Halos Mawalan na Siya ng Pag-asa sa Buhay; Kaibigan ang sa Kaniyaʼy Siyang Aagapay

Nang mawala ang asawaʼt ina ni Helgaʼy halos pagsakluban ng siya ng langit at lupa.

Matinding malas ang dumapo sa kanilang pamilya na halos ikalugmok naman ng mag-ina. Si Helga na lamang ang bumubuhay sa kaniyang anak na si Jared. Humantong sila sa kalagayan na hindi na sila kumakain at wala nang pambayad ng renta, lalo na nang mawalan ng trabaho si Helga.

Isa siya sa mga tinanggal dahil bagsak ang ekonomiya ng taong iyon.

Ilang buwan ang nakakalipas ay hindi parin nakahanap ng permanenteng trabaho si Helga. Nagkakasya na lamang siya sa mga pa-extra-extrang paglalabada, pagtitinda ng kung anu-ano at iba pa. Sapat lamang ang kinikita niya sa pagkain nila sa araw-araw.

“Lumayas na kayo rito! Ilang buwan na kayong hindi nakakabayad!” sabi ng may-ari ng inuupahan nilang bahay.

“Parang-awa n’yo na po, Aling Josie, bigyan niyo pa po ako ng isang buwan. Magbabayad na po ako,” pag-mamakaawang sagot ni Helga.

“Aba’y hindi na! Ganiyan din iyong sinabi mo sa akin noong nakaraang buwan,” matigas na sagot naman ni Aling Josie.

Walang nagawa si Helga at ang kaniyang anak, kundi ang umalis na lamang sa inuupahang bahay.

Advertisement

Matapos iyon ay sinubukan na ni Helga na lumapit sa mga dati nilang kakilala ngunit walang ni isa man sa mga ito ang nagpaabot ng tulong dahil maging sila ay hirap din daw sa buhay.

Isa na lang ang nakikitang paraan ni Helga upang hindi sila mawalan ng ulirat dahil sa gutom ng anak niyang si Jared.

Nasa tapat na ng isang malaking bahay sina Helga at anak niyang si Jared. Huminga nang malalim si Helga bago niya pindutin ang door bell.

Pinagbuksan naman agad sila ng ng pinto ng isang katulong “Sino po’ng hanap nila?” tanong ng katulong habang kinikilatis nang mabuti kung sino ang mag-ina.

“Nandiyan ba si Marie? Ako si Helga ʼyong kaibigan niya kami noʼng highschool kami,” nahihiyang sabi ni Helga sa kasambahay.

“Ate, pasok daw po kayo sabi ni ma’am.” Inalalayan ng kasambahay si Helga sa mga dala-dala nitong mga bagahe.

“Oh, Helga, tagal na nating hindi nagkikita.” Nakangiting bati ni Marie kay Helga.

“Pʼwede ba akong makiusap sa ʼyo, Marie?” seryoso namang bungad na sagot niya sa kaibigan. Wala na siyang oras na magpatumpik-tumpik pa.

Advertisement

Si Marie ay matalik na kaibigan ni Helga noon kaya naman umaasa siyang matutulungan siya nito.

“Pwede bang dito na muna kami tumuloy sa inyo hanggaʼt wala pa akong nahahanap na trabaho? Nakikiusap ako sa ʼyo, kahit isang linggo mo lang kami patuluyin dito ay ayos na sa akin.” Nagmakaawa si Helga.

“Ano ka ba? Siyempre ayos lang ʼno! Ikaw pa ba?” walang pagdadalawang isip namang sagot ni Marie sabay yakap kay Helga. Simula kasi noong ikasal si Marie ay hindi na sila nagkita.

Nahihirapang magka-anak si Marie dahil sa komplikasyon nito sa kaniyang matres kaya nang malaman niya na sa kanila muna titira si Helga, kasama ang anak nito ay tuwang-tuwa siya.

Sa araw-araw na paghahanap ni Helga ng trabaho ay naiiwan si Jared sa pangangalaga ni Marie. Dahil doon ay naging malapit ang dalawa. Napansin iyon ni Helga kaya naman unti-unti siyang nagkaroon ng inis sa kaibigan.

Pagkaraan ng dalawang linggo ay natanggap na rin si Helga sa trabaho. Nang umuwi siyaʼy naabutan niya ang kaibigan at anak niyang nagkukulitan sa may hardin.

Pakiramdam niya ay inaagaw ni Marie ang atensyon ng anak niya sa kaniya.

Nilapitan ni Helga ang dalawa. Agad niyang tinawag at pinalapit ang anak bago sila pumasok sa kwarto kung saan sila pinatutuloy ni Marie.

Advertisement

Iniligpit agad ni Helga ang mga gamit nila. Nagtaka naman si Marie kaya sinundan sila nito.

“Anoʼng problema, Helga? Bakit aalis na kayo agad?” tanong nitong bakas ang pagtataka.

“Aalis na kami, nakahanap na ako ng magandang trabaho,” galit na sabi ni Helga habang inilalagay ang kanilang mga damit sa bag.

“Baʼt ka ba nagagalit?” Mahinahon pa rin si Marie.

“Kung kapalit ng tulong mo ay ang pagkuha mo sa anak ko, huwag na lang.” Sabay hila ni Helga sa anak na si Jared.

“Teka, Helga, ‘di ko balak na kunin ang anak mo. Magkakaroon na ako ng anak. Nag-ampon kami ng asawa ko at darating na siya ngayong linggo,” pagpapaliwanag naman ni Marie kay Helga.

Saka lang siya natauhan sa kaniyang inaasal. Naguguluhan lang siya sa mga nangyayari kaya niya iyon nagawa. Natakot lamang siya na mas gustuhin pa ng anak niya si Marie kesa sa kaniya. Natatot siyang pati ang anak ay mawala sa kaniya.

“Pasensiya na, Marie, natakot lang akong baka mas gustuhin ka na ni Jared kaysa sa akin,” saad ni Helga nang umiiyak.

Advertisement

Ngiti naman ang isinagot ni Marie bago siya nito bigyan nang mahigpit na yakap.

Ipinaramdam ni Marie kay Helga na naiintindihan siya nitoʼt nariyan lamang siya bilang kaibigan. Sobra-sobra ang pasasalamat niya kay Marie. Mabuti na lamang ay may kaibigan siyang katulad nito.

Simula noon ay unti-unting nakabawi si Helga at ang anak niyang si Jared. Nagamot na rin ang kaniyang depresyon at nalampasan na niya ang lahat ng pagsubok ng buhay.