Ayaw ng Babaeng Ito sa Poder ng Kaniyang Asawa Kaya Nakakagulat na Bigla Itong Lumipat sa Lalaki, Ano Kaya ang Dahilan?

Ayaw ng Babaeng Ito sa Poder ng Kaniyang Asawa Kaya Nakakagulat na Bigla Itong Lumipat sa Lalaki, Ano Kaya ang Dahilan?

FamilyHeartbreakingStories

“Ate, sigurado ka bang gusto mong tumira roon sa pamilya ng asawa mo? Bakit biglaan naman yata?” tanong ni Fatima, kapatid ng babae.

“Mahirap na kasi ‘yung ganito tayong nagsisiksikan. Lumalaki na mga anak mo at anak ko, may bahay naman sina Greg sa Muntinlupa kaya sayang naman,” sagot naman ni Ellen, panganay na kapatid ng babae.

“Magiging okay ka lang ba talaga? Alam kong may pinagdadaanan kayong mag-asawa ngayon at nandito lang ako pag gusto mo na magkwento,” sabi ni Fatima sabay yakap sa kaniyang kapatid. 

Mula sa probinsya ay magkakasabay na lumuwas sa Maynila ang pamilya nila Ellen nang pumanaw ang kanilang ama. Magkakasama pa rin sila sa iisang bahay kahit nga noong nagkaroon ng pamilya ang kapatid nitong si Fatima na ‘di kalaunay nahiwalay rin sila ng lalaki. Sumunod naman siya na nagkaroon ng asawa at ang bunso nila ay nag-aaral pa. Ngayon lamang siya lalayo sa dalawang kapatid at sa nanay nito simula noong napunta sa Maynila.

“Ellen, may problema ka ba na gusto mong sabihin sa akin bago ka umalis?” tanong ni Aling Divina, nanay ng babae.

“Problema mag-asawa lang, ‘ma, ang hirap. Sobrang hirap,” iyak na sagot ni Ellen dito.

“Bakit ka pa aalis dito kung problema mag-asawa pala ‘yan? Baka mas lalo ka lang kawawain doon sa poder nila Greg, wala kang kakilala roon, wala kang kakampi,” sabi ng ale.

“Malaki na ako, ‘ma, kailangan kong tumayo sa sarili kong paa,” sagot naman ni Ellen. Hindi na nakipagtalo pa si Aling Divina at niyakap na lamang ang kaniyang anak.

Bilang nanay, alam ng ale na may mali at problema si Ellen ngunit ayaw niya itong pag-usapan. Ngunit mas labis niyang pinagtatakhan ang pag-alis nito sa kanila at ang hindi nila maayos na pag-uusap ng kaniyang asawa.

“Sana, ayos lang ang ate mo at ang asawa niya. Pakiramdam ko may babae na nahuli ang ate mo kaya naman ganoon na lamang ang pagtatalo nung dalawa,” wika ni Aling Divina kay Fatima.

“Pakiramdam ko rin, pang ilang beses na bang nahuli ni ate na may babae ‘yung hinayupak niyang asawa pero ayaw pa rin niyang iwan,” sagot naman ni Fatima.

“Pero nagtataka ako, alam ko kasi ayaw niya roon kina Greg,” dagdag pa nito saka mas lalong napaisip sa kaniyang kapatid.

Hindi na nagsalita pa ang dalawa at sa loob-loob ni Aling Divina ay ipinagdarasal niyang maging maayos ang lahat sa kaniyang anak.

Makalipas ang ilang buwan…

“Hindi pa ba sapat ‘yung ginawa mo sa akin at sa pamilya natin para gawin mo ulit ‘to?!” galit na tanong ni Ellen sa mister niyang si Greg.

“Hindi pa ba sapat na umalis ako sa amin para ikaw ang piliin ko?!” dagdag pa nito.

“Sino ba may sabi sa’yong dito tayo tumira? Hindi ba’t ikaw ang nagpumilit na lumipat dito? Isa pa, nag-sorry na nga ako ‘di ba, sorry na kung inulit ko na naman. Hindi ko lang talaga mapigilan,” sagot ni Greg sa kanya.

