Inday TrendingInday Trending
Pinagtangkaang Palayasin ng Babae at ng Kaniyang Asawa ang Bayaw Niya; Ang Bilis ng Dating sa Kanila ng Karma

Pinagtangkaang Palayasin ng Babae at ng Kaniyang Asawa ang Bayaw Niya; Ang Bilis ng Dating sa Kanila ng Karma

Bunso sa dalawang magkapatid si Amanda. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang waitress sa isang restawran sa Binondo samantalang ang ate niyang si Annalyn ay isang propesor sa New York. Bagong kasal lamang ito sa asawa nitong si Denver, habang siya naman ay matagal nang kasal kay Raymond pero wala pa silang anak. Pa-ekstra, ekstra lang sa construction ang asawa niya at walang permanenteng trabaho.

Parehong ulila na sa mga magulang ang magkapatid. Ipinamana sa kanila ang malaking bahay na ipinundar ng nanay at tatay nilang nagtrabaho rin noon sa ibang bansa. Dahil sobrang laki at luwang niyon ay nagkasundo ang magkapatid na doon na tumira ang kanilang mga pamilya kahit ang gusto ng mister ni Annalyn ay bumukod ng tirahan, napapapayag din ito ng misis na doon din manirahan. Sa ngayon ay tatlo na lamang silang naiwan sa bahay dahil bumalik na sa Amerika ang kapatid ni Amanda.

“Amanda, kayo na ni Raymond ang bahala sa Kuya Denver niyo ha? Alam niyo naman na may kapansanan siya sa paglalakad at kailangan minsan ng alalay,” bilin ng kapatid habang kausap ito sa telepono. Ipinanganak kasing may polio ang lalaki kaya hirap itong maglakad ngunit hindi naman ito pabigat. Marami rin itong nagagawa at mayroon din itong pinagkakakitaan, isa itong mahusay na virtual assistant at sa bahay lang ito nagtatrabaho.

“Oo, ate, kami ang bahala sa kaniya. Medyo nagkakailangan pa kami pero huwag kang mag-alala. Hindi namin siya pababayaan, close na nga sila ni Raymond, eh,” pagsisinungaling ni Amanda.

Kasunod noon ay nasulyapan niya ang mister na nakakunot ang noo. Hindi naman kasi totoo ang kaniyang sinabi, asar na asar nga ang mister niya kay Denver kahit mabait naman ang bayaw niya.

Paano kasi ay sunud na sunod ang lahat ng luho ng lalaki sa kaniyang kapatid, naiingit tuloy ang asawa niya. Naiintindihan naman niya ang pagkabuwisit ng mister niya sa bayaw dahil maging siya ay may lihim ding inggit at galit sa Ate Annalyn niya. Kung hindi lang talaga sila nakikinabang sa mga ipinapadala nito ay hindi na niya kakausapin pa ang kapatid.

Mula pagkabata nila ay mas lamang na si Annalyn sa kaniya. Mas matalino, mas magaling, mas madiskarte ang ate niya kaysa sa kaniya. Maging sa estado ng buhay nila ngayon ay nakahihigit pa rin ito.

Pagkatapos makipagplastikan sa kapatid ay padabog niyang ibinaba ang telepono at hinarap ang nakasimangot na mister.

“Bakit mo naman sinabi iyon sa ate mo? Ni hindi ko nga close ‘yung inutil niyang asawa,” pagmamaktol ng lalaki.

“Ano ka ba, hindi puwedeng makarinig si ate ng hindi maganda sa mister niya. Aba, pakisamahan mo na lang muna si Kuya Denver. Magpakabait na lang muna tayo para sa susunod ay padalhan niya tayo ng mga imported na damit,” payo niya rito.

“Nakakaasar naman, eh! Bakit ba kasi kailangang magpanggap pa ako para maambunan ng suwerte? Bakit ba kasi hindi ka katulad ng ate mo? Maging madiskarte ka rin kasi,” inis na sabi ni Raymond.

Bgilang nagpanting ang tainga ni Amanda.

