“Alimasag”, Yan ang Tawag sa Batang Inaapi Noon, Ngunit Hindi Siya Nagpatalo at Naging Matagumpay sa Buhay
“Ayan na ang alimasag, ayan na ang alimasag!” Tawanan ang mga tao sa Brgy. Dampa nang dumaan sa harapan nila si Manuel o mas kilala sa tawag na Maneng Alimasag. Ipinanganak na walang parehong kamay at kulang-kulang pa ang mga daliri sa paa. Ipinaglihi daw siya sa alimasag sabi ng lola niya. Ang nanay niya naman ay namatay sa panganganak sa kanya. At ang tatay niya naman ay siya ang sinisi sa pagkawala ng asawa. Tinuring siyang malas nito at iniwan nalang bigla sa kanyang lola Saning. Mahal na mahal niya ang kanyang lola dahil sa lahat ng kakilala niya at sa lahat ng tao, ito lamang ang nagpakita ng totoong pagmamahal sa kanya. Mula pagkabata hanggang sa ngayong bente-uno anyos na siya ay silang dalawa lang ng matanda ang magkasama sa buhay. Nahirapan man sa pag-aaral ay pinilit pa rin ni Maneng na makapagtapos. Ngunit hindi lamang doon nagtatapos ang kanyang paghihirap. Dumaan pa rin siya sa napakaraming pagsubok. Tulad na lamang ng hindi pagkakatanggap sa trabaho dahil sa kapansanan niya. Iba-ibang panlalait at pangda-down pa ang naranasan niya habang naghahanap ng pagkakakitaan. “Paano ka makakapagtrabaho n’yan eh wala kang kamay?” “Hindi pwede alimasag dito, boy.” “Sorry bawal disabled dito.” Muntik na siyang panghinaan ng loob noon maigi na lamang at may nakilala siyang katulad niya–isang PWD din. “Pinagdaanan ko rin lahat ng pinagdaanan mo pero hindi ako sumuko. Tignan mo nalang kung ano ang narating ko ngayon,” payo nito na nalaman niyang Lawrence ang pangalan. Isa na kasi itong mayaman na negosyante. Ginamit ang utak upang magtagumpay. Baldado man ang katawan, hindi niya naman pinutol ang pangarap para sa sarili. Na-inspire si Maneng sa sinabi ng lalaki. Sinunod niya ang sinabi nito. Pinakinggan kung ano talaga ang gusto ng kanyang puso. “Gusto ko maging sikat na artist.” Tinulungan siya ni Lawrence sa nasabing pangarap. Hindi niya naman binigo ang kaibigan. Pinag-igihan niya ang pagiging artist. Habang nagtatrabaho ay nag-aaral siya ng mga bagong taktika sa pagdo-drawing. Hanggang isang araw ay tinanong siya ni Lawrence, “Ready ka na, Manuel?” Kinakabahan siyang tumango. Ito na kasi ang araw ng competition niya. Kung sino ang mananalo dito ay ipapadala sa China upang makilahok sa national competition. “Huwag kang kabahan, magtiwala ka lang sa sarili mo.” Ganoon na nga ang ginawa niya. Ibinigay niya ang best. Inisip niya lahat ng paghihirap niya, ang pagmamahal ng lola niya, at pati na rin ang pagtulong sa kanya ni Lawrence. Hanggang oras na ng anunsyo, “And the winner is… Manuel Cerezo!” Hindi makapaniwala si Maneng. Pangalan niya nga ang narinig. Tuwang-tuwa niyang niyakap ang lola at nagpasalamat kay Lawrence. Doon na nagbago ang buhay niya. Naging sunod-sunod ang pagkapanalo niya sa drawing competitions. Nagroon rin siya ng career sa Japan. Wala nang natawag sa kanyang alimasag, sa halip pag-uwi niya ng Pilipinas ay Idol na ang tawag sa kanya ng mga tao. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.