Inday TrendingInday Trending
Ipinamukha ng Lalaki sa Nobyo ng Kaniyang Anak na Hindi Nila Ito Ka-Lebel; Kakainin Pala Niya ang Lahat ng Sinabi Niya

Ipinamukha ng Lalaki sa Nobyo ng Kaniyang Anak na Hindi Nila Ito Ka-Lebel; Kakainin Pala Niya ang Lahat ng Sinabi Niya

Apat na taon na ang nakakaraan nang mabiyudo si Leopoldo. Sumakabilang buhay ang asawa niya sa sakit na k*nser sa baga. Silang dalawa na lang ngayon ng nag-iisa niyang anak na dalaga na si Francheska. Matalino at mabait ang kaniyang unica hija na isa nang mahusay na doktora. Habang siya naman ay nasa bahay na lang dahil retirado na siya.

Isang gabi, isinama ng anak niya sa bahay nila ang nobyo nito.

“‘Pa, this is Jonathan. Siya ‘yung matagal ko nang ikinukuwento sa inyo. Sweetheart, meet my father, Atty. Leopoldo Vera Cruz,” nakangiting sabi ni Francheska.

“Hello po tito, kumusta po?” masayang wika ng binata.

Alanganing napangiti naman si Leopoldo.

“Ito ba ang boyfriend na sinasabi ng anak ko? Diyos ko, mukhang hindi matalino at nagmula pa yata sa mahirap na pamilya. Ang suot, hindi man lang pinaghandaan ang pagpunta rito, pinabili lang yata ito ng suka ng nanay niya at naligaw lang sa bahay namin. Saan ba napulot ng anak ko ang lalaking ito?” inis na bulong ng matanda sa isip.

Bagama’t tinanggap naman ni Leopoldo ang pagkamay ng binata.

“O-okey naman ako, hijo. Nice meeting you. Come on, dinner is ready,” aya pa niya sa mga ito.

Sa isip ng matanda, sana ay hindi na lang niya inutusan ang mga katulong nila na magluto ng masarap sa gabing iyon kung ganitong klaseng lalaki lang ang dadalhin ng anak niya. Sinabihan na lang sana niya si Francheska na kumain na lang ang mga ito sa labas.

Nang makita ng binata ang inihaing ulam sa mesa ay nanlaki ang mga mata nito. Mukhang ngayon lang nakakita ng masarap na ulam na pang mayaman.

“Wow, ang sasarap naman ng pagkain! Ang bango, mukhang magaling ang nagluto a!” wika ni Jonathan nang nasa hapagkainan na sila.

“Naku, oo. Magaling magluto sina Manang Debora at Ate Soling. Tiyak na masarap ang mga iyan,” natatawa namang sabi ni Francheska na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nila.

“At mukhang pat*y gutom pa ang lalaking ito,” bulong ni Leopoldo sa sarili na lihim pang napairap nang halos mamuwalan sa pagkain ang boyfriend ni Francheska.

Sa isip ng matanda ay nahihibang na talaga ang anak niya. Inirereto nga niya ang dalaga niya sa anak ng matalik niyang kaibigan na retiradong abogado rin, si Tyrone. Edukado, guwapo at propesyunal din gaya nila dahil isa rin itong doktor. Ganoong lalaki ang nais niyang makatuluyan ng kaniyang anak. Hindi tulad ng pat*y gutom na Jonathan na ito.

Sinubukan niyang usisain ang binata.

“A, eh, hijo, nasaan ang mga magulang mo? At ano ang mga trabaho nila?”

“Matagal na pong pumanaw ang tatay ko dahil nagkaroon po siya ng malubhang sakit sa atay. Dahil po sa kawalan ng pera ay hindi namin siya naipagamot agad, kapos po kami dati sa pera kaya ayun po, maaga po siyang kinuha ni Lord sa amin. Ang nanay ko naman po ay nagmamay-ari ng maliit na panaderya na pinagkukunan po namin ng ikinabubuhay,” proud pang sabi ng binata.