“Ano pa bang diskarte ang gagawin ko? Pati ako dinadamay mo sa kabuwisitan mo sa bayaw ko. Kumilos ka rin kasi, ikaw ang lalaki, ikaw dapat ang dumidiskarte para sa atin,” aniya.

“Talagang ako ang didiskarte, kung ikaw ang iintayin ko’y walang mangyayari sa atin. Bakit kasi imbes na pakisamahan natin ang inutil na bayaw mo, bakit hindi natin siya paalisin sa bahay na ito?” suhestyon ng lalaki.

“G*go! Baka gusto mong mas mawalan tayo ng grasya? ‘Pag ginawa natin iyon, siguradong putol din ang padala ni ate,” tugon niya.

“Ikaw ang g*ga! Hindi ka nag-iisip, eh, Hindi mangyayaring mapuputol ang padala ng ate mo dahil palalabasin natin na may ibang lalaking kinakalantari ang bayaw mo,” nakangising sabi ni Raymond na may naisip na agad na kadem*nyohang plano.

“Eh, g*go ka pala, eh! Hindi maniniwala si ate sa gagawin mo. Malaki ang tiwala niya sa asawa niya. Eh, kahit ako mahihirapang maniwala, eh, napakabait na tao niyang si Kuya Denver.”

“Kahit kailan ang hina ng utak mo, kaya ka palaging nalalamangan ng ate mo, eh. Kapag may ebidensiyang mga litrato, sa tingin mo hindi pa rin maniniwala ang kapatid mo? Ganito ang plano, lalasingin ko ang bayaw mo tapos akitin mo, kailangang may mangyari sa inyo. Kukunan ko kayo ng litrato habang nagkukuwan kayo at iyon ang ipapadala natin sa ate mo. Palalabasin natin na nagtataksil ang asawa niya,” wika ni Raymond.

Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa suhestyon ng mister niya, hindi siya makapaniwala na ganoon katindi ang mithiin nitong mapaalis ang bayaw niya. Sa kabilang banda, magandang ideya nga iyon. Madali niyang mapapatalsik sa bahay ang bayaw niya sa planong iyon ng asawa niya. Wala namang mawawala sa kaniya, isang gabi lang naman siyang makikipagn*ig sa bayaw niya at isa pa, guwapo rin naman ang asawa ng ate niya kahit may kapansanan ito, puwede na rin! Sa oras na mapalayas nila ang bayaw, wala naman silang ibang kamag-anak kaya sila pa rin ang makikinabang sa mga padala ng ate niya saka tiyak na magpapasalamat pa ito sa kanila dahil lalabas na may malasakit sila rito, sikat pa sila.

At isinakatuparan na nga ng dalawa ang masama nilang balak.

“Alam mo ba, ate, palaging may kausap at kachat si Kuya Denver sa selpon niya. Saka nung isang araw nakita ko siyang may kausap na ibang babae sa labas ng bahay, hindi naman sa ano ha, ate, ayaw ko namang maghinala pero malakas ang kutob ko na may ginagawang milagro iyang asawa mo,” sabi ni Amanda nang makausap ang kapatid sa telepono.

Hindi naman nakakibo ang ate niya. Halata sa boses na masama ang pakiramdam nito kaya hindi masyadong nakakatawag sa kaniya.

Kinagabihan ay isasagawa na nila ni Raymond ang planong pang-aakit sa bayaw niya. Nakipag-inuman ang mister niya sa lalaki. Siniguro nila na malasing talaga ito para madaling bumigay sa kaniya.

“Hoy g*ga! Akting lang itong gagawin mo ha? Baka naman totohanin mong mahulog sa inutil na iyon? Kung hindi lang tayo makikinabang dito ay hindi ko hahayaan na tikman ka ng ul*l na ‘yan! Saka huwag na huwag kang haharap sa kamera ha? Itago mo ang mukha mo habang nag-a-anuhan kayo para hindi ka makilala ng ate mo,” paalala ni Raymond na hawak na selpon, nakahanda na ang kamera.

Nagtanggal na ng saplot si Amanda at tinabihan na sa kama ang lasing na lasing niyang bayaw. Inumpisahan na niyang akitin ang lalaki, hinubad niya ang pang-itaas nitong damit at pinaghahalikan niya ito sa leeg.

