Inday TrendingInday Trending
Please Buntisin Mo Ako

Please Buntisin Mo Ako

Hinimas-himas pa ni Maya ang walong buwan niyang tiyan bago humilig sa balikat ng nobyong si Lorenzo. Sinulyapan naman siya ng lalaki at nginitian.

“Babe, kailan tayo papakasal?” nakanguso niyang wika.

Sandaling nag-isip ang lalaki. “Paglabas ng baby pag-usapan natin iyan, okay? Ayaw kong magsabay-sabay ang mga bagay. Don’t get me wrong babe. Gusto ko lang isa-isa sana.” maingat na sabi nito. Ayaw na ayaw masaktan ang damdamin ng nobya.

Palihim namang napairap si Maya. Hindi niya naman talaga kasi mahal si Lorenzo. Sandali pa nga lang silang nagkakakilala eh.

Sadyang mabait lang ang lalaki at responsable kaya nang sabihin niya ritong buntis siya ay agad na inako ang kanyang dinadala. May nangyari naman kasi talaga dahil nilasing niya ito.

Mayaman ang binata at gwapo, ano pa ba ang hahanapin niya? Ito na ang perfect para sa kanya. Ayaw niyang mag asawa ng mahirap rin dahil doon na nga siya nanggaling. Tsaka, ang dami niya nang sakripisyo. Siguro ay dapat lang na masuklian naman iyon at magbuhay donya na siya.

“Anak kain na muna kayo. Maya, ipinagluto kitang nilaga para sa baby.” magiliw na sabi ni Aling Salome, ang ina ni Lorenzo.

Hindi man lang nagpaka-plastik ang dalaga, inirapan niya ang biyenang hilaw. “Ayoko niyan. Mabaho.”

Alanganing napangiti si Lorenzo samantalang sinenyasan naman ito ng ina na ayos lang. Sadyang mabait at maunawain si Aling Salome. Kahit naman di niya pa masyadong kilala si Maya, basta mahal ng anak niya ay mahal niya na rin.

Ang totoo ay nakatira siya sa probinsya. Dumalaw lang siya rito sa bahay ni Lorenzo sa Maynila upang makilala ang kanyang mamanugangin. Ayaw niya naman kasing bumyahe pa ang mga ito dahil buntis nga ang babae.

Isang gabi, nang inakala ni Maya na tulog na ang lahat ay tumayo siya bitbit ang cellphone.

“Hello?” sagot ng tinatamad na lalaki sa kabilang linya.

“Natanggap mo?” taas ang kilay na sabi ni Maya.

“Ay oo. Ipinangbatak ko na nga eh!” natatawang sabi ni Melchor.

“Tang *na ka talaga wala man lang thank you eh no? Bente mil iyong natanggap mo. Magpasalamat ka naman!” naiiritang sabi ng babae.

“Ba, g*ga ka pala eh. Ikaw kamo ang magpasalamat dahil kundi dahil sa akin hindi ka mabubuntis! E di sana kahit singkong duling di ka nakakahawak ngayon.”

Nagpanting naman ang tenga ni Maya, “Ikaw na dayukdok ka. Wag na wag mong ipagsasabi yan. Ikaw na rin ang may sabi na may pera na ako ngayon kaya kayang-kaya kitang ipatumba. Tayong dalawa lang ang nakakaalam na sayo ang baby at hindi kay Lorenzo. Pag kumalat yon, ikaw agad ang hahanapin ko.” banta niya.

Oo.

Para makasiguro na mabubuntis siya ay nakipagkita siya kay Melchor at dito siya nagpagalaw nang nagpagalaw. Na siyang nagbunga nga.

Payag naman ang lalaki dahil dati niya itong nobyo sa iskwater. Nakipaghiwalay lang si Maya dahil mukha namang walang future. Bukod sa may bisyo ito, nagising rin ang dalaga sa katotohanan na ubod ng pangit ng lalaki. Ewan niya ba kung bakit siya pumatol noon.

Ang itim nito, baku-bako ang mukha dahil sa tigyawat at mabaho pa ang hininga. Kung hindi niya nga lang kailangan ng mangbubuntis sa kanya, hindi niya na ito ko-contactin pa.

Natapos na ang tawag at nahimas niya pa ang dalawang sentido. Pero muling kumabog ang dibdib niya nang marinig na nabasag ang vase sa kanyang tagiliran.

Nang lumingon siya ay naroon at nakatayo ang nanginginig na si Aling Salome. Di ito makapaniwalang nakatingin sa kanya.

