Inday TrendingInday Trending
Nasa Presinto na Naman ang Batang Lalaki Dahil Nasangkot na Naman Ito sa mga Gang; Dito Rin Pala Mababago ang Buhay Niya

Nasa Presinto na Naman ang Batang Lalaki Dahil Nasangkot na Naman Ito sa mga Gang; Dito Rin Pala Mababago ang Buhay Niya

Kanina pa nakatingin si Rita sa batang hawak hawak ng isa nilang kasamahang pulis sa loob ng presinto. Hindi na bago ang pangitaing ito sa kaniya pero alam niyang dapat ay may gawin na talaga sila sa pagkakataong ito.

“Sir, ano na ba ang plano natin dyan kay Una? Itatawag na ba natin ulit siya sa DSWD?” tanong ni Rita kay Ronnie.

Pareho silang mga pulis sa kanilang probinsya. Ang tinutukoy ng babae ay ang batang si Uno na nadampot nilang kasama ng isang gang ng mga batang magnanakaw. Magdadalawang buwan na rin ng nasa presinto ang bata at doon namamalagi.

“Oo naman, yun ang dapat, ‘di ba?” sagot naman ni Ronnie.

“Pero ‘pag dinala yan sa DSWD, uuwi ‘yan pagkaraan ng ilang buwan tapos babalik na naman ‘yan sa gang niya,” sagot naman ng isa pang pulis sa pahayag ni Ronnie.

“Eh ano bang gusto niyong gawin? Ampunin ‘yan? Dadalhin niyo sa bahay niyo? Doon siya titira?” tanong ni Ronnie sa mga kasamahan.

“Eh bakit hindi nalang dito sa presinto?” tanong ng isa pang pulis.

“Hindi pwede ‘yun,” sagot naman ni Ronnie.

“Mukhang importante ata ang pinag-uusapan ninyo, ha? Can you fill me in?” tanong ng kararating lang na chief nila.

Ipinaliwanag ni Ronnie sa chief nila ang sitwasyon ni Uno. Wala nang pamilya ang batang lalaki kaya naman napapasama ito sa mga gang ng mga kabataan na nagnanakaw sa mga pabrika o mga bahay na walang tao. Mga batang kagaya niya ay wala ng mga pamilya o nabibilang sa sobrang hirap na pamilya kaya pinipili na lamang magnakaw upang may makain at matirahan lamang.

Ang batang si Uno lamang ang nahuli sa kanilang gang noong isang gabing may nakapag tip sa mga pulis na may mga magnanakaw sa isang malapit na pabrika sa kanilang lugar. Iniwan si Uno ng kaniyang mga kasamahan nang nahuli ito ng mga pulis.

Nakita naman nila Ronnie na hindi talaga masamang tao si Uno, kaya pansamantalang pinatira na muna nila ang bata sa presinto. Nakakakain ito ng libre doon habang tumutulong sa paglilinis at iba pang mga munting gawain na maaaring may maitulong siya.

Naaawa sila kay Uno dahil nakikita nilang mabait naman talaga itong bata. Masunurin, masipag at may mabuting kalooban. Sadyang napabilang lamang talaga ito sa mga maling tao. Kaya naman hanggang sa abot ng makakaya nilang mga pulis na naroroon ay nais sana nilang matulungan ang batang si Uno.

“Uno, halika nga dito,” tawag ni Ronnie sa batang naglilinis.

“Ano po ‘yun, Kuya Ronnie?” sagot naman ni Uno sa binatang pulis.

“May magandang balita ako sa iyo. Simula ngayon, dito ka na titira sa presinto. Inaampon ka na namin,” masayang balita niya kay Uno. Napatalon naman sa galak si Uno.

“Talaga po Kuya Ronnie? Dito na ako titira? Hindi ko na kailangan magpalaboy-laboy ulit sa daan?” paniniguradong tanong pa ulit ni Uno sa binata. Ngumiti naman at tumango ang pulis sa kaniya.

“Oo, at may isa pang mas magandang balita ako sa’yo. Napag-usapan namin nila chief ang tungkol sa pag-aaral mo, pag-aaralin ka rin naman nang balang araw ay makapagtapos ka rin ng iyong pag-aaral at ng may marating ka sa buhay. Bukas na bukas rin ay sasamahan kitang magpa-enroll dyan sa malapit na eskwelahan para makapagsimula kana sa iyong pag-aaral,” masayang dugtong niya sa balita kay Uno. Kitang kita ang galak sa mga ni Uno at Ronnie dahil sa magandang balitang dala ng binata.

Gaya nga ng sinabi ni Ronnie ay doon na sa presinto tumira si Uno kasama ang mga pulis, at pa minsan minsan ay sumasama rin ito sa bahay nila.

Napakasipag ng batang si Uno. Lalo na pagdating sa kaniyang pag-aaral. Bakas sa mukha nito ang saya dahil sa ibinigay nilang pagkakataon na makamit ng bata ang edukasyon.

Parang naging magkapatid na rin sila ni Ronnie dahil sa dalas nilang magkasama. Pinag-aral siya ng mga ito at naging maayos ang kaniyang buhay.

Masipag na bata si Uno kaya naman walang masabi sa kaniya ang mga umampon sa kaniyang mga pulis. Sa katunayan, lahat ay proud sa kaniya ng makapagtapos siya hanggang high school.

Siguro dahil na rin sa lumaki sa presinto at sa piling ng mga pulis ay criminology ang kinuhang kurso ni Uno nang siya ay tumuntong sa kolehiyo. Gaya ng kaniyang kinalakihang pamilya, ang mga pulis, ay gusto niya ring maging tapagligtas at taga-protekta ng mga mamamayan.

Makalipas ang ilang taong pag-aaral ay hindi niya naman binigo ang mga nagpaaral sa kaniya. Naging isang ganap na pulis si Uno. Nakapagtapos siya ng may maraming karangalang natanggap, kaya naman noong graduation niya ay lahat ng kaniyang naging pamilya sa presinto kasama na sina Ronnie, Rita, Chief, at iba pang mga kasamahan nila ay dumalo. Sobrang naging proud ang mga ito sa tagumpay na ganiyang nakamit.

Ngayon ay isa na si Uno sa mga magigiting na pulis sa kanilang lugar na nagpapanatili ng katahimikan at pomoprotekta sa mga mamamayan. Tinagurian din siyang bayani sa kanilang probinsya dahil sa dami ng kaniyang natulungan.

Kahit ano man ang sakuna ay parati siyang handing tumulong sa kaniyang kapwa. Lagi siyang maaasahan ano mang oras, ito ang kaniyang pangako sa mga mamamaan sa sariling probinsya.

Dati mang magnanakaw ay nagawa naman niyang magbago hindi lamang sa dahil may tumulong sa kaniya kundi dahil na rin sa pinili niya ang magbago at ayusin ang buhay niya.

Advertisement