“Sige lang, galingan mo ang pang-aakit diyan. Pagkatapos niyan ay tiyak na tiba-tiba tayo. Mapapaalis na natin ‘yan dito, mabango pa tayo sa ate mo,” malakas na sabi ni Raymond habang kinukunan sila ng litrato, naisip din ng lalaki na gamitin na rin ang video para dagdag na ebidensiya.

Maya maya ay itinulak ni Denver ang hipag palayo rito at pumalakpak nang malakas.

“Ang galing niyo! Ang akala niyo siguro ay magtatagumpay kayo na masira ako sa kapatid mo, Amanda, ano?” sabi ng lalaki na nagkukunwari lang palang lasing. “Hindi niyo pa talaga ako, lubos na kilala, hindi naman ako madaling malasing dahil sanay ako sa inuman. Narinig ko ang lahat ng plano niyo sa akin kaya naman napaghandaan ko ang gagawin kong buwelta sa inyong dalawa. Dinig na dinig ng ate mo ang lahat ng pinagsasabi ng asawa mo kanina habang kinukunan niya tayo ng litrato at video,” natatawang sambit ni Denver. “Donny! Labas ka na diyan sa likod ng kurtina!” sigaw niya.

Nagulat ang mag-asawa nang lumabas ang nakababatang kapatid ni Denver sa gilid ng bintana na natatakpan ng malaking kurtina. Kanina pa pala ito naroon sa loob ng kuwarto ng bayaw at ate niya. Lingid sa kaalaman nina Amanda at Raymond, palihim niyang pinapunta sa bahay ang kapatid niya para tulungan itong mabunyag ang kadem*nyohan nila.

“Ano? Napakinggan bang mabuti ng Ate Annalyn mo?” tanong niya.

“Oo, kuya. Hindi lang niya napakinggan, kitang-kita pa niya,” natatawang sabi ng binata.

Hawak-hawak ng kapatid ni Denver ang selpon nito, nakabukas ang video at naroon ang asawang si Annalyn na kitang-kita ang ginawang kabalbalan ng kapatid at bayaw. Nang makita ni Amanda ang ate niya sa videocall ay namumutla ito sa galit at titig na titig sa kaniya.

“Walang hiya kayo! Akala niyo siguro tanga ang asawa ko, ano? May kapansanan siya pero hindi siya bobo! Kaya nga nang sabihin niya sa akin ang narinig niyang plano niyong dalawa ay hindi talaga ako makapaniwala pero nang makita ko’t marinig ang lahat sa pamamagitan ng videocall ay totoo nga ang sumbong niya sa akin. Paano mo nagawa ito sa akin, Amanda? Pinagkatiwalaan ko kayong dalawa ng asawa mo, pero ito pa ang igaganti niyo sa akin? Mga walang utang na loob!” gigil na sabi ni Annalyn sa videocall.

“Huwag niyo rin kaming pagtangkaang saktan ng kapatid ko dahil nasa labas lang ang isa ko pang kapatid na pulis, isang tawag ko lang ay agad na papasok ‘yun dito para dakpin kayong dalawa. Sinayang niyo ang pagtitiwala namin ng ate mo, naging mabuti naman ako sa inyo, ‘di ba?” sabi pa ni Denver.

Sa sobrang kahihiyan ay nagmamadaling nagbihis si Amanda at lumabas ng kuwarto. Sa matinding takot naman ni Raymond ay sinundan nito ang asawa na nagtatakbo palabas ng bahay. Nakalimutan pang isuot ni Amanda ang pang-ibabang saplot kaya habol tingin siya ng mga kapitbahay. Hindi tuloy nila namalayan ang isang truck na parating na mabilis ang takbo at nahagip silang dalawa. Humandusay sa kalsada ang wala nang buhay na katawan ng mag-asawa.

Siningil agad sila ng karma sa ginawa nilang kabuktutan.

Ipinakita sa kuwento na ang masamang tangka ay hindi kailanman nagtatagumpay. May kaakibat na kabayaran kapag pinairal ang pagiging gahaman at pang-aabuso sa kapwa.

Advertisement