Inday TrendingInday Trending
Abusado ang Pulis na Ito; Isang Matapang na Mamamahayag ang Kaniyang Makakatapat

Abusado ang Pulis na Ito; Isang Matapang na Mamamahayag ang Kaniyang Makakatapat

Walang tigil sa pangingikil ang pulis na si Romualdo Ferrer na halos kilala na sa palengkeng iyon.

Kilala siya bilang isang malupit at abusadong pulis na nangongolekta ng mga lagay mula sa iba’t ibang tindera sa naturang palengke, kapalit ng kanilang kapayapaan.

“Tiba-tiba na naman tayo nito, boss!” ngingisi-ngising saad ng isa sa mga inatasang kolektor ng kotong ni Romualdo habang binibilang nito ang perang kaniyang hawak-hawak.

Ngisi rin naman ang isinagot ng pulis na si Romualdo rito. “Kumpleto na ba ’yan?” tanong pa niya na sinisigurong kumpleto na nga ang kanilang mga nakolekta.

“Hindi pa nga, boss, eh. Iyon nga ang ilalapit ko sa inyo. Mukhang matigas ang bagong umuupa sa puwesto ni Aling Marcela,” kakamot-kamot ang ulong sagot naman nito sa kaniya.

“Bakit?” Agad na sumimangot ang mukha ni Romualdo. “Ayaw magbigay?”

Tumango ang kaniyang kolektor bilang sagot.

Napamura si Romualdo sa narinig. Nasuntok pa niya ang pader na kanilang kaharap dahil sa galit.

Sa lahat ng ayaw niya ay iyong nagkukulang ang kaniyang mga pera. Dahil doon ay nagmadali siyang puntahan ang sinasabing bagong umuupa sa puwesto ni Aling Maricel.

Masaya lamang na nagtitinda ang mag-asawang Edwin at Charree. Nasa edad singkuwenta pataas na ang mga ito at ang ikinbubuhay lamang ay ang pagtitinda ng gulay.

Tumikhim sa tapat ng mag-asawa si Romualdo at agad naman niyang nakuha ang atensyon ng mga ito.

“Mukhang maganda ang benta natin ngayon, ah?” sarkastikong aniya sa mag-asawa.

Mukha namang namukhaan siya ng dalawa. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa pulis na si Romualdo Ferrer na may mataas na posisyon sa pulisya.

“Bakit balita ko’y ang damot n’yo raw na mag-asawa? Kaunting halaga lang naman ang hinihingi ko, kumpara sa kapayapaang pwede kong ibigay sa inyo.” May pagbabanta pa sa tono ng pananalitan iyon ni Romualdo.

“Hindi ho namin kailangan ng proteksyon n’yo, ser. Wala naman ho kaming ginagawang msama kaya wala kaming dapat na ikatakot,” may galang ngunit matapang namang sagot ni Mang Edwin sa pulis na kaniyang kaharap.

Ngunit halos mapasinghap ang lahat nang bigla na lamang bumunot ng baril ang pulis at itinutok iyon sa kawawang si Edwin.

“Ako, huwag n’yong pipikunin. Magbibigay ba kayo o hindi?” malakas na bulyaw pa nito sa mag-asawa na napilitan na lamang magbigay ng lagay sa palalong pulis kaysa naman sila ay mapahamak.

Mabuti na lamang at isang binatilyong kostumer ang patagong kumuha ng video sa buong pangyayari nang maramdaman nitong tila ay may hindi magandang gagawin ang pulis.

Dahil doon ay nagkaroon ng pagkakataon ang mag-asawa na lumapit sa isang sikat na mamamahayag na kilalang tumutulong sa mahihirap at naaaping kagaya nila.

Dala ang ebidensya ay nagtungo sila roon upang humingi ng tulong.

“Huwag ho kayong mag-alala, nanay, tatay. Sisiguraduhin ko ho sa inyo na makukulong ang hinayupak na pulis na ʼyan. Ako ho ang bahala,” pagbibigay ng kasiguraduhan ng naturang mamamahayag sa mag-asawang inapi ni Romualdo at nang araw ding iyon ay sinimulan nito ang pagpa-file ng kaso.

Siya mismo ang sumama sa mag-asawa, dala ang kaniyang camera upang maging patas ang lahat at siguraduhing walang anumalyang mangyayari sa pagsasampa ng kaso.

Bukod doon ay binigyan sila nito ng proteksyon at pansamantalang inilipat na muna ng tirahan, kasama ang kanilang mga kaanak habang hindi pa nakukulong ang abusadong pulis.

Sinagot din ng matapang na mamamahayag na ito ang lahat ng gastusin ng pamilya mula sa pagsasampa ng kaso, hanggang sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga ito, lalo pa at naging kaawa-awa ang kanilang sitwasyon buhat nang mangyari ang insidenteng iyon.

Laking pasasalamat naman ng pamilya sa mamamahayag dahil hindi sila nito pinababayaan…

“Ser, abot-abot ho sa langit ang pasasalamat ng buong pamilya po namin sa inyo, dahil sa walang sawa nʼyo pong pagtulong sa aming mga naaapi. Sana po ay hindi kayo magsawang tulungan pa ang mas marami,” mangiyak-ngiyak na pagbibigay ng mensahe ni Marcela sa mabait na mamamahayag na tumutulong sa kanila at isang sinserong ngiti naman ang isinagot nito sa kaniya.

“Wala pong anuman iyon, nanay. Basta kayo,” nakangiting sagot pa nito bago sila nagpaalam sa isaʼt isa.

Sa huli ay nahatulang guilty si Romualdo at siyaʼy ikinulong sa patung-patong na parusa na halos ilang dekada niya ring bubunuin sa loob ng selda. Nakamit din nina Mang Edwin at Aling Marcels ang hustisya.

Advertisement