Imbes na Kanang Braso ay Kaliwang Braso ang Pinangsasaludo ng Heneral; Ito Pala ang Tunay na Dahilan
Isang nakakalokong tawanan ang naririnig ni Marcial sa kaniyang bandang likuran. Kanina pa niya naririnig ang nakakalokong tawanan ng mga tao sa tuwing sumasaludo si Major General Victor Go.
“Napaka-bo*bo naman ng heneral na iyan! Hindi ba niya alam na kawalang respeto ang ginagawa niyang pagsaludo?” matining na wika ng isang ale.
Tumatawa namang sumagot ang isang lalaking sa kaniyang tantiya’y ka-edad niya lamang. “Nakatanggap pa naman ng parangal tapos walang palang utak!”
Muli na namang bumunghalit ng tawa ang mga tao sa kaniyang tagiliran at likuran.
“Heneral pa naman!” Anang isang binata.
Hindi na nakatiis si Marcial at nagsimula na siyang magsalita upang ipagtanggol ang butihing heneral, na pinagtatawanan lamang ng lahat dahil sa maling pagsaludo nito.
“Ang mga tao nga naman… kay bilis nating magsalita ng masama at husgahan ang taong hindi man lang natin kilala!” Mariin at malakas niyang wika dahilan upang magsitigil ang mga ito sa pagtawa.
“Bakit, ikaw, kilala mo ba ang bob*ong heneral na iyan? Kung ga’yon ay pagsabihan mo at itama mo ang mali niyang gawain. Sasaludo siya sa kaliwang braso, imbes na sa kanan dapat!
Naturingang heneral, tapos walang alam! Buti pa kaming ordinaryong mamamayan lamang ay alam ng ibig sabihin ng tamang pagsaludo,” nakaismid na wika ng aleng unnag nagsalita ng masama kanina kay Heneral Go.
“Una sa lahat ale, hindi po magiging heneral iyan kung totoo ang sinasabi ninyong b*obo siya. Pangalawa may matinding dahilan kung bakit imbes na kanan ang gamitin niyang pang-saludo’y sa kaliwa niya ito ginagawa.
Bilang isang sundalo’y obligasyon nilang ipagtanggol ang bansa pati na ang mamamayang nasasakupan, sa mga rebeldeng nais tayong ipahamak. Nakipagdigmaan noon si Heneral Go at tinamaan ng bala ang kaniyang kanang kamay dahilan upang maparalisa ito at hindi na niya maigalaw pa.
Ipina-opera niya sa kung saan-saan ang kanang braso, umaasang magamot ito at maibalik pa sa normal. Ngunit sa kasamaang alad ay tuluyan nang hindi nagamot ang kaniyang kanang braso.
Mula noon ay ginamit na niya ang kaliwang braso sa pagsaludo. Ang lahat ng nakakaalam sa totoong dahilan ay hindi kailanman inisip na isang kawalang respeto ang kaniyang ginagawa. Isang malaking pasasalamat sa lahat dahil nakauwi si Heneral Go na ligtas, kahit naging paralisa ang kaniyang kanang braso.
Mas pipiliin nino man ang sumaludo na gamit ang kaliwang braso, kaysa tuluyan kang mam*tay sa labanan!” Mahaba at mariing paliwanag ni Marcial, dahilan upang matameme ang lahat ng tao sa kaniyang paligid.
Ang kaninang panay tawanan na mga kalalakihan, ngayon ay nakayuko na at tila ba napahiya sa ikinuwento ni Marcial. Ang ale namang buong tapang na tinawag ang heneral na b*bo, ngayon ay nakayuko at tameme na tila ba nahugot na nito ng tuluyan ang dila papapasok sa sarili nitong lalamunan.
“Kay bilis nating tawaging b*bo ang isang tao, lalo na kung hindi akma sa nakasanayan natin ang kanilang ginagawa. Kay bilis nating pagtawanan ang kapwa natin, kahit hindi pa man natin nalalaman ang totoo nilang kwento.
Kay bilis nating manghusga na tila ba kay perpekto nating tao. Ano na nga ba ang nagawa natin sa’ting bansa? Bakit kay bilis nating magkomento sa ginagawa ng iba,” malakas na wika ni Marcial na mas lalong kinatahimik ng lahat.
“Tandaan niyo! Hindi magiging heneral ang isang tao kung walang utak at b*bo ang mga ito. Daig niyo pa mga tsismosa sa kanto, ang galing niyong humabi ng kwento. Sa susunod alamin niyo muna ang totoo, bago niyo husgahan ang isang tao!” Dugtong niya.
Tuluyan na ngang nanahimik ang mga ito at hindi na niya muling nainggan pang nagtatawanan at tinatawag na b*bo si Major General Victor Go.
Maya maya pa pagkatapos ng seremonya ay naglakad patungo sa gawi niya si Major General Victor Go at agad na sumaludo gamit ang kaliwang kamay nito.
“Lieutinant Marcial Go!” Bigkas nito sa pangalan niya. “Salamat at nakarating ka sa mahalagang selebrasyon na ito,” nakangiti at masayang wika ng kaniyang amang si Victor Go.
Agad namang bumaba si Marcial upang yakapin ang ama. “I’m so proud of you Dad,” mangiyak-iyak na wika ni Marcial.
“Thank you, son,” anito sabay tapik sa kaniyang braso.
Kung sinuman ang nakasaksi at nakakakilala kay Major General Victor Go ay walang iba kung ‘di si Lieutinant Marcial Go lamang iyon. Nakita niya ang hirap at sakripisyo nito upang ipagtanggol lamang ang bayan.
Si Heneral Go rin ang naging dahilan kung bakit pinili niyang paglingkuran ang bayan. “Serving the people. Securing the land,” wika ngang kasabihan ng mga kasundaluhan.