Matiyagang Binubuhat ng Mister si Misis; May Milagro pa Kayang Mangyayari Upang Magbago ang Buhay Nila

Matiyagang Binubuhat ng Mister si Misis; May Milagro pa Kayang Mangyayari Upang Magbago ang Buhay Nila

InspiringLoveStories

Alas singko pa lang ng umaga ay gising na si Nestor at ang kaniyang asawang si Josefina. Naghahanda upang mamayang alas syete ay aalis na patungong trabaho.

Lumpo si Josefina, kaya kailangan pa itong alalayan ni Nestor sa bawat gagawin. Pagkatapos niyang paliguan ang asawa ay sabay naman silang kumain. Saka hinanda ni Nestor ang mga dapat nilang dalhin.

Upang hindi na mahirapan si Nestor ay inisang lagay na niya ang kanin atang ulam nilang tuyo sa dahon ng saging, saka inilagay sa plastik at sinilid sa bag. Isinama na rin niya ang pamalit na damit nilang dalawa.

Kailangan pa niyang buhatin ang asawa sa kaniyang likuran kaya hangga’t maaari sana ay ayaw na niyang magdala pa ng mabibigat na bagay.

“Hali ka na Josefina, aalis na tayo,” aya ni Nestor sa asawa.

Agad namang gumalaw si Josefina upang mabuhat na siya ni Nestor. Araw-araw sa t’wing papasok si Nestor sa trabaho ay bitbit niya ang asawa sa kaniyang likuran. Hindi naman niya maaaring iwanan ito dahil walang mag-aalaga rito sa bahay nila.

Kaya mas minabuti ni Nestor na buhatin ito mula sa bahay nila patungo sa kaniyang trabaho.

“Oh! Nestor, papasok na kayo sa trabaho?” Tanong ni Aleng Bebe, ang may-ari ng tindihang lagi nilang dinadaanan upang bumili ng tubig.

“Opo.”

“Mag-iingat kayo sa daan,” bilin pa ng ale saka ibinigay ang binili ni Nestor na tubig.

Hindi lingid kay Nestor ang mga matang nakatingin sa kanilang mag-asawa. Iyong iba ay naaawa, iyong iba naman ay tila namimintas, may iba namang tila nahihirapan sa kaniyanga sitwasyon.

“Aleng Bebe, mag-asawa ang dalawang iyon? Bakit nagkagano’n ang babae? Inborn na po ba iyon?” Nakiki-usyusong tanong ni Gerald.

Bago lamang siyang nakalipat sa lugar na ito at ngayon lamang niya nakita ang dalawa.

“Ay, oo. Iyon si Nestor at Josefina, sa katunayan ay iyang si Nestor, taga-rito talaga ‘yan saka ang alam ko’y hindi in-born iyang nangyari kay Josefina. Ang kwento kasi niyan ay naaksidente iyang si Josefina sa isang motor.

Maswerte at nakaligtas siya noon sa bingit ng kamat*yan. No’ng unang araw matapos ang aksidente ay maayos pa naman siya. Nakakalakad pa nga e, bumibili pa iyan noon sa’kin rito. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na nagkaganyan na siya.

Tuluyan nang na lumpo at hindi na nakalakad. Alam mo naman mahirap lang si Nestor, kaya wala siyang kakayahang ipatingin ang asawa niya sa espesyalista. Kaya ayan nagtitiis na lamang siyang buhatin si Josefina, araw-araw. Wala kasing mag-aalaga sa bahay nila,” mahabang paliwanag ni Aleng Bebe.

“Gano’n po ba?” Nahahabag na sambit ni Gerald.

Ang saklap naman pala ng nangyari kay Josefina. Ano kaya ang sakit nito at tuluyan nang nagkagano’n ang sitwasyon nito.

Linggo ng umaga. Walang trabaho si Nestor, kaya narito lamang sila sa bahay. Naglalaba si Nestor ng mga damit nila habang abala naman ai Josefina sa paggawa ng yemang ibibinta kinabukasan.

May panauhin silang hindi inaasahan. Si Gerald.

“Hello po Kuya Nestor, ako nga po pala si Gerald,” pakilala niya sa sarili. “Actually naparito ako upang magbigay ng kaunting tulong lang naman po. Kung hindi ninyo maitatanong ay isa po akong Doktor, internal medical.

Narinig ko po kasi ang kwento ninyo kay Aleng Bebe isang araw nang magkasalubong tayo sa tindahan niya. Ilang taon na po bang naging ganyan si misis?” Kausap niya kay Nestor.

“Ahh, mga kulang-kulang dalawang taon na rin yata, Doc.”

“Mula noon ay hindi niyo na napatingnan iyang kondosyon niya?”

“Opo. Kapos din po kasi Doc e, ‘yong kinikita ko sakto lang sa pangkain naming mag-asawa at mga iba pa naming kailangan dito sa bahay.”

“Nauunawaan ko,” tumatango-tangong sambit ni Gerald. “Gusto niyo po bang dalhin natin ngayon si misis sa Ospital, upang ma-check-up man lang siya ng mga kasamahan kong espisyalista. Huwag po kayong mag-alala wala kayong babayaran. Sasagutin ko po lahat.”

Agad namang nagpunas ng luha si Nestor. “Maraming salamat po Doc, wala po akong maisip sabihin. Sobrang saya ko po. Para kang isang anghel na bumaba mula sa langit upang tulungan kami,” umiiyak na wika ni Nestor.

Sa loob ng dalawang taon, sa wakas ay mapapatingnan na rin nilang mag-asawa ang totoong kondisyon ni Josefina, sa tulong ni Gerald. Ayon sa naging resulta ay nagkaroon ng Proximal Paresi, ang pasyente.

Nagiging karaniwan, ang peripheral proximal paresis ay nangyayari dahil sa isang pinsala sa balakang. Iyon ang naging dahilan kung bakit nalumpo si Josefina.

50-50 ang tsansang makakalakad pa ulit si Josefina, ngunit ipingako ni Gerald na gagawin niya ang lahat upang makatulong sa mag-asawa. Binigyan niya ito ng wheel chair upang hindi na mahirapan pa si Nestor na buhatin si Josefina.

Bukod pa roon ay binigyan din niya ang mag-asawa ng kunting puhunan upang kahit papaano ay makatulong si Josefina kay Nestor, kahit sa pagtitinda na lang.

Hindi mabigyang pangalan ni Gerald ang ginawang pagtulong sa mag-asawa. Basta iisa lamang ang alam niyang dahilan. Sobra siyang humanga sa walang kapantay na pagmamahal ni Nestor kay Josefina. Handa siyang buhatin ito masiguro lamang ang kaligtasan ng asawa.

More Stories