Inday TrendingInday Trending
Sabay na Niligawan ng Binatang ito ang Dalawang Dalaga, Ito ang Napala Niya

Sabay na Niligawan ng Binatang ito ang Dalawang Dalaga, Ito ang Napala Niya

“Anak, sino ba talaga ang nililigawan mo? Kahapon ang pinakilala mo sa akin ‘yong maikli ang buhok na morena, ngayon naman ‘yong mahaba ang buhok na maputi! Baka bukas may dalhin ka na naman dito, ha? Diyos ko, anak!” sambit ng ina ni Joseph sa kaniya, isang araw matapos niyang dalhin sa kanilang bahay ang pangalawang babaeng nililigawan niya.

“Silang dalawa lang po ang nililigawan ko, mama, huwag kang mag-alala,” pabiro niyang sagot sabay tumawa dahilan upang mapailing ang ina.

“Joseph, anak, kung manliligaw ka, dapat isa-isa lang!” wika nito saka bahagyang hinampas ang kaniyang braso.

“Pwede namang pagsabayin, mama, eh, hindi naman nila malalaman,” kumpiyansado niyang tugon sabay kindat.

“Naku, Joseph, kapag ikaw namangka sa dalawang ilog, panigurado, maliligaw ka o wala kang maiuuwing isda!” sagot nito.

“Lumang kasabihan na ‘yan, mama! Ngayon kasi, more entry, more chances of winning! Saka, ‘yong dalawang ‘yon, deds na deds sa akin! Baka nga imbis na sa akin sila magalit, sila pa ang mag-away dalawa!” pilisopong sagot niya dahilan upang ito’y sumuko na. “Ay! Ewan ko sa’yo! Ayusin mo mga desisyon mo sa buhay!” sigaw nito saka siya iniwan sa kaniyang kwarto.

Wala pang nagiging kasintahan ang binatang si Joseph. Malakas man ang karisma niya at may magandang itsura dahilan upang ang mga babae na ang manligaw sa kaniya, pinili niya pa ring huwag munang pumasok sa isang relasyon habang siya’y hindi pa nakakatulong sa kaniyang ina na talaga nga namang mahal na mahal niya.

Kaya naman, noong makapagtapos na siya ng pag-aaral at maging isa nang ganap na piloto, agad na siyang naghanap ng kaniyang magiging nobya. Ngunit dahil nga sa tagal nang paghihintay niya para sa pagkakataong pumasok na sa relasyon, nagdesisyon siyang ligawan ang dalawa sa mga babaeng nais siyang ligawan noon pa man.

Ang dalawang ito ang pumukaw sa kaniyang mga mata dahil sa kagandahang taglay ng mga ito. Bukod pa roon, ang isa ay ganap nang modelo ngayon habang ang isa’y may sariling kumpanya na dahilan upang mahirapan siyang mamili. Ika niya bago pa man siya umakyat ng ligaw sa mga ito, “Liligawan ko na lang silang dalawa, kung sino ang unang sumagot sa akin, ‘yon ang magiging nobya ko. Aba, hindi na ako talo kahit sino man sa kanilang dalawa ang sumagot sa akin, at lalong hindi na sila talo sa akin!” na labis namang nakapagbigay ng sakit sa ulo sa kaniyang ina.

Ang salitang pagdala niya sa dalawang babae sa kanilang bahay ay napadalas pa, tuwing wala siyang trabaho, dahilan upang halos araw-araw siyang pagsabihan ng kaniyang ina na hindi magandang dalhin niya ang mga ito sa bahay nila lalo pa’t wala pa silang relasyon. Ngunit tugon niya, “Ayos lang ‘yan, mama, makalumang prinsipyo na yan!” dahilan upang magpakalayo-layo muna ang kaniyang ina dahil sa sakit sa ulo na dala niya.

Ngunit isang araw, habang kasama niya ang isa sa dalawa niyang nililigawan sa kanilang bahay, biglang dumating ang isa pang dalaga. May dala itong mga pagkain at karatulang may nakasulat na, “Sinasagot na kita, Joseph, I love you!” dahilan upang siya’y mataranta.

“Ah, eh, ano kasi, eh…” tangi niyang sambit nang magkita na ang dalawang dalaga.

“Sabay mo kaming nililigawan?” mataray na sagot ng babaeng kasama niya sa bahay.

“Siguro nga, ikaw ang kasama niya ngayon, eh. Kahapon siguro ang schedule ko kaya niya ako dinala sa isang hotel malapit sa airport na pinagtatrababuhan niya,” sabat ng babaeng may hawak na karatula at cake dahilan upang unti-unti siyang mapaatras.

At katulad nang naiisip niyang sitwasyon, pinagtulungan siyang bugbu*gin ng dalawang dalaga. Wala siyang ibang magawa kung hindi ang sanggain lahat ng sampal at sabunot ng mga ito habang sumisigaw ng, “Patawarin niyo ako!”

Iniwan siya ng dalawang dalaga sa harapan ng kanilang bahay nang bugbo*g sarado, puno ng cake at iba pang pagkain sa buong katawan at may karatula sa kaniyang dibdib na nagsasabing, “Ako’y lumangoy sa dalawang ilog, huwag tularan kung ayaw mong mabugbo*g,” dahilan upang halos lang nang makakita sa kaniya, siya’y kainisan at husgahan.

Nais man niyang tumayo at pumasok agad sa kanilang bahay upang wala nang makakita sa kaniya, hindi niya magawa dahil sa sakit ng kaniyang katawan.

Simula noon, hindi na siya umulit sa panliligaw ng dalawang babae dahil bukod sa bugb*g na inabot niya sa dalawang dalaga, katakot-takot pa na sermon ang inabot niya sa kaniyang ina pag-uwi nito habang ito’y umiiyak dahilan upang labis niya itong pagsisihan.

Advertisement