Pinagbuhatan ng Isang Lalaki ang Nobyang Buntis; Hindi Niya Akalain na Mas Mabilis ang Karma sa Pagganti sa Kaniyang Ginawa

“Natatakot ako, Joey. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin natin,” pag-aalala ng dalagang si Jerlyn habang unti-unti siyang hinuhub*ran ng kasintahan. 

“Walang mali sa ginagawa natin. Mahal kita at mahal mo ako. Pangako ko sa’yo na kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan,” patuloy si Joey sa kaniyang ginagawa sa dalaga.

Pinikit na lamang ni Jerlyn ang kaniyang mga mata hanggang sa unti-unti na siyang nakalimot sa kaligayahang kanilang nararanasan.

Dalawang taon ng magkasintahan sina Joey at Jerlyn. Lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Jerlyn ang kanilang relasyon dahil alam ng dalaga na hindi makakapayag ang mga ito. Nasa kolehiyo pa lamang ang dalaga at isang construction worker naman ang binata. 

Nagkakilala ang dalawa nang may ginagawang gusali sa unibersidad na pinapasukan ni Jerlyn. Nabighani si Joey sa dalaga at naglakas siya ng loob na hingin ang numero ng selpon nito. Nauwi ang lahat sa isang pagkakaibigan at unti-unti nang nahulog ang loob ng dalaga kay Joey.

Mariin namang tinututulan ito ng mga magulang nang malaman ang kanilang relasyon. Pilit silang pinaglayo ng mga ito sapagkat wala raw magandang maidudulot sa dalaga ang pakikipagrelasyon nito sa binata. Ngunit hindi nito naputol ang relasyon ng dalawa at lihim pa rin silang nagkikita.

“Natatakot ako, Joey na baka mabuntis ako,” wika ni Jerlyn.

“Hindi ‘yan mangyayari. Naging maingat ako. Saka kahit ano ang mangyari, Jerlyn ay pananagutan ko ang lahat dahil mahal kita,” tugon ng binata.

Advertisement

Makalipas ang isang buwan ay hindi na dinatnan pa ng buwanang dalaw si Jerlyn. Labis ang kaniyang pag-aalala lalo na ng malaman niyang siya nga ay nagdadalang tao.

“Hindi ko alam ang gagawin ko, Joey. Paano ko sasabihin sa mga magulang ko ito?” iyak ng dalaga.

“Sumama ka na lang sa akin. Hindi kita pababayaan!” paanyaya nito.

“Ayoko. Hindi ko ‘yan magagawa sa mga magulang ko. Nagkasala na nga ako sa kanila sa patuloy kong pakikipagrelasyon sa ito at sa pagdadala ko ng batang ito sa hindi tamang panahon. Kailangan nilang malaman ang lahat ng ito,” wika pa ng nobya.

Ngunit dahil alam ni Joey na pilit na naman silang paglalayuin ng kaniyang nobya ay pinilit niya itong makipagtanan sa kaniya. Dahil sa takot ni Jerlyn na baka iwan siya ni Joey ay sumama ito sa binata.

Dinala si Jerlyn ng binata sa kanilang bahay. Maliit lamang ito at nasa tabi ng riles ng tren. Kasama nila sa kanilang bahay ang mga magulang ng binata na walang ginawa kung hindi mag-away at ang isa pa nitong kapatid na may pamilya na rin.

Kahit na nahihirapan si Jerlyn ay pilit niya itong tinitiis sapagkat ayaw niyang mawalan ng ama ang kaniyang dinadala. 

Ngunit sa paglipas ng mga araw na sila ay magkasama ay malaki ang pagbabago sa kaniyang nobyo. Madalas itong umuwi ng lasing at mainit ang ulo. Sa tuwina ay nagdurusa si Jerlyn sa ugaling ito ng kinakasama. Madalas ay napagbubuhatan na rin siya nito ng kamay lalo na sa tuwing hindi siya pumapayag na makipagniig dito. 

