Tutol ang mga Magulang ng Dalaga sa Kaniyang Nobyo; Langit at Lupa Raw ang Kanilang Agwat

“Kung ako sa ‘yo, hiwalayan mo na siya.” Napatayo si Michelle Rose sa kinauupuan nang sabihin iyon ng kaniyang ina.

Kaya pala tinawagan siya nito ay para sabihin iyon. Ang hiwalayan ang boyfriend niyang si Drake! Matangkad ang boyfriend niya, gwapo, talented, mabait at higit sa lahat ay mapagmahal ngunit hindi iyon makita ng mga magulang niya. Ito lang ang lalaking nakilala niya na ganoon ang katangian lalo na sa pinapasukang school at hinding-hindi niya iiwan ito.

Simula nang maging nobyo niya si Drake ay lagi na silang nag-aaway ng kaniyang mama, simula’t sapul ay inaayawan kasi nila ang lalaki dahil mahirap ito. Nakatira ito sa squatterʼs area at nagtatrabaho bilang waiter para kumita ng pera na pantustos sa pamilya at sa sariling pag-aaral.

Kailanman ay hindi niya ikinahiya ang kasintahan bagkus ay ipinagmamalaki niya pa ito. Kahit minsan ay hindi rin boto ang mga kaibigan niya ay ipinagsasawalang bahala niya ang sinasabi ng iba. Ang mahalaga ay mahal niya si Drake at mahal din siya nito.

Isang taon na ang relasyon nila na puno ng pagmamahalan. Minsan ay nagtatalo sila sa maliit na bagay ngunit hindi rin naman iyon nagtatagal.

Napabuntong hininga si Michelle. “Mama, bakit ko naman gagawin ‘yon?”

“Dahil hindi siya bagay sa ‘yo, Michelle! Mayaman ka at pera lang ang habol niya sa ‘yo,” mataas na ang boses ng kaniyang ina. Napatayo na rin ito at magkaharapan na silang dalawa.

“Mama, hindi mo po siya kilala! You are so judgemental. Ni kahit piso, wala siyang nakuha sa akin, mama! Lahat ng sa monthsary namin, ‘yong anniversary namin, ‘yong gifts niya, galing ‘yon sa pagtatrabaho niya. At hinding-hindi niya ako hinahayaan na gumastos sa mga paglabas namin, why? Kasi baka isipin niyo na pineperahan niya ako! Na habol niya lang sa akin ay pera, pero no! Hindi, Ma. Hindi!” Nanggigil siya sa galit. Halos mapaos siya nang sunod-sunod na sabihin iyon sa ina. Hindi na siya nakatiis, lumaglag na ang luha galing sa kaniyang mata.

Advertisement

Hindi niya mapaniwalaan na mauubos ang pasensiya niya nang oras na iyon. Masyado nilang minamaliit ang boyfriend niya at iyon ang mas masakit.

Umakyat siya ng kwarto na umiiyak. Hindi na rin nakaimik ang kaniyang ina matapos niyang sabihin iyon.

Matagal na hindi nagkibuan si Michelle at ang kaniyang mama. Hanggang sa dumating ang graduation day nila.

“And for our Summa Cum Laude, Mr. Drake Manalo.” Nagpalakpakan ang mga tao. Sobrang laki ng ngiti ni Michelle nang itanghal na valedictorian ang kaniyang nobyo. Hindi siya nagkamali na pagkatiwalaan ang boyfriend niya.

Marami itong sinabi hanggang sa…

“At panghuli, nais kong pasalamatan ang girlfriend ko, si Michelle Rose Tolentino, sa pagtitiwala na kaya ko ang lahat. Na hindi mo ako iniwan sa kahit anong pagsubok. Salamat, Hon. Para rin sa ‘yo ito.” Malakas na hiyawan ang narinig, waring kinikilig. Itinaas nito ang medalya na nakaharap kay Michelle at sumaludo pa.

Natapos ang seremonya ng pagtatapos. Niyakap niya ang boyfriend at masayang-masaya sila sa parangal na natanggap nito.

“I love you, hon,” bulong ni Michelle.

Advertisement

“I love you, too,” sagot naman ito.

Naghiwalay sila nang parehas tumikhim ang kanilang mga ina. Napahiwalay sila sa kanilang yakap at parehong nahiya.

“Sa amin na kayo dumiretso at naghanda kami para kay Michelle,” halos maluha si Michelle nang sabihin iyon ng ina. Niyakap niya ito nang sobrang higpit.

Nasaksihan ng kaniyang mga magulang kung paano nila pinatunayan ni Drake ang kanilang pagmamahalan. Pati na rin ang pagsusumikap ng binata upang matanggap siya ng pamilya ni Michelle at dahil doon ay tila napukaw nito ang damdamin ng mga magulang ng dalaga.

“This is the best gift ever,” bulong niya sa ina.

Masaya nilang tinungo ang bahay nila Michelle. Maraming pagkain, kumpleto ang pamilya ni Michelle at Drake, lahat ay nakangiti.

Natanggap ng magulang ni Michelle ang kanilang pagkakamali, ang pang-aakusa at panghuhusga. Mali silang minaliit si Drake dahil sa katayuan nito sa buhay. Naging mas matatag ang relasyon ng dalawa.

Mabilis na natanggap sa magandang kompanya si Drake dahil na rin sa magandang records nito. Dahil doon ay unti-unti nitong naiangat ang pamilya niya. Unti-unti niya na ring nabuo ang kaniyang pangarap, at ganoon din si Michelle.

Advertisement

Matapos iyon ay nagpasiya nang magpakasal ang magkasintahan. Naging napakasaya ng kanilang pagsasama at hindi na humadlang pa ang mga magulang nila.