Tinalikuran ng Babae ang Lalaking Iniibig Upang Magtagumpay sa Buhay, Magiging Masaya Kaya Siya?
“Papa, pangako ko sayo magiging doktor ako,” saad ni Georgia sa kanyang ama bago nawalan ito ng huling hininga. Pitong taong gulang lamang siya noon. Nag-iisang anak ang dalaga nina Mang Bernard at Aling Melody na naninirahan sa Canada ngunit dahil maagang pumanaw ang kanyang ama, kinakailangan nilang umuwi ng Pinas at mag-isang itinaguyod si Georgia ng kanyang ina.
Nagtrabaho bilang nurse ang ina niya rito sa Pinas at lumaki siyang laging nag-iisa. Nag-iisa sa bahay, nag-iisang pumasok sa eskwelahan at nag-iisang nilabanan ang kanyang lungkot. Ngunit kahit kelan hindi siya nag tanim ng sama ng loob sa kaniyang ina dahil naiitindihan niya ang hirap ng kanilang buhay.
Hanggang sa pumasok siya sa high school at nakilala si Peter, ang kanyang unang pag-ibig. Naging malapit sa isat-isa ang dalawa nang naging magka-partner para sa isang science project. Nakita na niya ang binata na magiging asawa niya at makakasama habang buhay.
1st year high school pa lamang ay pinangarap na ng dalagang ligawan siya ni Peter kaya kahit na medyo astigin ang dating ni Georgia ay iniba niya ang sarili.
Nagpalit siya ng shoulder bag, gumamit ng pink na panyo, naglagay ng hair pin sa ulo o di kaya head band na terno ng kanyang bag. Natutong mag pulbos at mag lagay ng lipgloss, nagpalit ng sapatos na may takong, sinikapan ang blusa ng kanyang uniporme at gumamit ng matamis na pabango. Lahat naman ng iyon ay nagbunga nang ligawan siya ng binata noong sila ay 3rd year hayskul na.
“Akalain mo, magiging tayo?” tanong ni Peter habang sila ay nanunuod ng pelikula sa salas ng bahay ng dalaga.
“Oo nga e, hindi mo kasi ako napapansin,” saad ng dalaga.
“Hindi ano, takot lang akong baka kaibigan lang ang tingin mo sakin. Nagulat nga ako sa pagbabago mo, naging masyado kang babae kaya naman natakot ako baka pilahan ka ng mga lalaki sa school e mahuli pa ako, kaya naman sinugal ko na yung pagkakaibigan natin, ayun niligawan kita,” baling ni Peter sabay halik sa kamay ng dalaga.
“Jusko napakabolero mo Peter, pero seryoso. Pinagdasal ko ito,” pahayag muli ng dalaga.
Lumipas ang mahabang panahon na nanatiling magkasintahan ang dalawa. Hindi tumutol ang kanilang mga magulang basta ang bilin sa kanila ay makapagtapos ng pag-aaral.
Sabay pumasok sa kolehiyo si Peter at Georgia. Parehas na Psychology ang kinuha nilang kurso. Umikot ang mundo ni Georgia kay Peter at ganun rin naman ang lalaki. “Love, tayo na hangang dulo ha?” lambing ni Peter sa dalaga.
“Oo naman love, basta mag-aaral muna tayo at aabutin ang ating mga pangarap,” kahit matagal nang magkasintahan ang dalawa ay wala paring nangyayari sa kanila dahil parehas nilang gustong gawin iyon pag sila ay kasal na.
At nakapagtapos din ang dalawa ng kolehiyo at naging mas matibay pa ang kanilang relasyon. Si Georgia ay itinuloy pa ang kanyang pag-aaral para maging doktor. Si Peter naman at nagtratrabaho na bilang isang guidance councilor sa isang unibersidad.
Doon nasimulan masubukan ang pagsasama ng dalawa.
“Love, wala ka ng oras para sakin, lagi kana lang school o,” text ni Peter sa kanyang nobya.
“Love pasensya kana ha, sobrang hirap lang kasi tsaka malapit na kasi ang finals namin kaya kailangan ko talagang mag-review,” reply ni Georgia sa nobyo. Hindi naman sumuko si Peter sa kanilang relasyon dahil mahal rin niya talaga ang babae. Kaya naman naisipan niyang yayain na itong magpakasal.
Pumunta si Peter sa bahay nila Georgia at pinuno ito ng bulaklak at mga rosas pati narin mga maliliit na kandila sa sahog ay meron. Nagpalobo rin siya ng mga letrang “Marry me” at inaantay na lang ang pagdating ng dalaga.
Pagbukas ni Georgia ng ilaw ay agad na bumungad sa kanya si Peter na nakaluhod at may hawak na singsing. Napaluha ang dalaga at itinayo ang lalaki.
