Inday TrendingInday Trending
Kakaiba Ang Istilo ng Misis Na Ito Para Mapahinto sa Bisyo si Mister

Kakaiba Ang Istilo ng Misis Na Ito Para Mapahinto sa Bisyo si Mister

Mag-iisang taon palang na nagsasama sina Katrina at Pablo bilang mag-asawa. Nag kakilala sa isang dating website ang dalawa. Maganda si Katrina, maayos sa katawan at sa mukha na labis ikinabighani ni Pablo kahit pa nga ito ay nasa kolehiyo noon at hindi pa nakakapagtapos ay hindi na niya tinantanan ang dalaga.

Si Pablo naman ay tapos na ng kolehiyo at may-ari ng isang kainan malapit sa Malate noong nagkakilala sila ng dalaga. Hatid sundo niya ang dalaga. Walang palya sa regalo ang binata tuwing monthsary nila at hangang sa nakapagtapos si Katrina.

Agad sinungaban ng binata na yayain ito ng kasal. Isang gabi noong ikaw dalawang taong anibersaryo ng dalawa ay pumunta sila sa tagaytay para doon mag bakasyon. Habang umiinom ng alak ay kinuha ng lalaki ang kamay ni Katrina at hinalikan ang mga palad nito, paakyat sa braso, dumaan sa kanyang mga leeg at nilaro ang kanyang dila sa ilalim ng tenga ng babae, pumatong ang lalaki sa ibabaw ng babae at hinawi ang buhok nito nang mahalikan niya ang buong leeg ng babae. Habang si Katrina naman ay nakapikit at tila ba nasisiyahan sa ginagawa ng nobyo. Hangang sa bumulong ang lalaki sa kanya.

“Katrina Malobos, will you be my wife?” saad ng lalaki habang nakapatong sa babae.

Dumilat si Katrina habang gulat na gulat sa sinabi ng nobyo, hindi pa man siya nakakagalaw ay itinaas ng lalaki ang kanyang kanang kamay at naka abang doon ang singsing na isusuot nalang ng lalaki. Tinitigan ng babae ang mga mata ni Pablo habang nararamdaman naman niya sa baba ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito. Ngumiti ang lalaki sa dalaga, at hinalikan muli ang mga leeg nito at umakyat sa kanyang mukha sabay halik sa kanyang mga mata.

“Pakasalan mo ako Katrina at gagawin kitang prisesa ng buhay ko,” bulong ni Pablo sa dalaga.

“Oo, oo ang sagot Pablo. Si Katrina Malobos ay handa ng maging Mrs. Hilabon, “ nakangiting sagot ng dalaga at isinuot na ng tuluyan ni Pablo ang singsing sa daliri ng nobya, at itinuloy ang init na nararamdaman ng kanilang katawan. Ang paunang honeymoon ng dalawa ay kasalukuyan ng nagaganap.

Ilang buwan lamang ang lumipas ay agad na ikinasal ang dalawa, isang garden wedding ang naganap. Hindi kasi katoliko ang babae at nagparaya naman agad si Pablo. Hangang sa nagkaroon sila agad ng supling. Hindi pa man nakakapagtrabaho si Katrina ay agad na siyang namulat sa buhay may-asawa.

“Mama, ganito ba talaga pag mag-asawa na? Laging nag aaway?” umiiyak na saad ng dalaga sa ina habang kausap niya ito sa telepono.

“Anak, makikilala mo lang ang isang tao pag nakasama mo ito sa isang bubong. Kami nga ng tatay mo na mag 30 years na e meron parin akong mga bagong bagay na nalalaman sa kanya. Tandaan mo marami pang dadaan sa inyo. Pero kung gusto mo ng buong pamilya kailangan maging matibay ka dahil tayong mga babae ang magdadala ng relasyon. Sabi nga ng matatanda e mas mahirap magpalaki ng asawa kesa sa mag-alaga ng anak,” sagot ng kanyang ina.

“Hindi ko napo yata kaya pa mama,” baling ni Katrina sa ina.

“Anak kaya mo yan, ipagdasal mo lang magiging maayos din ang lahat,” sagot ni Aling Rose sa anak.

Simula kasi noong naging mag-asawa ang dalawa, naging madalas ang pag-inum ni Pablo at paninigarilyo na lagi nilang pinag-aawayan. Hindi naging pabaya ang lalaki sa pagiging asawa at tatay nito sa kanilang anak ngunit simula noong manganak siya ay naging mas malala ang bisyo nito. Hindi na umuuwi sa gabi ang lalaki, at lagi nalang itong naiinom. Pag naman nasa bahay nila ay maya-maya ang panonogarilyo nito. Pakiramdam ni Katrina ay sawang-sawa sa kanya ang asawa niya na hindi ito makatagal sa bahay, parati na lang umiiyak si Katrina sa gabi at pinagsisihan na pinakasalan niya ang lalaki.

