Ibinebenta ng Dalaga ang Kaniyang Pribadong Larawan sa Halagang Limang Daan; Isang Estranghero ang Makikilala Niya

Dahil sa “new normal” na nangyayari sa buong mundo ay marami ang nagbago. Maraming mga bagay na kailangang i-adjust upang sumunod sa batas at maiwasan ang patuloy na pagkalat ng pandemya.

Isa na roon ang pagkakaroon ng online class. Maraming mag-aaral at mga guro ang nahirapang mag-adjust sa bagong sistema. Ngunit walang magagawa dahil iyon ang sa tingin ng lahat na mas nakakabuti.

Ngunit hindi para kay Jasmine. Aminado siyang mas pinahirapan siya ng new normal at online class.

Kung noon ay ayos lang kahit mumurahin lamang ang kaniyang selpon dahil okay na sa kaniya ang mag-Facebook, Messenger, tumawag at mag-text.

Ngayon ay kailangan niyang bumili ng laptop. Iyong high quality at maraming specs at mataas ang storage upang ma-download niya ang lahat ng apps na kailangan sa kaniyang pag-aaral.

Upang makabili ng kinakailangang laptop ay nagdesisyon si Jasmine na magbenta ng huba*d na larawan online.

Inaalok niya ito sa mga page na mayroon ding mga kagaya niyang nangangailangan ng pera lalo na ngayong pandemya at inaalok ang huba*d na larawang kuha galing sa kaniya.

“Hi, ako nga pala si Billy,” chat ng isang estrangherong malamang galing doon sa page kung saan nag-aalok siya ng huba*d na larawan. “Nakita ko ang post mo kanina. Ipinagbibili mo raw ang iyong huba*d na larawan. Interesado ako kaya gusto kong malaman kung magkano mo iyon ipinagbibili?”

Advertisement

Agad namang pinindot ni Jasmine ang selpon at sinimulang mag-type. “Limang daan po ang bawat larawan, sir. Pero note lang po, walang mukha ang larawan. Tanging huba*d ko lamang na katawan,” reply niya.

“Okay. Ahh, sige bibilhin ko. Pero maaari ba akong magtanong?” Muling chat ng estrangherong nagpakilalang si Billy.

“Ano po iyon?”

“Bakit mo ibinebenta ang mga larawan mong ito?”

Agad namang nagtaasan ang kilay ni Jasmine sa nabasang tanong ng lalaki. Ano ba naman kasi ang pakialam nito kung nais niyang magbenta ng huba*d niyang larawan? Ngunit imbes na magtaray ay pinili niyang ipaliwanag sa lalaki ang totoo.

“Ang totoo po ay ito ang unang beses na gagawin ko ito. Nag-aaral pa po kasi ako 3rd year college sa kursong BS in Pharmacy. Dahil sa pandemya kaya nagbago ang lahat. Kinailangan kong bumili ng laptop upang maipag-patuloy ko ang aking pag-aaral.

Working student po ako ng isang sikat na fast food chain, kaso mula noong nakaroon ng pandemya e nawalan na rin po ako ng trabaho, kaya nagbebenta na lang po ako ngayon ng sampaguita sa may simbahan.

Kaso kahit anong kayod ko sa pagtitinda’y alam kong hindi nito kayang tustusan ang laptop na makakatulong sa’kin upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral kaya nakapag-desisyon po aking magbenta na lang ng huba*d na larawan online,” mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Jasmine sa chat. Hindi na namalayan ni Jasmine na naikwento na pala niya sa lalaki ang lahat.

Advertisement

Kapit sa patalim. Iyon ang naging pakiramdam ngayon ni Jasmine, maipagpatuloy lamang ang kaniyang pag-aaral.

“Nauunawaan kita,” puno ng pagkahabag na sagot ng estranghero. “Nga pala Jasmine, hindi ko na kailangang bilhin ang mga huba*d mong larawan. Kung gusto mo ay may ibang offer ako sa’yo. Ngunit meron lamang akong isang hiling,” chat ng lalaki.

