Binalak na Itapon ng Ginang na ito ang Kaniyang Anak, Isang Litrato ang Nagbigay Leksyon sa Kaniya

Binalak na Itapon ng Ginang na ito ang Kaniyang Anak, Isang Litrato ang Nagbigay Leksyon sa Kaniya

HeartbreakingInspiringStories

“Jade, baka naman pwede mo akong tulungan na maghanap ng pupwedeng umampon dito sa anak ko. Hindi ko na kasi alam kung paano bubuhayin ‘to. Baon na ako sa utang dahil sa panganganak ko,” nakatungo’t mangiyakngiyak na sambit ni Frea sa kaibigan, isang buwan matapos niyang manganak. 

“Kung alam mo naman palang hindi mo kayamg buhayin ‘yan, bakit ka nagpabuntis? Tapos sa lalaki pang walang balak na pakasalanan ka o kahit tulungan ka man lang sa pagpapalaki niyan,” sermon nito sa kaniya habang nagpupuno ng tubig sa mga batchang nakalatag sa harapan ng bahay nito. 

“Hindi ko rin naman ginusto, aksidente lang naman ang pagkakabuo sa sanggol na ito,” depensa niya habang hinehele ang sanggol na umiiyak. 

“Ay, Diyos ko, Frea, nakita mo ‘to? Ang dami kong labahin, hindi ba? Kailangan ko itong tapusin bago pa magising ang anak ko, kaya wala akong panahon, pasensya ka na. Kung ako sa’yo, maghanap ka ng trabaho at palakihin mo ‘yang anak mo! Dapat panagutan mo ang responsibilidad mo sa kaniya, ikaw ang nanay niya, ikaw lang ang aasahan niyan! Sige na, umuwi na kayo, pasusuhin mo na ‘yan, iyak na nang iyak!” sambit nito sa kaniya dahilan upang agad na siyang umalis doon at tuluyang ibagsak ang luhang kanina niya pa pinipigil. 

Sa isang simpleng ampunan lumaki si Frea sa pangangalaga ng mga ginang na pumanaw dahil sa isang sunog na nangyari roon. Simula nang mawala ang mga ginang na iyon, siya na ang mag-isang nagtaguyod sa kaniyang sarili. Nagawa niyang magpagala-gala sa kalye upang makahanap ng makakain, matutulugan at makakasama pagkat siya’y labing limang taong gulang pa lamang noong mga panahong iyon. 

Nais man siyang ipaampon ulit sa iba ng mga nangangalaga sa ampunang pinanggalingan niya, siya’y tumakas sa kadahilanang bukod sa hindi pa niya pa matanggap na wala na ang mga sinilangan niyang mga tagapag-alaga, nais na niyang maging malaya. 

Sa lansangan niya nakilala ang lalaking nagpatibok sa kaniyang puso at nagbigay ng pag-asa sa kaniya. Kinupkop siya nito sa tinitirhan nitong barung-barong, pinakain at inalagaan dahilan upang tuluyang mahulog ang loob niya at pumayag na makipagsiping. 

Ngunit, pagkatapos nang pangyayaring iyon, hindi na niya ito nakita. Nag-iwan lang ito ng sampung libong piso at isang sulat sa kanilang lamesa na nagsasabing, “Sa’yo na ang bahay na ito at gamitin mo ang pera sa pangkain mo. Kalimutan mo na ako, pasensiya ka na,” dahilan upang labis na gumuho ang kaniyang mundo. 

Dalawang buwan lang ang nakalipas, nalaman na niyang siya’y nagdadalang tao at imbis na lalong panghinaan ng loob, napag-isip-isip niyang magtinda gamit ang iniwang pera ng lalaking iyon na naging dahilan upang siya’y makaipon nang maliit na halaga upang maipandagdag sa kaniyang panganganak. 

Sa kabutihang palad, matagumpay nga siyang nakapagsilang ngunit isang buwan pa lamang ang nakalilipas, wala na siyang pangbili ng sariling pagkain dahilan upang maisip niyang ipaampon na lang ang bata. 

Noong araw na ‘yon, nang siya’y hindi tulungan ng kaibigan, nagdesisyon siyang ibalot na lang ang kaniyang anak sa tuwalya at itapon sa ilog. ‘Ika niya, “Mas mahihirapan ka lang, anak, kapag ako ang bubuhay sa’yo. Mas maigi pang ngayon pa lang, matapos na ang paghihirap mo.” 

Ngunit, bago pa man siya makalabas ng kanilang bahay, umagaw ng atensyon niya ang tanging litratong nasalba niya mula sa sunog na nangyari sa kinalakihan niyang ampunan. 

Nakita niya roon ang ginang na pinaka nag-alaga sa kaniya, tila nasa isang barung-barong din ito at payat-payat katulad niya, butas-butas ang suot na damit nito at tanging siya lamang ang maayos ang itsura dahilan upang umagos ang kaniyang luha. 

Ibinaliktad niya ang litratong ito at binasa niya ang mga katagang isinulat ng naturang ginang, “Frea, anak, huwag kang mabibigla sa hirap ng buhay, binigay ‘yan sa’yo upang labanan, hindi para sukuan,” dahilan upang lalo siyang mapahagulgol at isipin ang sitwasyong kinabibilangan niya ngayon.

Agad niyang niyakap ang kaniyang anak na tahimik lamang na natutulog habang balot na ng tuwalya ang katawan. 

“Pasensiya na anak, pasensiya na,” tanging sambit niya habang mahigpit na yakap ang anak. 

Simula noong araw na ‘yon, ginawa niya ang lahat upang mapalaki nang maayos ang anak. Kung kani-kanino siya muling lumapit upang makihiram ng pera na pinangpuhunan niya sa pagtitinda ng pares na hindi kalaunan, naging tulay upang siya’y unti-unting makabayad sa lahat ng kaniyang utang at matugunan lahat ng pangangailangan ng kaniyang anak. 

More Stories