Inday TrendingInday Trending
Akala ng Babae ay Mabuting Ina ang Kaniyang Hipag; May Kababuyan Pala Itong Ginagawa sa mga Anak Nito

Akala ng Babae ay Mabuting Ina ang Kaniyang Hipag; May Kababuyan Pala Itong Ginagawa sa mga Anak Nito

Tatlong taon nang pumanaw ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Cecile dahil sa sakit sa puso. Kapag naaalala niya ito ay hindi pa rin niya maiwasan na malungkot at mapaluha. Dalawa lang kasi silang magkapatid at talagang close na close sila ng kuya niyang si Chad. Nang mag-asawa nga ito ay tutol pa siya dahil ayaw niyang magkahiwalay sila pero wala rin siyang nagawa, sadyang mahal ng kuya niya ang babaeng pinakasalan nito – si Esmi.

Nagkaroon ng dalawang anak na babae ang kapatid niya at ang misis nito: si Princess, siyam na taon at si Jewel, walong taon. Mahal na mahal niya ang mga pamangkin kaya nang mawala ang Kuya Chad niya ay ibinuhos niya ang lahat ng atensyon niya sa mga ito.

“Cecile, kapag dumaan dito sa bahay ‘yung mga pamangkin mo, tawagin mo ako rito sa kusina ha? Ibibigay ko sa kanila ‘yung mga bestida na binili ko sa palengke. Tiyak na matutuwa ang mga batang iyon,” bilin ng nanay niyang si Aling Onay. Isang kanto lang naman ang layo ng bahay nila sa bahay ng kuya niya at palaging dumadaan sa kanila ang mga pamangkin.

“Sige po, inay. Hindi ko pa naman natatanaw sa labas. Malamang ay inihatid na ni Ate Esmi sa eskwela ‘yung mga bata,” tugon niya.

Sa umaga ay tinutulungan ni Cecile ang nanay niya sa pagtitinda ng mga kakanin. Sa gabi naman ay nagtatrabaho siya bilang call center agent.

Nang araw na iyon ay nagtataka siya kung bakit hindi pa dumadaan sa kanila ang mga pamangkin niya, eh araw-araw na nagpapaalam ang mag-iina kapag papasok ang mga ito sa eskwela. Mula nang pumanaw ang Kuya Chad niya ay ang asawa nitong si Esmi na ang naghahatid-sundo sa mga bata. Noon kasi ay masipag ang kapatid sa paghahatid at sundo sa mga anak at ang misis nito ay tamad at puro pagpapaganda lang ang alam kaya nga inis siya rito dati at ayaw niya na ang babae ang makatuluyan ng kuya niya pero ngayon ay bigla itong nagbago at naging masipag na. Balita niya ay may trabaho na rin ito at malaki na ang kinikita.

“Inay, ano nga po ulit ang trabaho ni Ate Esmi? Napapansin ko po na asensado na siya ngayon dahil nung nakaraang linggo ay may bago siyang damit, sapatos at iPhone pa ang gamit na selpon. Binili rin niya ‘yung dalawang bata ng mga bagong laruan,” wika niya sa ina.

“Hindi ko alam, anak, eh. Ang sabi sa akin nung malapit na kaibigan ng ate mo, nag-o-online selling daw. Malakas daw kung kumita kaya nakakabili na ng kung anu-ano,” sagot ni Aling Onay.

“Kaya nga, eh, daig pa ako. Samantalang ako kahit graveyard shift na ay kulang na kulang pa rin ang kinikita ko,” sabi pa ni Cecile.

Nang sumunod na araw ay nagulat siya nang pumunta sa kanila ang hipag at ang dalawang pamangkin.

“O, bakit hindi kayo dumaan dito kahapon? Namiss tuloy namin ni inay ang mga batang ito,” aniya sabay yakap sa mga pamangkin. Napansin niya na parang matamlay ang mga ito at tahimik. “Eh, bakit nakabusangot ang mga mukha ninyo? Ang aga-aga, smile naman kayong dalawa,” saad pa niya.

“Pasensya na kayo, Cecile, kung hindi kami dumaan dito kahapon. Hindi kasi pumasok ang dalawang ‘yan dahil masama ang pakiramdam pero ngayon ay maayos na sila, nagkasinat lang naman. Pinainom ko na ng gamot kaya okey na sila ngayon. Medyo antok pa ang mga bata kasi hindi masyadong nakatulog kagabi,” nakangiting sabi ni Esmi.

“Ah ganoon ba? Dapat ay ipinaalam mo sa amin para nadalaw man lang namin ni inay ang mga bata sa inyo,” wika niya na hinaplos ang pisngi ng dalawang pamangkin.

