Pumapalahaw na sa Iyak ang Sanggol na Bitbit ng Ina Habang Sila ay Nasa Bus; Isang Ale ang Nagalit sa Ginawa ng Ina
“Anak please tahan na,” nakikiusap na wika ni Cely sa tatlong buwang sanggol na karga.
Nasa public transportation sila ngayon pauwi sa bahay nila sa Bulacan. Kanina pa iyak nang iyak ang anak niya at mukhang gutom na. Kaso sa dami ng pasahero sa bus ay nagdalawang-isip siyang pasusuh*n ang anak.
Inilabas niya ang gatas na tinimpla, pansamantalang d*de at pantawid gutom na rin para sa kaniyang anak. Ngunit ayaw naman nitong dum*de sa bote at mas gusto ang gatas sa kaniyang dibdib.
Kaya walang nagawa si Cely kung ‘di ipatong ang bandanang dala pantakim at pinas*uso ang anak sa dibdib. Agad namang tumahan ang anak. Tama nga ang kaniyang hinala.
Kung kailan tahimik na ang buhay niya’y saka naman nagsalita ang isang babae na sa kaniyang tantiya’y nasa edad bente mahigit.
“Gano’n ba talaga kapag nanay ka na? Nawawalan ka na ng delikadesa. Kahit saan abutan, ilalabas ang s*uso tapos sasabihin nagpapadede lang!” Kalmado lamang ang tono nito ngunit ramdam niya ang pang-iinsulto. “Sana naman maisip niyo na maraming lalaki rito. Hay!” Dugtong pa ng babae.
“Diyos ko naman, miss. Tar*antado na lang ang magnanasa sa kagaya ni ma’am. Hindi naman bastusin ang awra niya, dahil tinakpan naman niya ang s*uso niya ng bandana,” sagot ng isang pasaherong lalaki.
“Oo nga. Saka nakita mo namang saka lang tumahimik ang baby niya ng pad*edehin niya ito sa dibdib niya. Huwag kang masyadong malisyosa miss!” segunda pa ng lalaking pasahero rin.
“Kahit na! Hindi lahat ng lalaki kagaya niyo ang iniisip!” palabang sagot pa ng babae. “Saka huwag na lang kayong mag-aanak kung hindi niyo naman kayang bilhan ng gatas ang mga anak niyo. Anong sustansya ang makukuha ng mga anak niyo kapag ganyan lang ang dined*de nila?” Ismid pa ng babae na agad ring tinawanan ng mga kasamahan nilang pasahero.
“Miss ngayon pa lang e naaawa na ako sa mga magiging anak mo!” wika ng isang babaeng may edad na.
“Hindi mo ba alam na mas maraming sustansyang makukuha ang isang sanggol kapag sa mismong dibdib ng ina ito dumed*ede. Nag-aral ka ba? Basic namang itinuturo iyan sa eskwelahan. Siguro bulakbol kang estudyante!” Segunda na rin ng isa bang ale.
Agad namang napuno ng tawanan ang buong bus. Ano ba talaga ang inirereklamo ng dalaga? Ang paglabas niya ng s*uso upang pad*edehin ang anak o ang pagpapad*ede niya sa dibdib, kesyo wala naman itong bitamina?
“Miss ano ba talaga ang ikinagagalit mo sa’kin?” Mahinahong tanong ni Cely saka sinilip ang anak na kampanteng naka-d*de sa kaniyang dibdib.
Ngunit imbes sa sagutin ang kaniyang tanong ay inirapan lamang siya nito. Agad namang ngumiti si Cely. Imbes na ma-offend sa inaarte ng dalaga’y nais niya itong intindihin.
“Bata ka pa siguro at marami pang dapat malaman sa mundo, hija. Kung ikinaiinis mo ang pagpapad*ede ko sa anak ko sa maraming tao’y humihingi ako ng pasensiya.
Kapag ina ka na’y hindi mo na iindahin ang hiya mo, dahil ang mahalaga na lamang ay ang patahanin ang anak mong nagwawala dahil nagugutom na. Kung iintindihin ko pa ang sinasabi mong delikadesa’y baka hanggang ngayon, umiiyak pa rin ang baby ko.
Kung ang kinaiinisan mo naman ay ang pagbi-bre@st feeding ko. Gusto kong sabihin sa’yo na mas tipid nga naman talaga kapag sa’yo nakad*ede ang anak mo, kaysa sa mga mamahaling gatas. At saka miss para malaman mo’y maraming sustansya ang gatas ng ina. Walang panama ang gatas na nabibili mo sa groceries.
Malalaman mo rin ang lahat ng ito at maiintindihan mo lamang ang isang ina, kapag naging ina ka na rin. Iyang hiya at delikadesang sinasabi mo’y kusang mawawala, lalo na kapag nakikita mong gutom na ang anak mo,” nakangiti at mahabang paliwanag ni Cely.
Tama nga naman talaga ang matandang kasabihan. Saka mo lang maiintindihan ang isang ina, kapag naging ina ka na rin. Masusuklian mo lang ang hirap ng ina mo, kapag naranasan mo na ring maging kagaya niya.
“Tama! Hija, kaya ikaw magmasid-masid ka lang at matuto sa mga nakakatanda. Huwag mong husgahan agad ang isang ina. Tandaan mo hija, babae ka at darating ang araw na magiging ina ka rin,” wika ng aleng pasahero rin ng bus.
“Kung ngayon kinakahiya mo pang maglabas ng s*uso sa nakakarami. Kapag may anak ka na’y wala nang hiya-hiya pa, ineng,” segunda ng isa pang pasahero saka bumunghalit ng tawa.
Likas na sa isang ina ang pangalagaan ang kanilang mga anak. Ang salitang hiya ay walang kwenta kung kapakanan na ng anak mo ang maisasaala-alang!