Sinasaktan ang Babae ng Kaniyang Kinakasama; May Pag-asa pa Kayang Magbago ang Kaniyang Kapalaran

Sinasaktan ang Babae ng Kaniyang Kinakasama; May Pag-asa pa Kayang Magbago ang Kaniyang Kapalaran

InspiringLoveStories

“Clara, talaga bang ayaw mo na sa’kin?” Nagmamakaawang wika ni Erik.

“Erik, ayoko na. Hindi na maganda ang nangyayari sa’tin e. Panay sakitan na lang. Sa t’wing may pinagseselosan ka, ako ang nagiging kawawa. Hindi ka nagdadalawang-isip na saktan at bugbugin ako.” Pursigidong sambit ni Clara, na pilit kumakawala sa mahigpit na yakap ng lalaki.

“Dala lamang ng galit ko iyon, Clara. Patawarin mo ako,” mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Erik.

“Hindi Erik, pagod na ako. Pagod na akong saluhin ang mga suntok mo. Pagod na akong intindihin ang mga tamang hinala mo. Ayoko na. Hindi ko na kaya!”

“Hindi mo na ako mahal kaya nakakaya mo nang iwan ako!” Galit na namang sambit ni Erik.

Marahas na lumingon si Clara, sa nananakit na katawan gaw ng bugbog ay lumapit siya sa lalaki at sinampal ito ng malakas. “Huwag na huwag kwestyunin ang pagmamahal ko sa’yo Erik, dahil hindi ako magtitiis ng limang taon sa pagbubugbog mo kung hindi kita mahal!

Lahat ng bagay ay napupuno at punong-puno na ako sa lahat ng pananakit mo, pisikal man iyon o emosyonal! Kung ito ang ibig mong sabihin sa pagmamahal. Pwes! Nakikiusap akong huwag mo na lang akong mahalin,” tumatangis na wika ni Clara at tuluyan nang napaupo sa sahig dahil sa pinaghalong emosyon.

Mabilis na lumipas ang panahon at hindi man lang namamalayan ni Clara na dalawang taon na rin pala mula noong nakipaghiwalay siya kay Erik. Kahit anong pakiusap ng lalaki noon ay naging bingi at manhid na siya. Hindi na niya muling isinugal ang pag-ibig sa lalaking wala nang ibang ginawa kung ‘di ang saktan siya.

Maraming naging manliligaw si Clara, mula noong naghiwalay sila ni Erik at isa sa nagtiyaga ay si Xander. Tatlong taon ang agwat ng edad nila at may maayos na trabaho ang lalaki.

Hindi gaya noong sila pa ni Erik na siya ang nagtatrabaho habang nasa bahay lang ito at nagpapasarap. Tatlong buwan rin siyang niligawan ni Xander, bago niya ito sinagot noon. Dahil sa trauma na naranasan noong sila pa ni Erik.

At ngayon nga ay anniversary nilang dalawa bilang mag-kasintahan. Sinorpresa siya ni Xander ng isang magarbong party kasama ang mga kamag-anak at mga kaibigan nilang pareho.

Walang kaalam-alam si Clara na sa araw na ito na magsisimula ang masayang araw na magkasama sila ng binata. Nagulat na lamang siya nang bigla itong lumuhod sa harapan niya sabay sambit ng,

“Will you marry me, Clara?” Mangiyak-iyak na sambit ni Xander.

Hindi na napigilan ni Clara ang pagbuhos ng mga luha sa kaligayahang nadarama. Dahilan upang hindi niya na magawang magsalita pa.

“Hindi ko maipapangakong hindi ka iiyak sa piling ko, Clara, dahil kakambal ng tawa ang iyak. Pero kaya kong ipangako na hindi kita kailanman sasaktan. Habang buhay kong patutunayan sa’yong hindi ka nagkamaling mahalin ako.

Alam kong natatakot ka dahil sa bangungot nang iyong nakaraan. Pero hindi ako kagaya ng lalaking iyon, Clara. Mahal kita at mamahalin kita hanggang sa huli kong hininga,” sinserong wika ni Xander sa kasintahan.

“Alam ko,” humihikbing sambit ni Clara. “Mahal na mahal din kita, Xander. Alam kong malayong-malayo ka kay Erik, ilang beses mo nang pinatunayan ang bagay na iyon sa’kin.

Maraming salamat sa pagtanggap mo sa’kin ng buo. Hindi mo ako hinusgahan base sa nakaraan ko, bagkus ay maluwag mo iyong tinanggap at minahal mo ako ng higit pa sa inaakala ko.

Tunay nga ang kasabihan na kung malas ka sa unang pag-ibig, swerte ka na sa pangalawa. At mapalad ako dahil ibinigay ka ni Lord sa’kin. Mahal na mahal kita, Xander.” Tumatangis na sambit ni Clara, saka niyakap ng mahigpit ang nobyo.

“Mahal rin kita, Clara.” Mangiyak-iyak na sambit ni Xander saka mariing hinalikan ng labi ng babae na malapit na niyang maging asawa.

Tatlong buwan ang nakalipas at sa wakas ay ginanap na rin ang kasalang Xander at Clara. Masayang-masaya silang pareho ng sa wakas ay ganap na nga silang mag-asawa.

Tinupad nga ni Xander ang ipinangako nito noon sa kaniya na mamahalin siya at hindi sasaktan. Walang perpektong relasyon. Nag-aaway rin sila ag minsan ay nagkakasagutan, pero ni minsan hindi siya pinag-buhatan ng kamay ni Xander.

Kung nakakasakal na ang isang relasyon ay huwag magdadalawang-isip na umalis. May magandang kinabukasan ang nag-aabang para sa’yo. Piliin palaging mahalin ang sarili.

More Stories