“Naku, hindi ko na kayo inistorbo. Alam kong abala rin kayo, eh,” sagot ng babae.

“Basta huwag mong pababayaan na laging basa ang likod ng mga bata ha? Saka papainumin mo ng vitamins araw-araw,” sabi niya. “O, mga mahal kong pamangkin, eto na ang baon niyo at ipinabibigay nga pala ng lola niyo itong mga bestida na binili niya para sa inyo. Wala siya ngayon e, maaga siyang namalengke. Sige na, pasok na kayo sa school baka malate pa kayo,” saad pa niya. Akmang hahalikan niya si Princess nang mapansin na tila may chikinini doon.

“T-teka, ano ito?” nagtatakang tanong niya sa bata.

“Wala lang ‘yan, Cecile. Pantal lang ‘yan, alam mo naman ang mga pamangkin mo, kung saan-saan naglalaro kaya kinakagat ng mga insekto,” sabad ni Esmi na hinila ang braso ng anak palapit dito.

Hindi naman ganoon kakumbinsido si Cecile, ayaw niyang mag-isip ng masama pero parang kinukutuban siya.

“Sige na, Cecile, alis na kami, baka mahuli pa ang mga bata sa klase,” wika ng hipag niya nang hindi na siya nakapagsalita.

“P-pero, Ate Esmi, hindi mukhang pantal ang na leeg ni Princess, eh,” nag-aalala niyang sabi.

“Pantal lang iyon, kagat ng insekto,” madiing sabi ng babae na binigyan pa siya ng isang tingin na parang nagsasabing huwag siyang makialam.

Isang araw, sinamahan niya ang inang si Aling Onay sa pagsisimba. Pagkatapos ng misa ay naisipan nilang dumaan sa ukay-ukay para ibili ng pasalubong ang mga pamangkin niya. Hindi nila inasahan na makakasalubong nila doon ang kaibigang guro ng nanay niya na guro rin ng daalwang bata sa eskwela.

“O, Mareng Onay, kumusta ka na? Teka, ‘yung mga apo mo, kumusta na rin ba? Balak ko ngang puntahan ka sa bahay mo para itanong kung bakit isang buwan nang hindi pumapasok sa eskwela ang mga bata? Tinatawagan ko nga ‘yung nanay nila kaso hindi naman sumasagot, pati ‘yung bagong kinakasama niya na tumatayong ikalawang ama ng mga bata ay hindi ko rin makontak,” sabi ng babaeng guro.

Nagkatinginan sina Cecile at ang kaniyang ina.

“A-ano? Imposible dahil araw-araw na pumapasok ang mga apo ko, hinahatid pa nga sila ng manugang ko sa eskwela, eh. At sinong sinasabi mong kinakasama ng manugang ko? Eh, wala naman akong alam na bago niyang nobyo, wala siyang ipinapakilala sa amin,” gulat na sabi ni Aling Onay.

“Hindi niyo alam? Nung huling araw na nakita ko ang mga apo mo na palabas ng eskwelahan ay sinundo sila nung lalaking nagngangalang Douglas. Ang pakilala niya ay siya raw ang baging kinakasama ng nanay ng mga apo mo. Ang sabi pa niya ay parang tunay na anak na ang tingin niya sa mga bata,” hayag ng guro.

“Paano mangyayari yon, eh wala naman akong alam na bagong nanliligaw kay Ate Esmi?” naguguluhang tanong ni Cecile sa isip.

Sa mga nalaman ay maraming mga tanong na nais masagot ng mag-ina. Napagpasiyahan nilang umuwi na muna, kakausapin niya ang hipag mamaya. Dahil nabigla sa mga sinabi ng kaibigan guro ay medyo sumama ang pakiramdam ni Aling Onay kaya pinagpahinga muna ito ni Cecile sa bahay nila at siya na ang haharap sa Ate Esmi niya. Nang puntahan niya ito sa bahay ay walang tao roon, wala rin doon ang mga bata. Ipinagtaka rin niya na bukas ang ilaw sa loob at bukas pa ang pinto kaya napilitan na siyang pumasok.

“Ano ba itong si Ate Esmi, iniiwang bukas ang ilaw at pinto. Kung pasukin sila ng magnanakaw,” aniya sa isip.