“T***ina mo! Anong ginawa ko para tratuhin mo ako ng ganito, ha Pablo?” sigaw ni Katrina sa lalaki. Salubong ni Katrina sa asawang nakainum nanaman.

“Ano nanaman ba!? Galit ka nanaman. Sa araw-araw na lang na ginawa ng dyos Katrina hindi na ako umuwi dito na hindi ka galit o hindi ka umiiyak na para bang inaapi kita! Kung mag rereklamo ka nanaman na pagod ka sa anak mo pwes wala tayo magagawa diyan! Kung may suso lang ako e sakin ko pinadede yang si Baby King! T***ina mo rin ka!” bulalas ng lalaki kay Katrina na labis na ikinagulat ng dalaga ngunit hindi siya dito nagpasindak.

“Kelan ako nagreklamo tungkol sa anak mo aber? Ang nirereklamo ko e yang mga p***inang bisyo mo!” sigaw ng dalaga.

“Buti nga inum at yosi lang bisyo ko! Hindi ako nambabae! Simula noong naging mag-asawa tayo lahat na lang bawal! Bawal uminom! Bawal manigarilyo! Bawal makipagkaibigan sa may bisyo! Lahat bawal sayo Katrina!” baling ng lalaki sabay labas. Naiwan si Katrina na umiiyak at niyakap na lamang niya ang unan. Ilang saglit lamang ay nahimasmasan rin siya at agad niyang naisip na magiba ng istilo sa mga bisyo ng lalaki, hindi na siya magagalit ngayon at hindi narin niya ito sisigawan at pagbabawalan pa.

Kinaumagahan, maagang gumising ang babae, nagluto ng almusal. Maayos ang bahay at maayos din siya nakangiti sa kanyang asawa at hinalikan ito.

“Papa gising na, luto na ang agahan,” malambing na wika ni Katrina sabay halik nito sa noo. Isang buwan ginawa iyon ni Katrina at tinignan kung may pagbabagong nagaganap. Sa awa naman ng dyos ay nababawasan na ang paninigarilyo nito, ngunit hindi parin masaya si Katrina.

“Ma, anong ginagawa mo dyan bat ka nakaluhod, alas tres palang ng madaling araw oh?” gulat na tanong ni Pablo sa babae ng maabutan niya ito sa kanilang altar na umiiyak.

Tumayo ang dalaga at umupo sa kanilang sofa.

“Pinagdadasal ko lang na sana magkasama pa tayo ng matagal, na hindi ka kuhanin sa akin agad ng panginoon. Hindi ka magkasakit at magkaroon ng malakas na pangangatawan sa araw-araw. Inum ka kasi ng inum. Sigarilyo ka rin ng sigarilyo, baka bukas biyuda na ako,” umiiyak na wika ni Katrina sa asawa.

Natawa si Pablo sa narinig niya sa kanyang asawa. “Hindi kita iiwan, hindi pa ako mamatay Katrina,” baling ng lalaki sa kanyang asawa at nagyakap ito at sa mahabang panahon na hindi sila nakapagtalik ay agad nilang naramdaman na iyon ang pinakatamang sandali para pagsaluhan muli ang isat-isa.

Simula noong araw na iyon ay malaki na ang pinagbago ni Pablo, umiinom parin ito ngunit nagpapaalam na muna siya sa kanyang asawa. Hindi na naninigarilyo ang lalaki pag nasa bahay ito para narin sa kanilang supling. Si Katrina naman sa kabilang banda ay nagsusumikap na lalo pang maging mabuting asawa. Nagbalik loob siya sa pananampalataya sa diyos at walang araw na dumaan na hindi niya idenebosyon na tumigil na sa mga bisyo niya ang kanyang asawa.

Kasabay naman nito ay ang pagiging matiisin niya sa unti-unting pagbabago ni Pablo. Dahil habang tumatagal sila sa kanilang relasyon, napatunayan niyang hindi isang robot ang pinakasalan niya na gagawin nito ang lahat ng kanyang gusto at sabihin bagkus ito ay isang tao na may sarili ring isip, damdamin at paninindigan na kung may gusto man tayo baguhin sa kanila hindi natin ito magagawa sa isang away o isang tulugan lamang.

Ngayon ay masayang nagsasama ang dalawa at mayroon nang apat na supling. Papunta sila ng tagaytay para doon ipagdiwang ang kanilang silver wedding anniversary.

Isa sa mga sikreto ng pagkakaroon ng masaya at matibay na relasyon ay ang respeto sa isat-isa. Kung may mga bagay man tayong ayaw natin tungkol sa ating mga asawa, wag natin ipilit na baguhin agad ang mga iyon. Mahalin natin sila sa pinakamaliit na negatibong bagay sa kanilang buhay, makikita mo kabayan, hindi nila tayo iiwan.

Advertisement