Biglang Kumalat ang Video ng Isang Hinahangaang Estudyante; Kaibigan Pala Niya ang May Sala

Hinahangaan si Josef dahil bukod sa magandang lalaki ay matalino rin siya at isa ring mahusay na student leader sa pinapasukang unibersidad.

“Congratulations, pare! Sigurado na naman ang panalo mo sa student council!” masayang bati ng kaibigan niyang si Gael.

“Oo nga, Josef! Balita ko malakas talaga ang laban mo,” wika naman ni Raymond.

“Mga pare, marami pang puwedeng mangyari, okay! Huwag muna tayong magsaya! Ang mabuti pa ay pag-usapan natin ang night out party,” sagot ng binata.

Matagal nang plano ng magkakaibigan ang lumabas at magliwaliw. Gusto nilang mag-relax. Sa dami nang ginagawa nila bilang estudyante ay naisip nila na kailangan din nila ng pahinga at maglibang paminsan-minsan.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng magkakaibigan. Napagdesisyunan nila na sa bahay bakasyunan nina Thirdy gawin ang kanilang night out party. Bukod sa alak at pulutan ay may isinama rin silang mga babae para mas masaya ang party nila. Inanyayahan nila ang ilan sa mga babae nilang kaklase kasama rin ang mga nobya nina Gael at Raymond.

Alas nuwebe ng gabi nang magsimula ang kasiyahan. Malakas ang tugtog habang bumabaha ng alak sa loob ng bahay bakasyunan. Lumabas ang pagiging mapusok ng mga kabataang naroroon.

“O, ano, pare lasing ka na ba? Marami pang alak,” sabi ni Gael.

Advertisement

“No, pare. Kilala mo ako, hindi ako madaling malasing alam mo ‘yan!” sagot ni Josef.

Nang biglang lumapit sa kinauupuan nila ang isang maganda at seksi nilang kaklase na si Lorry.

“Hi, boys! Ano ang pinag-uusapan niyo?” tanong ng dalaga sa malanding tono.

Napansin ng nobya ni Gael ang paglapit ni Lorry kaya agad nitong hinablot ang nobyo.

“Babe, halika nga rito sa tabi ko!” inis na wika ng babae.

Napakamot sa ulo si Gael at napilitang sumama sa nobya. Naiwan sina Lorry at Josef na magkatabi sa upuan.

“Buti at naisipan niyong mag-party?” sabi ng babae habang nilalaro ng daliri ang lamang alak sa basong hawak.

“A, e… Itinuloy lang namin ang matagal na naming balak ng mga kaibigan ko.”

Advertisement

Maya-maya ay nakaramdam ng pagkahilo si Josef. Tinamaan na siya sa nainom na alak.

Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari nang gabing iyon.

Kinaumagahan ay nagising si Josef na nasa loob na siya ng kwarto. Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo dahil sa naparami ang kaniyang nainom nang nagdaang gabi. Ikinagulat niya nang makita niyang wala na siyang suot na anumang saplot sa katawan.

“Ughh, an’ong nangyari?!” aniya.

Paglabas niya sa kwarto ay naabutan niya ang mga nagkalat na basyo ng bote ng alak sa sala. Wala na rin ang mga kaklase niya na nakasama niya sa inuman.

“Pare, musta kayo ni Lorry, ayos ba?” panunuksong bati ni Gael.

“W-wala nga akong matandaan, e. B-basta nagulat na lang ako na wala na akong suot na damit kanina.”

“Ibig mong sabihin, wala kang matandaan?” tanong ng kaibigan.

Advertisement

Umiling lang si Josef. Hindi niya talaga maalala ang nangyari.

Sa pagpasok nila sa klase ay naabutan nilang may pinagkakaguluhan ang mga kaklase nilang lalaki. May pinapanood na video ang mga ito sa cell phone.

“Josef, grabe ka pala! Hindi ko akalaing magaling ka pala sa kama?” pang-aasar ng isa nilang kaklase.

Kumunot ang noo ni Josef sa sinabi ng lalaking kaklase.

