
Labis na Nagtiwala ang Buntis na Ito sa Kaniyang Asawa, Hindi Niya Lubos Akalain ang Natuklasan
“O, mahal, overtime ka na naman?” bungad ni Jenny sa asawa, isang gabi nang huli na naman itong umuwi.
“Oo, eh, mag-aalas diyes na noong nakalabas ako sa opisina. Eh, bigla kong naalala na naglilihi nga pala ang asawa ko, kaya ayun, dumaan muna ako sa convenient store para bumili ng paborito niyang ice cream ang kaso nga lang, naabutan naman ako ng isang banggaan doon sa highway, ayun naipit pa ako sa traffic!” kwento nito sa kaniya na may halo pang aksyon dahilan upang mapatawa siya maigi.
“Kawawa naman ang asawa ko!” tugon niya saka humalakhak nang tawa.
“Ayos lang ‘yon, para sa’yo naman, eh,” matamis nitong sambit saka siya niyakap, “O, kamusta kayo ng anak ko? Wala ka bang ibang nararamdaman?” dagdag pa nito habang hinihimas-himas ang kaniyang tiyan.
“Bukod sa labis na pagkagutom, awa ng Diyos, wala pa naman, mahal,” nakangiti niyang tugon.
“Salamat naman, o, ano, kuhanan na ba kita ng kutsara?” alok pa nito sa kaniya saka mabilis na nagtungo sa kanilang kusina.
“Saka malamig na tubig!” pahabol niya.
“Masusunod po, kamahalan!” sambit nito nang marinig ang kaniyang sigaw, umarte pa itong parang isang kawal sa palasyo dahilan upang siya’y mapahagikgik na naman.
Halos wala nang mahihiling pa sa buhay ang soon-to-be nanay na si Jenny. Bukod kasi sa nakabawi na siya sa kaniyang mga magulang, may sarili ng kumpanya, may malaki nang ipon, mayroon pa siyang maginoo at masayahing asawa na talaga nga namang nagbibigay buhay at saya sa kaniya.
Sa lahat ng biyayang natanggap niya, ang kaniyang asawa ang labis niyang pinagpapasalamat. Simula kasi nang ligawan siya nito noong sila’y hayskul pa lang, hanggang ngayong malapit na silang makabuo ng sariling pamilya, ni minsan, hindi siya sinaktan nito. Palagi nitong sinisigurado ang kaniyang kasiyahan.
Sa katunayan pa nga, ngayong buntis siya, kapag siya’y nakakaramdam ng kalungkutan sa pag-iisa sa malaki nilang bahay, tinatawagan niya lang ang kaniyang asawa at ititigil nito ang trabaho para lamang kausapin at pasayahin siya.
Ito ang tangi niyang dahilan upang hindi siya maghinala sa kaniyang asawa kahit pa kung minsan, inaabot ito ng alas tres ng madaling araw bago makauwi.
Ngunit noong gabing iyon, tila may iba siyang naramdaman dahilan upang kalkalin niya ang gamit ng kaniyang asawa pagtulog nito. Pati sasakyan nito, kaniyang inusisa at doon na nga siya nakakita ng matinding ebidensya, passport ng isang babaeng hindi niya kilala.
Labis na siyang kinabahan noong pagkakataong iyon, lahat kasi ng empleyado ng kaniyang asawa, kilala niya’t nakakasama niya minsan sa mga pagdiriwang dahilan upang tumaas na ang paghihinala niya sa kaniyang mister.
Kinaumagahan, maagang nagising ang kaniyang asawa para maghanda sa muling pagpasok sa trabaho. Pinakitunguhan niya ito na para bang wala siyang ibang natuklasan. Bago sumapit ang alas siyete ng gabi, ang oras kung kailan nakatakdang umuwi ang kaniyang asawa, inabangan niya na ito sa trabaho.
Saktong alas siyete ng gabi, lumabas ito ng gusali, sumakay sa sasakyan at mabilis na umalis dahilan upang sundan niya ito. Tumigil ang kaniyang asawa sa isang motel at kahit nanginginig siya sa kaba at galit, ikinalma niya ang sarili at ginawa ang kaniyang plano.
Inilabas niya ang hiwa-hiwang sili na kaniyang inihanda kanina, nagsuot siya ng gloves at inilamas sa kaniyang kamay ang durog-durog na sili saka siya pumasok sa naturang motel.
Noong una’y ayaw siyang tulungan ng mga empleyado rito ngunit nang pagbantaan niyang ipapasara ang naturang motel, inihatid pa siya ng mga ito sa silid na inupahan ng kaniyang asawa.
Pagkarating niya roon, bumungad sa kaniya ang mga nakakalat na kasuotan sa sahig na kilalang-kilala niya. Dahan-dahan siyang pumasok sa isang bukas na silid at kahit madilim doon, kitang-kita at rinig na rinig niya ang kababuyan ng kaniyang asawa’t kabit nito.
Wala na siyang maramdaman at ang tanging nasa isip niya lang, makabawi sa sakit na kaniyang nararamdaman. Habang sarado ang ilaw, lumapit siya sa dalawa’t nilamas ang mga ari nito at nang maramdaman ang init ng sili, doon na nagsimulang humiwalay ang kaniyang asawa habang nagsisisigaw naman ang babae nito sa sakit bunsod ng siling inilagay niya.
“Paano mo ipapaliwanag sa akin ‘to, Delfin? Ang galing mo palang umarteng mahal na mahal mo ako, ano? Bakit hindi ka na lang nag-artista? Magaganda’t sexy na babae pa ang makakasama mo sa kama, hindi isang babaeng burara sa gamit niya’t nag-iwan pa ng ebidensiya,” sambit niya saka dinuraan ang babaeng ngumangalngal sa sakit.
Hinabol man siya ng kaniyang asawa, hindi na niya ito pinakinggan. Pinalayas niya ito sa bahay na naipundar niya, tinanggalan niya ng posisyon sa kanilang kumpanya at ipinasara niya ang mga bank account nito.
“Mahirap palang labis na magtiwala, sa huli, talo ka pa rin,” ‘ika niya, isang araw nang lumuhod sa harap niya ang asawang akala niya’y ang pinakamagandang biyayang natanggap niya.
Desidido siyang tuluyan nang hiwalayan ang lalaki. Sigurado siyang kayang-kaya niyang buhayin nang mag-isa ang kanilang anak sa tulong ng kaniyang mapagmahal na pamilya.