“Love, sorry hindi pa ako handa. Wag ngayon please?” saad ng dalaga sa nobyo at tsaka ito niyakap. Pinalipas na lamang ni Peter ang pangyayaring iyon kahit pa napakasakit para sa binata.
Naging normal ngunit matibay ang relasyon ng dalawa. Kampante na sila sa isat-isa na kahit pa nga buwan ang lumipas na hindi sila magkasama ay hindi sila natatakot na magloko ang isa sa kanila.
“Pare, kayo na lang hindi kinakasal sa batch natin ha. Kelan plano niyo?” tanong ni Arnolfo. Kaibigan ni Peter noong college.
“Oo nga pare e, si Georgia kasi gusto pa maging doktor hindi pa kayang pagsabayin,” sagot ni Peter sa kaibigan.
Ngayong ika-sampung taon nila ng nobya, dinala niya ito sa SM Mall of Asia para mag ice skating. Doon niya ulit yayayain ng kasal ang dalaga, baka pag maraming tao ay hindi na siya hihindian nito.
Habang nag i-ice skating ang dalawa, pumunta sila sa pinakagitna at tsaka lumuhod si Peter at tinanong ang nobya ng “Will you marry me Ms. Georgia Oplam?” sabay labas ng singsing.
Naghiyawan ang mga tao sa paligid at sinasabing ‘yes, yes yes’. Nakatingin lamang si Georgia sa nobyo, muli. itinayo ito at niyakap sabay bulong ni Georgia ng “No Peter, I’m not yet ready. I”m sorry.”
Sobrang sakit at hindi kinaya iyon ni Peter, hinatak niya si Georgia at umuwi sila ng hindi nag-uusap. Pagdating nila sa bahay ni Georgia, agad na nagpaliwanag ang dalaga.
“Love, I’m sorry. Hindi kita gustong pahiyain sa maraming tao pero hindi ko rin gustong magsinungaling sayo,” saad niya.
“May pupuntahan ba talaga itong relasyon natin Georgia? O nandito lang ako para maghihintay sayo kung kelan ka magkaka-oras para sa ating dalawa, para sa akin? Hindi mo ba talaga ako kayang isabay diyan sa pangarap mo?” tanong ni Peter habang nakahawak sa kanyang ulo at umaagos ang mga luha nito.
“We are already 30 years old. Tayo na lang ang hindi ikinakasal sa batch natin, baka hindi ko na maabutan yung magiging apo ko pag nagkataon,” dagdag ng binata.
“Hindi ko alam, hindi ko kaya Peter. Kailangan ko matupad ang pangako ko kay papa na magiging doktor ako. At sa tingin ko hindi ko yun magagawa kung mahahati yung atensyon ko, kaya I’m sorry. You are free now Peter. I am letting you go,” saad ng dalaga sa binata sabay bigay ng kanilang promise ring.
Dalawang taon ang lumipas simula noong naghiwalay sila ay nabalitaan niyang ikinasal si Peter at may isa nang anak. Siya naman ngayon ay isa nang doktor at muling nag-iisa.
Umuwi siya sa kanilang bahay at wala na ang kanyang ina, matagal na ring pumanaw ito nang hindi niya masyadong nakakasama sa kagustuhan niyang matupad ang kanyang pangarap.
Tinawagan niya si Peter.
“Peter, this is Georgia. Pwede ka bang pumunta sa bahay? Gusto ko lang makipag-usap,” saad ng dalaga. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating si Peter roon. Agad niya itong hinalikan at pilit hinubaran. Kinuha rin niya ang kamay ng lalaki para ilagay sa mga maseselan niyang bahagi. Ngunit itinulak siya ni Peter.
“Yan ba ang nagagawa ng pagiging doktor mo? May asawa na ako Georgia,” saad ng binata.
“E bakit ka pumunta parin? Hindi ba gusto mo rin ito? Pinangarap natin ito at sayo ko parin gusto ibigay ang pagkababae ko Peter,” umiiyak na pahayag ni Georgia.
“Pumunta ako dito dahil gusto kong makita kung gaano ka kasaya ngayon na doktor kana, pero sa nakikita ko mukhang hindi. Yan ang pinili mo Georgia, kaya sana matutunan mong sumaya pagdating ng araw. Hindi ko kailanman hiinngi ang pagkababae mo dahil ang gusto ko yung pang habangbuhay kong makakasama at hindi yung titikman ko lang,” wika ni Peter sabay alis.
Ngayon ay na-promote na si Georgia at naging Head Doctor. Hindi na siya nakapag-asawa pa ngunit nag-ampon naman siya ng isang sanggol at pinangalan niya itong Peter George. Hindi man siguro niya napagsabay ang pag-ibig at pag-aaral noon, alam naman niya sa sarili ngayon na kaya niyang pagsabayin ang pagiging doktor at ang pagiging isang ina.
Kung ikaw ang papipiliin kabayan? Propesyon o pag-ibig?