Pinagmalupitan ng Tadhana ang Dalaga; Hindi Niya Akalaing May Pag-asa Pa Pala

Kahit kailan ay hindi nakikilala ni Samantha ang kaniyang mga magulang. Tanging ang tiyahin lamang niya ang siyang nagpalaki sa kaniya hanggang sa kaya niya nang itaguyod ang kaniyang sarili.

Sa hirap ng buhay na kaniyang kinagisnan ay hindi na siya nakapag-aral pa. Ni hindi marunong magbasa o magsulat man lang si Samantha.

Nagpasiya siyang makipagsapalaran sa Maynila. Inisip niyang baka siyaʼy suwertehin kung sakali roon.

Ngunit hindi naging madali ang buhay niya sa siyudad, ʼtulad na rin ng tipikal na kuwento ng karamihan sa mga probinsyanaʼt probinsyanong lumuluwas ng Maynila.

Natanggap si Samantha bilang katulong ng isang pamilyang may lahing banyaga. Mayaman ang mga ito ngunit kataka-takang nag-iisa lamang siyang katulong nila. Ganoon pa man ay tinanggap niya na rin ang trabaho kahit mahirap.

“Hoy, plantsahin mo nga itong uniporme koʼt nang magamit ko mamaya. May lakad ako, bilisan mo!”

Agad na tinalima ni Samantha ang utos ng amo niyang dalaga. Isa ito sa dalawang anak ng mag-asawang nagpapasuweldo sa kaniya.

Katatapos lamang niyang mamalantsa noon nang ang anak namang lalaki ng mga ito ang lumapit sa kaniya.

Advertisement

“Muchaha, labhan mo itong pang-basketball ko. Kailangang matuyo ʼyan agad dahil maglalaro pa ako,” utos din nito sa kaniya.

Napakamot siya sa ulo. “Naku, sir, katatapos ko lang pong mag-plantsa, e,” katuwiran niya. Baka kasi siyaʼy mapasma.

Ngunit biglang nag-init ang ulo ng lalaki at sinaktan siya nito!

Bukod sa pambubugb*og ay pinagsamantalahan din siya ng binata. Paulit-ulit! Tila hindi ito nagsasawa!

Hindi akalain ni Samantha na magagawa nito iyon sa kaniya kaya naman nagsumbong siya sa mga magulang nito. Ngunit imbes na pagsabihan ang anak ay ikinulong pa siya nito sa kanilang basement upang hindi siya makapagsumbong sa pulis!

Matagal na namalagi si Samantha sa naturang basement. Hinang-hina na siya noon ngunit nilalakasan lamang niya ang kaniyang loob. Mabuti na lamang at nakahanap siya ng paraan upang makatakas kaya naman siyaʼy nagtatakbo.

Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng pagtakas sa naturang subdivision nang harangin siya ng dalawang guwardiya.

“Oh, saan ka pupunta?” sita nito sa kaniya. Eksklusibo kasi ang subdibisyong iyon kaya mahigpit ang seguridad doon.

Advertisement

“Pakiusap po, mga kuya, pakawalan ninyo ako! Ginulpi ako ng mga amo koʼt ikinulong sa basement nang mahabang panahon. Ayaw ko nang bumalik doon, pakiusap!” Isiniwalat niya ang kalupitan ng kaniyang mga amo.

Mabuti na lamang at pinakawalan siya ng mga ito dahil sa awa.

Matagal na nagpalaboy-laboy si Samantha sa kalsada. Naghanap siya ng ibang trabaho upang makaipon ng pera.

Sa awa ng Diyos ay isang mabuting mag-asawa ang tumanggap kay Lourdes at nagbigay ng trabaho. Noong unaʼy ayaw niya sanang tanggapin dahil sa takot na baka maulit na naman ang nangyari ngunit nilakasan niya ang loob niya. Sinabi niya sa mga ito ang kaniyang mga pinagdaanan at labis na naawa ang mga ito sa kaniya.

Mayaman ang mag-asawa nang di hamak sa dati niyang mga amo. Dahil doon ay nagpasiya ang mga ito na tulungan siyang sampahan sila ng kaso hanggang sa makamit na niya ang hustisya.

“Maraming-maraming salamat po, maʼam, sir! Utang ko po sa inyo ang lahat,” humahagulhol noong ani Samantha matapos niyang mabalitaan ang kaniyang pagkapanalo. Nasa likod na ngayon ng rehas ang mga taong gumawa ng masama sa kaniya.

“Walang anuman iyon, hija. Ang totoo ay dinanas din iyan ng anak namin kaya siya nagpasyang kit*lin ang sarili niyang buhay. Wala kaming nagawa para sa kaniya, kaya kahit sa iyo man lamang ay may magawa kami,” pagsisiwalat naman nito sa kaniya.

Nag-iisa lamang pala ang anak nilang iyon kaya ganoon na lang ang kanilang pangungulila. Ngunit nang dumating siya sa buhay nilaʼy tila muling nabuhayan ang kanilang tahanan.

Advertisement

Dahil doon ay napagpasiyahan ng mag-asawa na ampunin na lamang si Samantha sa legal na paraan. Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Samantha sa Diyos!

Pinag-aral siya ng mga ito. Binihisan, pinakain at pinatira sa kanilang bahay. Ipinaramdam ng mga ito sa kaniya kung paano magmahal ang mga magulang.

Sa tindi ng pinagdaanan ni Samantha sa kamay ng mga unang amo, akala niyaʼy katapusan na ng kaniyang mundo. Ngunit may awa pa rin ang Diyos dahil dumating ang mga taong nagligtas sa kaniya at nag-ahon mula sa pagkalunod sa mga pagsubok ng buhay. Habang buhay niya iyong ipagpapasalamat sa Panginoon.