Inday TrendingInday Trending
Manlolokong Japayuki

Manlolokong Japayuki

Nakangiting hinimas ni Beth ang noo ng asawang inaantok na. Kung tutuusin ay malaki ang agwat ng kanilang edad, trenta anyos siya at ang lalaki ay lagpas sisenta na ngunit siya talaga ang namilit na magsama na sila.

Isa siyang performer sa Japan at ipinakilala lang ng ilan sa mga kaibigan niya ang lalaki. Isa itong Hapones. Noong una ay sarado na raw ang puso nito sa pag ibig pero pinakitaan niya ito ng mabuti kaya nahulog na rin ang loob sa kanya.

Aba! Syempre todo effort siya. Lingid kasi sa kaalaman ng matanda, hindi niya naman talaga ito mahal. Nais niya lamang makaahon sa hirap.

“Why are you still awake?” tanong nito sa kanya. Mababakas sa salita ang puntong Hapones pero dahil ilang taon ring nakapagtrabaho sa Amerika ay magaling na sa wikang Ingles.

“Just thinking about something..” naglungkut-lungkutan na wika niya.

“What’s bothering my beautiful wife?”

“Am, you know. Missing my family in the Philippines. Ano..especially my cousin Mark. Because we are not just cousins we are best friends.” sabi niya, pinagdikit pa ang dalawang daliri para ipakita kung gaano sila ka-close.

Tumangu-tango naman si Hiromoto,”I understand. You can call him.” suhestiyon ng lalaki.

“Not enough eh. I wanna see him in person sana. Cause it’s been years since we last saw each other. I’m home sick.” wika niya na hirap na hirap na sa kai-ingles.

Sandaling nag-isip ang matanda. “If you want, you can visit Manila. But I won’t be able to go wtih you because I can’t leave our business here.”

Nagningning ang mga mata ni Beth. Pero muli niya iyong pinalitan ng kunwaring lungkot, “Ay I’m still sad. It’s lonely kaya to travel alone. If it’s okay honey can I ask Mark to go here? He wanna see the beauty of Japan too. Then the two of us go to the Philippines together. O di happy me,” tinantya niya ang reaksyon ng asawa at halos magtatalon siya sa tuwa nang pumayag ito.

Mabilis niyang chinat si Mark at ganoon nalang ang excitement ng lalaki. Dahil maraming pera si Hiromoto ay mabilis itong nakabili ng ticket.

Magalang na nakipagkilala ang hapones sa lalaki at tinanggap ito ng buong puso sa bahay nila. Kinagabihan, mahimbing nang natutulog si Hiromoto nang lumabas si Beth sa kanilang kwarto.

Nakakailang hakbang pa lamang siya ay may humapit na sa kanyang bewang. Napahagikgik siya nang makita si Mark, pinaghahalikan ng lalaki ang kanyang leeg.

“Hindi ba magigising yan?” paniniguro nito.

“Hindi. Bingi na yan eh. Gurang na kasi.. hindi tulad mo. Matikas na matikas pa.” sabi niya at sinundan iyon ng malanding pagtawa.

Binuhat na siya ni Mark patungo sa tinutulugan nito at doon nila ginawa ang makamundong kasalanan.

Lingid kasi sa kaalaman ni Hiromoto ay hindi niya naman talaga pinsan si Mark. Ito ang kinakasama niya sa Pinas. Matagal na nilang plano na aasawahin niya ang matanda para magkapera. Tapos ito nga, papupuntahin rito si Mark at sabay nilang nanakawin lahat ng yaman ni Hiromoto.

Sobrang ligaya nilang dalawa dahil natutupad na ang kanilang mga pangarap.

Gabi-gabi ay ganoon ang gawain nila. Lihim nilang binababoy ang tahanan ng Hapones. Hanggang sumapit ang araw ng pag-alis nilang dalawa pauwi sa Pilipinas.

Walang kaalam-alam ang matandang hapon na bitbit na nila sa mga bagahe ang ilang yaman nito.

“Please take care of my wife. I’m really sorry I can’t go with you guys,” magalang pang sabi nito sa kanila.

Nagkangisian naman ang dalawa, “Don’t worry brother. I will watch over your wife.” bola ni Mark.

Pagsakay nila ng eroplano ay ganoon nalang ang tawa nila. Mayaman na sila!

“Ang galing mo talagang pumili. Ang tanga-tanga niya!” sabi ng lalaki.

“At madatung pa!” segunda ni Beth.

Napatigil ang kaligayahan nila nang makaramdam sila ng mahinang pag- alog. Unti-unti iyong lumakas hanggang mag-panic na ang mga tao.

Napasigaw na sila pareho lalo pa nang i-announce ng piloto na may problema ang eroplano. Ilang minuto lang ang nakalipas ay isang malakas na pagsabog sa ere ang naganap.

Lahat ng sakay ay nasawi. Ang mga yaman? Sunog, walang silbi lahat.

Maaaring naloko nga ni Mark at Beth ang matandang hapones pero hindi ang Diyos. Nakikita Niya lahat ng ginagawa natin mabuti man o masama.

At sinisiguro Niyang ang lahat ng iyon ay may balik. Isang pitik lamang ng Diyos ay kayang-kaya niyang bawiin ang ating buhay kaya sulitin na natin at puro kabutihan na lamang ang gawin.

Advertisement