“A, okey,” tanging naisagot ni Leopoldo. Hampaslupa nga ang lalaki.

“Ang totoo po niyan, doon ko po nakilala si Francheska,” hirit pa ng binata. “Sa panaderya po ni nanay palaging umoorder ng tinapay ang mga staff nurse na hawak ng inyong anak sa ospital na pinagtatrabahuhan nila,” wika ni Jonathan.

“Eh, nakapag-aral ka naman hindi ba, hijo?” pahabong niyang tanong.

“Opo, nakapagtapos na po ako ng pag-aaral. Mass communication graduate po ako major in journalism. Isa po akong writer sa diyaryo,” sagot ni Jonathan.

“Yes, papa, mahusay na writer itong si Jonathan at malapit na siyang ma-promote bilang editor. Iyon nga ang dahilan kaya ko siya dinala rito para makilala mo, papa. May mahalaga kaming sasabihin. Balak na naming magpakasal,” sabad naman ni Francheska.

Biglang nasamid si Leopoldo. Muntik na siyang himat*yin sa sinabing iyon ng anak niya. Mabuti na lang at maagap ang mga kasambahay niya at nabigyan agad siya ng tubig. Nang makaalis ang lalaki at pumasok na ang anak niya sa kuwarto nito ay hindi siya mapakali. Akala niya ay naglalaro lang ang kaniyang anak, pero kasal na ang binabanggit nito. Hindi iyon maaari, hinding-hindi niya iyon pahihintulutang mangyari. Hindi naman niya magawang tumanggi sa haap ng mga ito dahil ayaw niyang magmukhang kontrabida kaya gagawa na lang siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal.

Isang araw, nagyaya ang anak niyang si Francheska at ang boyfriend nito na kumain sila sa isang restawan. Hindi na kasi siya nakakalabas ng bahay mula nang magretiro siya kaya naisip ng mga ito na ipasyal siya. Kahit irita na kasama ang lalaki ay hindi nagpahalata ang matanda.

“Are you sure, papa? Gusto mo hintayin niyo na lang ako, ipa-park ko lang itong kotse para sabay-sabay tayong pumasok sa loob,” wika ni Francheska.

“Yes, hija. Gusto ko munang maka-bonding itong future son-in-law ko. Kami muna ang papasok sa loob ng restawran. Sumunod ka na lang kapag nai-park mo na ang kotse,” sagot ng matanda na nagkunwari pang inakbayan si Jonathan kahit naiirita rito.

Ngumiti naman ang kaniyang anak at tumingin sa binata. “Sige po, susunod na lang ako sa inyo sa loob. Ipa-park ko lang ito,” sabi ng dalaga.

Ang hindi alam ng mga ito, inimbita niya si Tyrone sa pinuntahang nilang restawran. Kanina pa nga ito naghihintay sa loob. Gusto niyang pamukhaan si Jonathan, gusto niyang isampal sa makapal nitong mukha na hindi ang tulad nito ang nababagay sa anak niya. Malayung-malayo ito sa kalingkingan ni Tyrone.

Pagpasok nila sa loob ay agad silang nakita ng binata.

“Tito, kumusta ka na? Na-miss kita sobra,” sabik na wika ni Tyrone nang makita siya. Nagmano rin ito sa kaniya.

“My real future son-in-law, na-miss din kita, hijo!” sagot niya. Nang matapos sila sa batian ay sinulyapan ng makahulugang tingin ng binata si Jonathan.

“So, he’s the guy?” anito.

“Oh, oo nga pala. I’m sorry, nakalimutan ko, hijo. Siya si Jonathan, ang boyfriend sa ngayon ng aking unica hija. Jonathan, this is Dr. Tyrone Uy. Nakadestino na siya sa Chicago but he visits Philippines every now and then. Isa siyang napakahusay na doktor, top notcher sa board exam, nakagradweyt sa Harvard, guwapo at matipuno kaya nga naisip kong bagay na bagay sila ni Francheska ko, kung wala ka lang sana sa buhay niya,” makahulugan niyang sabi.