“Hindi ko na kaya ang mga ginagawa mo, Greg! Hindi ko na kayang maging asawa mo!” baling ng babae rito.

“Makikipaghiwalay ka? Paano ang mga bata, sige nga? ‘Wag ka na magalit, wala naman akong ginawang masama. Hayaan mo na ‘yun, kalimutan mo na!” baling naman ni Greg sa kaniya.

“Baliw ka na! Ad*k ka! Hindi ko na kaya!” sigaw ni Ellen saka niya inilabas ang kaniyang bag at inempake ang mga kagamitin nila ng kaniyang anak.

“Lalayas ka? Tutulad ka sa kapatid mong si Fatima na walang ama ang mga anak niya? Akala ko ba ayaw mong lumaking ganoon ang mga anak natin kaya nga pinatawad mo ako at lumipat tayo rito. Bakit ngayon hindi mo mapalampas?” baling muli ni Greg sa kaniya saka siya hinawakan ng lalaki sa buhok at pinilit siyang patingin.

“Ano ba, Greg! Nasasaktan ako!” sigaw pang muli ng lalaki.

“Hindi mo kasi ginagalingan sa lahat ng gusto ko kaya ayan, naghahanap ako ng iba! Ikaw ang may kasalanan kung mawawalan man ng tatay ang mga anak mo kaya kung ako sa’yo tigilan mo na ‘yang pagbabalot mo at baka hindi ako makapagpigil sa’yo!” baling pang muli ni Greg sa kaniya.

Saglit na umiyak ang babae at pumikit ito saka inipon ang kaniyang lakas at sinampal ang lalaki.

“Dito na nagtatapos ang lahat! Tama na, hindi na ako magpapakatanga pa para lang sa lalaking katulad mo!” saka siya lumabas ng kanilang kwarto at mabilis na umalis kasama ng kaniyang anak at umuwi sa kanila.

“Patawarin mo ako, Fatima, kung hindi ko nagawang sabihin sa’yo at mas pinili ko si Greg at ang pamilya na akala kong magiging sapat para sa lahat ng isinakripisyo ko,” iyak ni Ellen sa kaniyang kapatid.

“Ma, patawarin mo ako,” iyak niya rin sa kaniyang nanay.

“Ate, huwag ka na umiyak, dumarating talaga tayong lahat sa ganoong pag-iisip. ‘Yung gagawin natin ang lahat para lang may buo tayong pamilya, kaya naiintindihan kita at masaya akong nagising ka na sa katotohanan na hindi si Greg ang lalaking para sa’yo,” sagot ni Fatima at nagyakap-yakap silang lahat.

Doon na inamin ni Ellen na ilang beses na niyang nahuling namboboso si Greg ng ibang babae at kaya siya umalis dahil naramdaman niyang magiging biktima si Fatima ng kademonyohang iyon ng lalaki. Bukod pa roon ay kung ano-anong pinapagawa ng lalaki sa kaniya sa tuwing sila ay magtatal*k na hindi na niya kaya pang banggitin sa istorya. Buong akala niya na kung gagawin niya ang lahat ng gusto ng lalaki ay magiging maayos sila para sa mga bata ngunit hindi dahil paulit-ulit pa rin itong nangyayari.

Kaya naman nang masabi niya rin iyon sa nanay ni Greg ay kaagad nilang inilapit sa tamang himpilan ang lalaki. Ngayon ay tuluyan na silang naghiwalay at binubuhay niyang mag-isa ang kanilang anak. Habang si Greg naman ay nagpapagamot, hindi naman niya ipinagdadamot ang bata at bukas siya para maging ama ito ngunit sigurado raw siyang tapos na sya sa pagiging asawa sa lalaki.

Hindi man buo ang pamilyang kakalakihan ng kaniyang anak ay alam naman niyang buo ang respeto nito sa mga tao, mapapalaki niya itong mabuting tao at may takot sa Diyos.

More Stories