Advertisement

“Palagi ka na lang ganiyan, Joey. Hindi mo iniisip na magkakaroon na tayo ng sarili nating pamilya. Lumalaki na ang tiyan ko at malapit na akong manganak!” pagtanggi ng dalaga sa nais mangyari ni Joey.

“Bakit ayaw mo? Siguro ay may pinagmamalaki ka ng iba, ano! Sino sa mga tambay dito?” sigaw ni Joey habang sabunot ang buhok ni Jerlyn.

“Nasasaktan ako, Joey! Tigilan mo ‘yan!” umiiyak na sambit ng dalaga.

“Tama na, Joey. Hindi ko na kaya ang buhay na kasama ka. Gusto ko nang umuwi na lang sa mga magulang ko!” sambit muli ni Jerlyn.

Lalong nag-init ang ulo ni Joey sa narinig sa kinakasama.

“Walang aalis dito. At hinding-hindi ka na makababalik sa mga magulang mo! Sa akin ka lang kaya ibigay mo ang gusto ko” patuloy sa pamimilit ang binata.

Dahil sa nasasaktan na si Jerlyn ay hindi niya naiwasan na lumaban. Nasampal niya si Joey na lalong ikinainit ng ulo nito. Dahil nagdilim ang paningin ng binata ay basta na lamang nyang sinuntok si Jerlyn sa tiyan.

Napaiyak ang dalaga sa sakit ng pagkakasuntok sa kaniya. Lalo siyang naiyak sa pagkabagabag na baka may mangyaring masama sa kaniyang dinadala.

Advertisement

Iniwan ni Joey si Jerlyn ng basta na lamang kahit na walang tigil ito sa pag-iyak at namimilipit sa sakit habang siya ay dinudugo.

Ang tanging nasa isip ni Jerlyn ng mga panahon na iyon na sana ay walang mangayaring masama sa kaniyang anak. Lubusan ang kaniyang pagsisisi na sinuway niya ang kaniyang mga magulang. Sana ay hindi ganito ang nangyari sa kaniya. 

Bago siya mawalan ng malay ay malakas na sigawan sa labas ang kaniyang huling narinig.

Nang magbukas ang kaniyang mga mata ay una niyang nakita ang mga magulang na naghihintay ng kaniyang paggising.

“Anak, kumusta ka? Kumusta ang pakiramdam mo?” umiiyak na sambit ng ina ni Jerlyn.

Niyakap siya agad ng mga magulang. Hindi na niya napigilan pa ang pagdaloy ng kaniyang mga luha. Lalo pa nang malaman niyang hindi na pala nakaligtas ang dinadalang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

“Kinakalungkot namin ang nangyari sa anak mo, Jerlyn,” wika ng ama ng dalaga.

“Ma, pa, ayaw ko na pong bumalik kay Joey. patawarin ninyo po ako sa lahat ng kasalanan ko. Sana po ay matanggap niyo pa po ako,” paghingi ni Jerlyn ng paumanhin sa mga magulang.

Advertisement

“Hinding-hindi ka na makakabalik sa walang pusong lalaking iyon. Matapos nang ginawa nya sa iyo ay nasagasaan siya ng tren paglabas niya ng bahay. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya napansin na may tren na daraan,” pahayag ng ina.

Ikinagulat ito ni Jerlyn. Ngunit habang nagbabalik sa kaniya ang pait na idinulot ng pakikisama niya sa binata ay hindi niya mapigilan na magalit lalo pa at ito ang may kasalanan sa pagkawala ng kanilang magiging anak. 

Tinanggap na ni Jerlyn ang lahat ng nangyari sa kaniya ay parte na lamang ng mapait na kahapon. Mula noon ay hindi na siya sumuway sa kaniyang mga magulang dahil napatunayan niyang ang tanging mabuti lamang para sa kaniya ang hangad ng mga ito. 

Bumalik muli siya sa pag-aaral at nakapagtapos. Pinilit niyang bumangon muli at ayusin ang kaniyang buhay.