“Nice meeting you, bro,” plastik na sabi ni Tyrone.

Umupo na sila sa mesang ipina-reserve ni Francheska. Aalalayan sana siya ni Jonathan sa pag-upo nang biglang tabigin ni Tyrone ang binata at inunahan ito. Napangiti naman siya sa ginawa ng manok niya.

“Teka, tito, sa dinami-rami ng class na restawran, bakit dito pa sa mukhang cheap kayo dinala ni Francheska?” tanong ng binata.

“Ewan ko ba sa anak kong iyan. Mula nang napasama sa mga cheap na tao ay naging cheap na rin,” natatawa niyang sabi na parinig talaga niya sa pobreng si Jonathan.

Napatigil sila sa pagkukuwentuhan nang biglang magsigawan ng mga tao.

“Sunog! Nasusunog ang restawran!”

Nataranta ang lahat ng kustomer at staff sa loob ng restawran nang magkaroon doon ng sunog. Mabilis na kumalat ang apoy sa lugar. Dahil mahina na ang tuhod at lalampa-lampa sina Leopoldo at Tyrone ay natumba ang dalawa nang gitgitin sila ng mga taong nagpa-panic.

“Tulong, tulungan mo ako, hijo,” pakiusap ni Leopoldo kay Tyrone nang hindi na siya makatayo. Hinawakan niya sa binti ang binata.

“Let go!” sagot nito sa kaniya. Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa binti nito, nagmamakaawang tulungan siya nitong maitayo.

Isang malakas na tadyak ang dumapo sa kaniyang tagiliran. Halos mapasigaw siya sa sakit kaya nakabitiw siya sa pagkakahawak sa binti ng binata.

“Manigas ka riyan, tanda! Ayoko pang mamat*y!” sigaw nito bago nagtatakbo palabas ng restawran.

Napaluha si Leopoldo sa mga oras na iyon. Tinanggap na niya na iyon na ang katapusan niya, pero bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay ay may umalalay sa kaniya.

“Gising po, gising po. Huwag po kayong mag-alala, ilalabas ko kayo rito.”

“J-Jonathan?”

“Kumapit po kayo sa braso ko, hindi ko po kayo pababayaan,” sabi nito, dahil nanghihina na rin ay medyo nahirapan ang binata pero hindi ito sumuko, hindi siya nito iniwan. Nagawa nitong makalabas sila nang ligtas sa nag-aapoy na restawran.

Habang inaalalayan siya nito ay pinagmasdan niya ang binata. Wala siyang ipinakitang mabuti rito, hinamak at minaliit niya ang pagkatao nito pero iniligtas pa rin ng binata ang buhay niya.

Sa labas ay sinalubong sila ni Francheska, kasunod nito ay dumating na rin ang mga bumbero para apulahin ang apoy.

“Oh my God! Papa, Jonathan!” nag-aalalang wika nito sabay yakap sa kanilang dalawa ng binata. “I’m sorry, kung wala akong nagawa para sa inyo. Ayos lang ba kayo?” mangiyak-ngiyak pa nitong sabi habang sinipat-sipat kung may sugat na natamo ang ama at nobyo.

Nakangiting hinawakan ni Leopoldo ang kamay ng dalaga.

“Anak, ngayon ay alam ko na kung bakit si Jonathan ang minahal mo.”

Litong napatingin sa kaniya ang dalawa, hinawakan niya rin ang kamay ng binata.

“Dahil may busilak siyang puso. Patawarin mo ako kung hinusgahan kita, hijo,” sabi niya rito.

Nagyakap silang tatlo at nagpasalamat sa Diyos na nakaligtas sila sa kapahamakan.

‘Di nagtagal ay ikinasal sina Francheska at Jonathan. Naging mabuting biyenan siya sa kaniyang manugang. Hindi man ito propesyunal at mayaman na gaya nila, isa naman itong mabuting tao.

Minsan, kailangan pa tayong turuan ng leksyon ng Diyos para matutong gumawa ng tama at makita ang kabutihan sa ating kapwa.

Advertisement