagang bagay, ang mismong anak nila. Naging makasarili sila at nakalimutan nilang isaalang-alang ang nararamdaman ni Michelle.
Makalipas lamang ang mahigit sa isang linggo ay nakalabas na ng hospital si Michelle. Mabuti na lamang at hindi pa masyadong matagal nang nakita siyang nakahandusay sa kaniyang banyo at agad na nadala sa hospital. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya naman medyo natagalan siya sa hospital pero madami namang nag donate ng dugo sa dalaga kaya walang naging problema sa pagsasalin ng dugo sa kaniya.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay tila ba nagising na ang mga magulang ni Michelle. Humingi sila ng paumanhin sa dalaga at nangakong babawi rito. Napagtanto nila ang lahat ng ginawa nila sa anak na nagtulak sa dalaga para gawin ang karumaldumal na bagay na iyon.
Mahal na mahal nila ang nag-iisang anak at sa sobrang pagmamahal na iyon ay hindi nila napansin na sila na rin pala mismo ang nagtutulak sa anak na wakasan ang sariling buhay nito.
Imbes na mahalin at intindihin ay pinilit nila ang anak na maging isang tao na hindi naman siya. Sa kakatingin nila sa buhay ng ibang tao ay nakalimutan nilang tanggapin ang anak kung sino man siya at pinilit na higitan ang ibang tao.
Nakalimutan nila ang pinaka importanteng bagay bilang isang magulang, ang mahalin at tanggapin ang kanilang anak maging sino man ito.

Ninais ng mga Binata ang Mas Maginhawang Buhay Kaya Iniwan Nila ang Tahanan Nila sa Bukid; Isang Hindi Inaasahang Buhay Pala ang Naghihintay sa Kanila sa Syudad
