Inday TrendingInday Trending
Binibigay ng Babae ang Lahat ng Luho ng Pamangkin Para Lang Sumama Ito sa Kanya, Labis ang Pagsisisi Niya sa Sinapit ng Bata

Binibigay ng Babae ang Lahat ng Luho ng Pamangkin Para Lang Sumama Ito sa Kanya, Labis ang Pagsisisi Niya sa Sinapit ng Bata

Napakahilig ng dalagang si Cyril sa mga bata, para sa kanya ay nagdadala ang mga ito ng tuwa at galak sa bahay-trabaho niyang pamumuhay. Kaya naman napakamalapit niya sa kanyang apat na pamangkin. Halos kalahati ng sahod niya ay inilalaan niya sa mga ito para lang bilhan ng pasalubong at regalo.

Muling nagbuntis ng babae ang kapatid ni Cyril. Tuwang-tuwa na naman siya nang malaman ito dahil madadagdagan na naman ang mga batang magpapasaya sa kanya. Ngunit makalipas ang isang taon, lumaki ang bata na iwas sa mga tao. Sa tuwing sinusubukan niya itong buhatin upang ipasyal o alagaan ay agad itong umiiyak ng walang humpay at nagmamakaawang ibalik siya sa kanyang ina na si Celine.

Labis ang panlulumo ni Cyril. Sanay siya na mabilis niyang nakukuha ang loob ng mga pamangkin. Kaya naman isang araw ay nakaisip ito ng paraan upang makuha ang loob ng bata nang minsan ay pinaalagaan sa kanya ito ng inang si Celine.

“Cyril, iiwan ko muna si baby Kyla sa’yo ha? Kapag umiyak, libangin mo lang. Kaya mo naman ‘yan. Kailangan ko lang talagang puntahan ang libing ng nanay ng kaibigan ko,” wika ni Celine sa kapatid.

“Oo naman, ate. Akong bahala. Pag-uwi mo, gustong-gusto na ko niyan ni Kyla. Hehehe,” nakangiting wika ni Cyril.

“Nako ha! Baka naman lahat ng bawal e ipakain mo diyan. Alam mo namang sensitibo ang tiyan niyan,” tugon ni Celine.

“Hindi, ano ka ba! Akong bahala,” sagot ni Cyril.

Pagkaalis ni Celine, agad nag-iiyak ang isang taong gulang na bata.

“Mama! Mama! Mama Celine!”

“Shhh. Baby! Uuwi rin si mama mo. Sa ngayon, kay tita ka muna. Tara, pumunta tayo sa park at ibibili kita ng lahat ng gusto mo,” wika ni Celine upang mapatahan ang bata.

Nagpunta na sila sa park upang maglaro. Ganoon niya naman kasi nakuha ang loob ng iba pa niyang pamangkin. Ngunit wala pa ring tigil sa pag-iyak ang bata. Natigil ito nang makakita ng malaking cotton candy na ibinebenta.

“Baby Kyla, gusto mo nun? Bigla kang napatahan, ah?”

“Bili! Bili!” sagot ng nakangiting bata. Agad ibinili ni Cyril ang pamangkin kaya naman tumahan na ito. Ngunit maya-maya pa ay agad na naman itong bumulahaw ng iyak.

“Bakit, baby? Ano pang gusto?” tanong ni Cyril habang karga-karga si Kyla.

Nagturo nang nagturo ang bata. Lahat naman ng ituro nito ay agad binili ni Cyril. Gustong-gusto niyang nakikita na ngumingiti ang pamangkin kahit alam niyang hindi ito makabubuti sa kalusugan ng pamangkin.

Pinainom niya ito ng softdrinks, pinakain ng samu’t-saring kendi, tsokolate, at tsitsirya. Mabilis na lumipas ang apat na oras at napagdesisyunan na nilang umuwi. Tuwang-tuwa naman si Cyril dahil sa wakas ay sinasabi na ni Kyla ang kanyang pangalan.

“Tita Tayril, tita! Tita!” wika ng kyut na kyut na bata.

“Aww! Sabi na eh, hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko nakukuha ang loob mo,” nakangiting sabi ni Cyril.

Nang makauwi, bigla na namang nag-iiyak ang bata. Kinarga siyang muli ni Cyril, ngunit bigla na lamang itong sumuka.

“Hala! Busog na busog kasi. Halika’t maligo na tayo. Lagot tayo sa mama mo,” ‘ika ni Cyril sa bata.

Natapos niya itong linisan ngunit napansin niyang matamlay ang bata. Hindi ito umiiyak ngunit hindi rin ito umiimik. Maya-maya pa ay nakauwi na si Celine at agad napansin ang pagka-walang-gana ni Kyla.

“Cyril! Anong nangyari kay Kyla? Walang tigil sa pagdumi at pagduwal!” wika nito habang nagmamadali upang dalhin na sa ospital ang bata upang maiwasan ang dehydration.

“Hala, ate, sorry. Kumain lang naman kami sa park,” sagot nito.

“Sa park? Alin doon? ‘Yong cotton candy?!” gulat na tanong ni Celine.

“Oo, bakit? Gustong-gusto kasi ni Kyla, napatahan nga siya agad sa pag-iyak,” paliwanag nito.

“Marumi ‘yon! Napansin mo walang ibang bumibili ‘di ba? Hay nako! ‘Yong ibang kapitbahay noon inireklamo na ‘yon. Cyril naman!”

“Hindi ko naman alam, ate. Sorry!”

Agad nilang isinugod sa ospital ang bata. Nabigyan naman ito agad ng lunas ng doktor at pinayuhan na painumin ng maraming tubig. Pinauwi na sila at sinabihang mag-iingat na sa mga pagkaing ibibigay sa bata.

Magmula noon ay nangako na si Cyril na hindi na isasakripisyo ang kalusugan ng pamangkin para lamang agad siyang magustuhan nito. Natutunan niyang kaya naman palang makuha ang loob ng basta sa pagtitiyaga at pag-aalaga. Kinalaunan ay kusa na ring lumapit sa kanya ang pinakabunsong pamangkin upang makipaglaro.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement