Inday TrendingInday Trending
Ikinatakot ng Babae ang Gabi-Gabing Panaghoy ng Sumakabilang Buhay Niyang Mister; Malaki Pala ang Nagawa Niyang Kasalanan Dito

Ikinatakot ng Babae ang Gabi-Gabing Panaghoy ng Sumakabilang Buhay Niyang Mister; Malaki Pala ang Nagawa Niyang Kasalanan Dito

Nang magkita sina Rhea at Bimbo sa restawran na napag-usapan nila ay sobrang nag-aalala ang babae at bakas sa mukha niya ang matinding kaba.

“N-natatakot ako, Bimbo,” wika ni Rhea.

“Saan naman?” tanong ng lalaki.

“Ilang gabi na kasi akong nakakarinig ng panaghoy sa loob ng kuwarto namin ni Romeo,” mangiyak-ngiyak na sabi ng babae na sinabayan pa ng nanginginig nitong boses.

Kumunot ang noon ng kausap.

“Eh, ano naman ang pakahulugan mo ro’n?” tanong ulit ni Bimbo.

“Ayon kasi sa matandang paniniwala babalik daw ang isang taong pat*y sa lugar kung saan naririnig ang panaghoy nito at iyon ang ikinatatakot ko, Bimbo,” paliwanag ni Rhea.

Natawa lang ang lalaki sa tinuran niya.

“Kow, kalokohan lang ‘yan! At kaya lang, parang may naririnig ka ay dahil inuusig ka ng budhi mo. Hindi totoong may naririnig kang panaghoy, guni-guni mo lang ‘yon,” sagot ni Bimbo.

Nag-iba ang mukha ni Rhea sa sinabing iyon ng lalaki.

“Hindi ba’t nilason mo ang asawa mo para maging malaya na tayong dalawa?” natatawa pang saad ni Bimbo.

“Tumigil ka na! Huwag kang maingay at baka may makarinig sa iyo,” saway ni Rhea.

“Natatakot ka sa sarili mong multo, Rhea. Hindi totoong may panaghoy, ang totoo ay inuusig ka na ng konsensya mo,” hirit pa ng lalaki.

Noon pa man ay may lihim nang relasyon sina Rhea at Bimbo. Kahit may asawa na ay piniling patulan ng babae ang lalaki dahil mas maganda ang trabaho nito at mapera kumpara sa mister na isa lang hamak na construction worker. Dahil hulog na hulog na si Rhea kay Bimbo ay napadesisyunan niya na alisin na sa landas nila ang asawa kaya plinano niya ang pagwakas sa buhay nito. Isang gabi habang kumakain sila ng hapunan ay palihim niyang nilagyan ng lason ang ulam ng mister, nagtagumpay naman siya sa balak niya. Agad na bumula ang bibig ng lalaki na hindi na umabot nang buhay sa ospital. Kaya ngayon ay takot na takot siya, dahil alam niya na binabalikan na siya ng yumao niyang asawa para usigin siya.

Kinagabihan, may narinig na naman siyang nakakakilabot na tunog. Natitiyak niya na iyon ang mister niya.

“Hayun na naman ang panaghoy ni Romeo,” nangangatog na sabi ni Rhea sa isip.

Maya maya ay may imaheng nabuo sa kaniyang harapan.

“R-Romeo?!”

Tuluyang nabuo sa paningin niya ang kaluluwa ng kaniyang yumaong asawa.

“Sabik na sabik na ako sa iyo, Rhea,” wika nito sa nakakapangilabot na tinig.

“Lumayo ka sa akin! Hindi ka totoo!” sigaw ni Rhea.

“Samantalahin na natin ang pagkakataon,” saad pa ng kaluluwa.

Mas lalong ikinawindang ni Rhea ang unti-unting paglapit sa kaniya ni Romeo.

“H-huwag! Huwag!”

Ngunit kahit anong hiyaw niya ay hindi siya pinapansin ng asawa.

“Parang awa mo na, huwag kang lalapit, huwag kang lalapit sa akin!”

Nagtatakbo palabas ng kuwarto si Rhea. Walang ginawa kundi ang magsisigaw, humingi ng tulong ngunit walang nakakarinig sa kaniya. Wala siyang ibang kasama sa bahay. Hindi naman siya maririnig ng mga kapitbahay dahil layu-layo ang mga bahay sa kinaroroonan niyang subdivision.

Muling nagsalita ang kaluluwa ni Romeo.

“Huwag kang tumakbo, Rhea. Huwag kang matakot,” anito.

Pero hindi nakinig si Rhea, patuloy pa rin siyang nagsisigaw. Wala siyang kamalay-malay na dahil sa matinding takot niya ang magiging dahilan upang…

“Ugh! H-hindi ako makahinga, hindi ako makahinga,” sambit ni Rhea na napahawak na sa dibdib.

Nakalimutan niya na may sakit siya sa puso kaya bigla na lamang siyang nangisay, tumirik ang mata at bumagsak sa sahig. Tuluyan siyang inatake sa puso.

Huli na para matuklasan niya na hindi pala multo ng kaniyang yumaong asawa ang dumating, iyon ay walang iba kundi ang kalaguyo niyang si Bimbo. Dahil sa sobrang pag-iisip at takot ay inakala niyang kaluluwa ni Romeo ang lalaki.

Gulat na gulat si Bimbo nang makitang nawalan ng buhay ang babae.

“Diyos ko! Pat* y na siya…pero bakit natakot siya sa akin nang dumating ako gayong nagtungo ako rito upang paligayahin siyang muli?” naguguluhang sambit ng lalaki na hindi malaman ang gagawin.

Dahil sa natakot na rin na baka siya ang mapagbintangan sa pagkamat*y ni Rhea ay dali-daling umalis si Bimbo. Nang iwan niya ang b*ngkay ni Rhea ay saka pa lamang dumating ang totoong kaluluwa ni Romeo.

Kahit malaki ang kasalanan ng dating asawa ay nakaramdam ng habag ang kaluluwa ng lalaki.

“Gusto man kitang makasama sa kabilang buhay ay ayaw ko namang mawala ka nang ganito kaaga kahit pa nagkasala ka sa akin,” malungkot na sambit ni Romeo.

Nakatakda na talaga ang kaparusahang iyon para kay Rhea. Usig ng budhi ang tumapos sa kaniyang buhay dahil sa ginawa niya sa kaniyang asawa.

‘Di nagtagal, pati ang kalaguyo niyang si Bimbo ay kinarma rin, dahil nagkasakit ito ng malubha na naging sanhi ng katapusan nito.

Sa huli ay nakamit din ni Romeo ang hustisya. Tuluyan na ring nanahimik ang kaniyang kaluluwa.

Advertisement