“Ano iyon?”

“Gusto kong magkita tayo personal at ang nais kong hingin ay ang pagkatiwalaan ako. Hindi ako masamang tao Jasmine, ang totoo ay naaawa ako sa kwento mo,” anito sa chat.

Nagdadalawang-isip man si Jasmine ay pinili niyang pagkatiwalaan si Billy. Pumayag siyang makipagkita rito sa oras ng tanghali at sa lugar kung saan maraming tao. Mahirap na. Hindi niya ito kilala.

“Hello, ako si Billy.”

Nakangiting bungad sa kaniya ng isang lalaking hindi niya mawari kung totoo nga bang lalaki dahil may pagkamalambot ang bawat galaw nito. Sa kaniyang tantiya at nasa late thirties pa lamang ito.

“Alam kong hindi mo ini-expect na ganito ako. Huhulaan ko ang nasa isip mo. Akala mo macho ako at pogi ‘no?” Natatawang wika ni Billy. “Naku ‘day! Very wrong dahil jukla ako beks,” maarteng dugtong pa nito.

Advertisement

Natatawa namang nakisabay na lamang si Jasmine. “Hehe. Halata nga po.”

“Finally, na meet na rin kita. Alam mo bang ikaw ang humuli ng atensyon ko noong nag-i-scroll ako sa page, ta’s nabasa ko ang post mo na willing kang magbenta ng huba*d na katawan sa mga interesado. Although hindi naman talaga ako interesado sa’yo. Pero nagkaroon ako ng curiousity to know you more.

Gusto kong malaman ang dahilan ng pagbebenta mo ng huba*d na larawan. At sa aking pagkamangha ay labis akong nahabag noong nalaman ko ang tunay mong kwento,” mangiyak-ngiyak na wika ni Billy.

“Tunay ngang napakahirap ng buhay lalo na ngayong may pandemya. Kaya ang pagkapit na lang sa patalim ang tanging paraan upang mabuhay. Pero nais kong malaman mo na may mga tao pa rin ang handang tumulong Jasmine, at isa na ako sa mga taong iyon.”

Hindi na napigilan ni Jasmine ang humagulgol ng iyak ng iaabot ni Billy ang Laptop na kailangang-kailangan niya.

“Ito ang pinakahiling ko talaga, Jasmine. Ang huwag mo na muling pagtangkang pagbenta ng mga huba*d na larawan. Mataas ang mararating mo at alam kong magtatagumpay ka sa buhay.

Kapag dumating ang araw na iyon huwag mong kakalimutan ang araw na ito. Tumulong ka rin nang walang hinihinging kapalit sa kahit na sinong tao,” ani Billy saka niyakap ang umiiyak nang si Jasmine.

“Maraming-maraming salamat po. Hindi ko po talaga inaasahang may mga tao pa palang kagaya mo na handang tumulong sa kapwa kahit hindi naman nila ito lubos na kilala at hindi nila kaano-ano,” tumatangis na wika ni Jasmine.

Advertisement

“Tahan na. Basta ipangako mo sa’kin na pagsisikapan mong mag-aral ah.”

“Opo.”

“Huwag mong lagyan ng lamat ang nakaraan mo na pwede mong pagsisihan pagdating ng araw. Maswerte ka pa rin dahil ginawa akong instrumento ni God, para hindi ka mapahamak,” madamdaming wika ni Billy.

Marami pa rin talagang mabubuting tao. Iyong kagaya ni Billy na handang magbigay kahit alam naman niyang wala siyang makukuha pabalik. Pero ang pinakamahalaga ay ang sinabi niyang payo.

Minsan nagiging mapusok tayo sa pagdedesisyon. Kaya madalas nakakagawa tayo ng mali na pinagsisihan natin pagdating ng araw. Mahirap talagang maging mahirap. Ngunit hangga’t may buhay ay laging may pag-asa.