Napansin niya ang laptop na nakapatong sa mesa, nakabukas ito. Pag-aari ng Ate Esmi niya ang laptop na iniregalo noon ng Kuya Chad niya. May kung anong bumulong sa kaniya para tingnan iyon. Nakita niya na may mga ka-chat ang hipag niya na mga lalaki, karamihan ay may edad at banyaga. Muntik na siyang himat*yin nang mabasa niya ang mga nakasulat sa chat. Napag-alaman niya na ibinebenta pala ng babae ang mga pamangkin niya sa mga lalaking kustomer para gawan ng kahal*y*n. Binabayaran ng malaking halaga ng mga ito ang hipag niya kapalit ng puri ng dalawa nitong anak. Hindi pala sa eskwela pumupunta ang hipag at mga pamangkin kundi sa motel kung saan ipinapagamit ang mga ito sa mga lalaking naghahanap ng aliw at ang gusto ay sariwang laman.

“Diyos ko!”

Hindi lang iyon ang natuklasan niya, nang kalkalin niya ang iba pang files sa laptop ay nanlaki ang mga mata niya dahil tumambad sa kaniya ang mga hub*d na litrato kaniyang mga pamangkin at mga video kung saan pinagsasamantal*han ang mga ito ng isang lalaking hindi pamilyar sa kaniya ang mukha, pero nangilabot siya nang marinig niya sa video na nagsalita ang pamangking si Jewel.

“Tama na po, Tito Douglas!”

Mahabaging langit! Ang tinutukoy ng kaibigang guro ng nanay niya na Douglas, ang bagong kinakasama ng hipag niya ay ang isa sa mga lumalapastangan sa pagkababae ng mga pamangkin niya. Totoo nga na may relasyon ang hipag niya at ang lalaki pero hinayaan lang nito na gawan ng kababuyan ang mga anak. Ang ginagawa pa ng Ate Esmi niya at ng kinakasama nito ay ibinebenta ang mga videong iyon sa mga banyagang kustomer kapalit ng mas malaking halaga. Kaya naman pala maraming pera ang magaling niyang hipag dahil ikinakalakal nito ang sariling mga anak. Napakawalanghiya, napakawalang kwentang ina!

Agad niyang ipinagtapat sa nanay niya at sa mga awtoridad ang kal*swaang ginagawa ng hipag. At nang umuwi ang babae sa bahay kasama ang mga anak…

“O, ayan ha, marami akong biniling laruan at kendi sa inyo. Huwag kayong magkakamali na magsumbong sa tita at lola niyo ha? Kundi ay malalagot kayo sa akin. Bukas ulit ay may pupuntahan tayo, may bago kayong kalaro at maging mabait kayo sa kaniya para malaki ang kitain ni mama, okey? Mamaya ay dadalaw dito ang Tito Douglas niyo at gagawa ulit kayo ng video, galingan niyo ang akting ha?” sabi ni Esmi habang papasok sa pinto, pero nanlaki ang mga mata niya nang bumulaga sa kaniya ang mga pulis sa loob ng bahay niya na kanina pa siya hinihintay.

“Tapos na ang pambababoy mo sa mga pamangkin ko! Hay*p ka! Mabubulok ka ngayon sa bilangguan, kayong dalawa ng lalaki mo!” galit na galit na sabi ni Cecile sa hipag.

Niyakap ni Cecile ang mga pamangkin na bigla na lamang naiyak.

“Sorry, hindi ko agad nalaman ang lahat. Hinding-hindi na niya kayo magagawan ng masama. Hindi na hahayaan ni tita na maulit ang mga nangyari,” paulit-ulit niyang sabi habang humahagulgol.

Agad namang pinosasan ng mga pulis si Esmi. Nagtangka pang magmakaawa ang babae pero tuloy ang reklamo nila rito. Dapat nitong pagbayaran ang mga ginawa. Nadakip din ng mga awtoridad si Douglas na muntik pang tumakas pero mabuti na lang at mabilis ang mga alagad ng batas kaya magkasamang maghihimas ng malaming na rehas ang many*k na lalaki at ang hipag niya.

Ginawa ni Cecile at Aling Onay ang lahat ng paraan para malakimutan ng mga pamangkin ang masalimuot na pinagdaanan. Ipinagpatuloy ng magkapatid na Princess at Jewel ang pag-aaral. Makalipas ang maraming taon ay nakapagtapos din ang mga ito sa kolehiyo at may kaniya-kaniya nang trabaho. Ang pamangking si Princess ay isa nang ganap na doktora at si Jewel naman ay isa nang abogado.

Labis na nagpapasalamat ang magkapatid sa tulong ng kanilang tiyahin at lola, kundi dahil sa mga ito ay hindi sila makakaalis sa impyerno sa piling ng sarili nilang ina.

Advertisement