“N-Niloloko..niloloko mo ang anak ko!”

Nanlaki ang mata ni Maya. Narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto sa itaas tanda na nagising si Lorenzo sa sigaw ng ina. Mabilis niyang binura ang mga ebidensya sa cellphone at nang mamataang bumababa na ang lalaki sa hagdan ay ginalingan niya ang pag arte na humihilab ang kanyang tyan.

“Ma, wag po!” hiyaw niya pa.

Mabilis na hinawakan siya ni Lorenzo sa balikat, “Ano’ng nangyayari? Ma?! Anong ginawa ninyo kay Maya?”

“Anak-“

“Babe. Babe sabi niya ayaw niya sa amin ni baby. Sana raw mamatay nalang si baby bago pa man din lumabas. Gagawin niya raw lahat para sirain tayo. Nagpapanggap lang siyang mabait sa harap mo- aw!” sabi niya pa.

Binuhat na siya ni Lorenzo at isasakay na sana sa kotse nang humabol si Aling Salome.

“Niloloko ka lang ng babaeng yan-“

“Ma tama na. Tanggapin nalang ho ninyong magkaka-pamilya na ako. Anak ko ang nasa sinapupunan niya, sa ayaw o gusto ninyo man. Tatay na ako. Kailangan kong maging responsable.” mababa ang boses na sabi ng lalaki bago tuluyang sumakay sa kotse.

Lihim na napangiti naman si Maya. Alam niya sa mga oras na iyon, nagtagumpay na siya.

Mabilis lumipas ang ilan pang buwan. Si Aling Salome na ang kusang umalis sa bahay noong gabing iyon. Marahil ay dahil sa sama ng loob.

Humilab nang muli ang tyan ni Maya at this time, totoo na. Kahit na makirot ay masayang-masaya ang babae dahil kapag may baby na ay mas malakas ang kapit niya kay Lorenzo. Pipilitin niya na itong magpakasal sa kanya.

Pinatay niya ang cellphone dahil kanina pa tawag nang tawag si Melchor. Nanghihingi na naman ng pera. Hindi niya naman mabigyan dahil nitong mga nakaraan ay naka-bakasyon na mula sa trabaho si Lorezo. Binabantayan na siya dahil kabuwanan niya na nga. Ayaw na rin siyang palabasin nito na mag isa.

“Push!” sigaw ng doktor. Naramdaman ni Maya na lumabas na ang baby, ilang minuto pa ay nagdilim na ang kanyang paningin.

Unti-unting idinilat ng babae ang kanyang mata. Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Lorenzo.

“Hi,” pa-cute na wika niya sa nobyo.

Tinitigan lang siya nito. Hindi umiimik kaya siya na ang muling nagtanong, “Kumusta ang baby?”

“W-Wala na ang baby mo Maya. Wala siyang buhay nang ilabas mo.” nakatungong sabi nito.

Agad naalarma ang babae. Pero hindi dahil nawalan siya ng anak kundi..malaki ang chance na hindi niya maitali ang lalaki!

“Pero..pero pakakasal pa rin naman tayo di ba?” iyon agad ang lumabas sa bibig niya.

Mapaklang ngumiti si Lorenzo, “Pakakasal ka pa rin. Pero hindi sa akin.”

Napakunot ang noo ng babae. “Kanino?”

Bilang sagot ay lumingon ang binata sa ngayo’y bumubukas na pinto. Iniluwa noon ang ngingisi-ngising..si Melchor. Hindi nakapagsalita si Maya.

“Hello! Sabi ko naman kasi padalhan moko di ba?”

Napasigaw nalang siya ng malakas sa kwarto.

Habang si Lorenzo naman ay umalis na. Malungkot siya dahil walang buhay ang munting anghel, wala naman itong kasalanan sa pinaggagawa ng nanay nito. Kasabay noon ay ang malaking pagsisisi na hindi niya pinaniwalaan ang kanyang ina. Napagsalitaan niya pa ng masasakit ang ginang.

Agad siyang sumakay ng kotse at tumungo sa probinsya, hihingi siya ng tawad.

Nang mahimasmasan naman si Maya ay napagtanto niyang walang lihim na hindi nabubunyag. Pagkaabot kasi sa kanya ng walang buhay na baby, walang duda na anak iyon ni Melchor. Kamukhang kamukha.

Labis ang pagsisisi niya na ginawa niya pang instrumento ang bata sa kanyang mga kalokohan.

Advertisement