“T-teka, ano’ng sinasabi mo, pare?” inis niyang sabi rito.

“Hindi mo ba alam, kalat na kalat na ang video scandal mo!”

“A-ano?!”

Agad niyang pinanood ang video. Medyo madilim ang background ngunit kitang-kita niya ang isang lalaki at isang babae na nagniniig sa kama. Nakasuot ng sando ang lalaki at nakatatak ang pangalan niyang “Josef Elizeo” sa likod niyon. Ganadong-ganado ang lalaki habang pinapaligaya ang babae.

Advertisement

“Hindi ito maaari!”

Mabilis na kumalat sa buong unibersidad ang video ni Josef na ikinaalarma ng mga guro at mga magulang ng mga estudyante.

Dahil sa kinasasangkutang eskandalo ay nanganganib na masira ang iniingatan niyang pangalan sa unibersidad bilang na mahusay na student leader.

Kasabay nang pagkalat ng video ay samu’t saring paninira at panghuhusga ang ibinato sa binata. Sari-saring negatibong komento ang nabasa niya sa mga social media account niya na halos dumurog na sa kaniyang pagkatao.

“Ma, pa, hindi ko po sinasadya ang mga nagawa ko! Lasing ako at wala ako sa sarili ko!” paliwanag niya sa mga magulang.

“Naniniwala kami sa iyo, anak. Tibayan mo lang ang loob mo at malalagpasan mo ang mga pagsubok na iyan,” tugon ng kaniyang ina.

“Manalig ka lang sa Diyos at maaayos din ang lahat,” payo naman ng kaniyang ama.

Isang araw ay nagulantang si Josef nang malamang isa pang kumakalat na video. Iyon ang malinaw na bersyon ng naunang eskandalo na lumabas. Laking gulat niya nang mapanood iyon.

Advertisement

Ang lalaki sa video ay hindi pala siya. Ang lalaking nahaharap sa eskandalo ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Gael na nakikipagniig sa nobya nito.

“Gael?!”

Kinompronta niya ang kaibigan at tinanong kung bakit nito pinakalat ang nasabing video. Umamin naman si Gael na ito ang lalaki sa video. Inirekord ng binata ang pakikipagniig sa nobya pero hindi raw nito kasalanan ang pagkalat ng video dahil naisnatch ang bag nito na naglalaman ng laptop na ginamit nito sa pagrerekord ng mga mandurukot habang pauwi sa bahay.

Napag-alaman din na ang sandong may tatak na pangalan ni Josef ay ang ipinahiram ng binata kay Gael nang minsan nagkayayaan silang mag-swimming at walang pamalit na damit ang kaibigan. Inamin din nito na walang nangyari sa kanila ni Lorry. Pinagtangkaan daw siyang akitin nito ngunit nang makita nito ang pagkalalaki ni Josef ay biglang nadismaya ang babae at hindi na itinuloy ang balak.

Aminado naman si Josef na hindi siya biniyayaan ng malaking pagkalalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nobya. Nasa kaniya na ang talino at kagandahang lalaki ngunit pagdating sa kaniyang hinaharap ay tila walang pag-asa.

“Patawarin mo ako, pare. Hindi ko naman akalain na may malaki palang epekto ang videong iyon sa iyo. Nasira ang pangalan mo dahil sa kapabayaan ko,” nagsisising sabi ni Gael.

“Wala na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari, e. Hindi na natin iyon maibabalik. Ang mahalaga ay may natutunan tayo,” tugon ni Josef.

Tinulungan ni Gael na linisin ang pangalan ng kaibigan. Nagpaliwanag ang binata sa social media na siya ang nasa kumalat na malasw*ng video at hindi si Josef. May mga positibong reaksyon ngunit mayroon pa ring mangilan-ngilan na bulag pa rin sa katotohanan.

Advertisement

Lumipas ang ilang buwan at unti-unting nakalimutan ng mga tao ang eskandalong kinasangkutan nila. Umiwas na rin si Josef sa mga party na mayroong inuman dahil ayaw na niyang maulit ang kahihiyang pinagdaanan.