Nagtataka ang Sakristang Ito sa Palagiang Pagpapadala ng Ulam ng Pari sa Isang Ginang, May Lihim nga bang Relasyon ang Dalawa?

Nagtataka ang Sakristang Ito sa Palagiang Pagpapadala ng Ulam ng Pari sa Isang Ginang, May Lihim nga bang Relasyon ang Dalawa?

InspiringMysteryStories

“Utoy, pupwede mo ba itong ihatid sa bahay ni Aling Helen? May isasagawa pa kasi akong misa mayamaya, hindi ko maihahatid sa bahay nila ‘tong bagong luto kong tinola,” pakiusap ni Father Jo sa isa sa mga sakristan, isang tanghali matapos niyang magluto ng kaniyang tanghalian. 

“Ah, eh, wala pong problema, Father! Magbibisikleta na lang po ako para makahabol din ako sa misa,” masiglang sambit ni Utoy saka agad nang kinuha ang naturang ulam sa kamay ng pari. 

“Naku, maraming salamat talaga, hijo!” tuwang-tuwa sambit nito. 

“Matanong ko lang po, Father, nagbebenta po ba kayo ng mga lutong ulam ngayon? Napapansin ko po kasing halos araw-araw, may pinapadala kayong ulam kay Aling Helen. Suki niyo po ba siya?” pang-uusisa niya rito na ikinatawa nito. 

“Hindi, hijo, nais ko lang ipatikim sa kaniya ang mga luto ko. Nakakatuwa kasi ang ginang na iyon, palagi rin akong binibigyan ng pagkain no’n sa opisina ko. Wala kang dapat pagsabihan no’n, ha? Kapag may nakaalam nito, ipapatanggal kita sa mga Sakristan,” seryosong wika nito na ikinagulat niya. 

“May relasyon po ba kayo?” tanong niya pa rito na ikinainit ng ulo nito dahilan para hilahin siya nito palabas. 

“Huwag kang masyadong maraming tanong, hijo, lalamig ang sabaw na ‘yan!” sigaw nito sa kaniya na labis niyang ikinapagtaka at ikinatakot. 

Isa sa mga sakristan sa isang sikat na simbahan ang binatang si Utoy. Bata pa lamang siya, sa tuwing sinasama siya ng kaniyang ina sa simbahan at nakikita niya ang mga kabataang lalaking umaalalay sa pari habang nagmimisa, pinangarap niya na agad na maging katulad ng mga ito. 

Kaya naman, nang tumuntong na siya sa tamang edad, wala na siyang sinayang na oras at agad siyang nagpatulong sa kaniyang ina na makapasok bilang isang sakristan sa simbahang iyon. 

At nang siya’y tuluyang makapasok, ginawa niya ang lahat upang matutuhan ang lahat ng responsibilidad niya roon. Maayos at magiliw rin siyang nakipagrelasyon sa mga taong simbahan at siya’y labis na naging tapat sa paglilingkod sa Panginoon. 

Kaya naman, siya ang madalas na nauutusan ng kanilang pari roon. Siya lang kasi ang palaging handang tumulong at maglingkod. Bukod pa roon, siya pa ang pinakabata at madaling pakiusapan. 

Ngunit labis niyang pinagtataka ang palagiang pagpapadala sa kaniya ng pagkain ng pari sa isang ginang na ina ng isa sa mga sakristan at ganoon na lang siya tila natakot nang siya’y pagbantaan nitong tatanggalin sa panunungkulan kung sakaling may makaalam ng kanilang ginagawa. 

“Ano bang mayroon sa kanila? Bakit ako pa ang inuutusan ni Father kung pupwede niya namang ipadala na lang pauwi sa anak no’n na isa rin namang sakristan?” pagtataka niya habang siya’y nagbibisikleta. 

Pagdating niya sa bahay no’n, nagulat siya nang dali-dali itong kinuha ng ginang at siya’y inabutan ng isang sobre. 

“Pakibigay kay Father, salamat kamo,” sambit nito. 

At dahil nga ganoon na lang siya nagtataka, pasimple niyang binasa ang sulat na laman ng sobre. 

“Magkita tayo mamayang alas otso sa tabing dagat! Mahal kita!” lulan ng sulat na ikinapanlambot niya. 

Bago pa man niya maibalik ang sulat sa sobre, agad na itong nahablot ng kaniyang kasamahan sa sakristan na si Joel na palabas ng kanilang bahay. 

“Anong ginagawa mo rito sa amin, Utoy?” tanong nito bago basahin ang sulat, “Para kay Father ‘to? Galing sa nanay ko?” tanong pa nito sa kaniya, tumango-tango lang siya bilang tugon, “Sige, samahan natin silang dalawa mamaya. Alam mong hindi tama ito,” seryosong wika nito na kaniyang ikinatakot. 

Binigay niya nga ang naturang sobre sa pari at kitang-kita niya ang saya sa mukha nito dahilan para ganoon na lang siya mapailing. 

Ilang oras na ang lumipas, pagkatapos ng ilang misa noong araw na ‘yon, agad na silang nagpunta ng kasamahan niya sa tagpuan ng dalawa. 

At katulad nga ng inaasahan nila, nakita nila roon ang dalawa. Magkayakap ang mga ito habang nagkukumustahan.

“Huwag kang makiapid, isa sa mga sampung utos ng Diyos, tapos ang paring ginagalang namin, kabit ng nanay ko?” sigaw ni Joel habang ito’y kaniyang pinipigilan. 

“Anak…” sambit ng ina nito. 

“Joel… Utoy…” sambit ng naturang pari saka niya agad na hinila palayo ang kaniyang kasamahan na umiiyak na sa sobrang galit. 

Nagsumbong sa kaniyang ama ang binatang ito na agad na sumugod sa bahay ng pari. Sa napakaling isyu na ito, natanggalan ng lisensya ang paring ito at itinabot ng naturang simbahan na labis niyang ikinakonsensya. 

“Tama ang ginawa mong pag-amin, Utoy, mali ang ginagawa nila, lalo na ng paring iyon,” sambit ng kaniyang kasamahan saka labis na nagpasalamat sa kaniya. 

Hindi man nanumbalik ang dating saya sa simbahan iyon nang matapos ang isyung iyon, maraming nagpasalamat sa kaniya sa kaniyang pagiging tapat lalo na ang pamilya ng kasamahan niyang si Joel. 

More Stories