Inday TrendingInday Trending
Nagalit ang Ginang na Ito nang Singilin ng Kumare, Naiyak Siya nang Malaman ang Dahilan Nito

Nagalit ang Ginang na Ito nang Singilin ng Kumare, Naiyak Siya nang Malaman ang Dahilan Nito

“Hello, mars, napatawag ka?” tanong ni Kira sa kaibigan, isang gabi nang tawagan siya nito nang biglaan.

“Ah, eh, gusto ko lang sana may makausap, mars,” malungkot na sagot ni Hansel.

“Naku, bakit naman? May problema ka ba? Anong maitutulong ko?” tanong pa nito sa kaniya.

“Meron, eh, ‘yong asawa ko, hanggang ngayon, wala pang trabaho. Isang linggo na kaming isang kahid, isang tuka. Nakakain lang kaming mag-iina kapag may nagpapalinis sa akin ng kuko o kung may nagpapalabada. Hindi na nga nakain ang asawa ko, eh, para lang may makain kami,” tugon niya saka nagsimula nang umiyak.

“Naghahanap ba siya ng trabaho?” pang-uusisa nito.

“Paano makakapaghanap, eh, wala naman kaming pera pangpamasahe niya at paggawa ng mga requirements niya. Kaya nga tumawag ako sa’yo, kinapalan ko na mukha ko para humingi ng tulong sa’yo. Kahit pautangin mo na lang ako, babayaran ko, pangako. Sampung libong piso lang, mars,” depensa niya sa pagitan ng kaniyang mga paghikbi.

“O, sige, walang problema, basta kapag nagkatrabaho na ang mister mo, bayaran mo ako kaagad, ha? Papadala ako riyan bukas, huwag ka na umiyak,” sambit nito dahilan upang lalo siyang maiyak.

“Salamat! Biyaya ka ng Diyos!” sigaw niya sa tuwa, mayamaya pa, nagpaalam na ito at binaba ang tawag.

Ilang linggo nang walang maipakain sa mga anak ang ginang na si Hansel. Kung hindi pa siya maglilinis ng kuko nang kung sino-sino o tatanggap ng labada, wala na silang kakaining mag-iina. Pakiusapan man niyang maghanap ng trabaho ang kaniyang asawa, palaging sinasabi nito, “Wala nga tayong pera, eh, paano ako hahanap ng trabaho, ha? Kahit pang pa-photocopy nga ng mga dokumento, wala tayo!” dahilan upang lalo siyang makaramdam ng lungkot at awa sa mga anak na araw-araw dumadaing ng gutom.

May trabaho naman talaga ang kaniyang asawa. Sa katunayan pa nga, malaki-laki ang sinasahod nito sa pagiging room attendant sa isang sikat na hotel sa Maynila, ngunit dahil sa pagiging malikot ng kamay nito, ito’y natanggal at nasampahan pa ng kaso.

Doon na sila nagsimulang magipit sa buhay at halos araw-araw, siya na lang ang gumagawa ng paraan upang may maipalamang tiyan ang kaniyang mga anak.

Mabuti na lang talaga, mabait talaga ang kaniyang matalik na kaibigang nasa abroad at agad siyang pinadalhan ng pera kinabukasan. Ginamit niya ang perang pinautang nito upang makapaghanap muli ng trabaho ang kaniyang asawa habang ang perang natira, ipinagbili niya ng pagkain ng kaniyang mga anak.

Sa kabutihang palad, tila sinuwerte ang kaniyang asawa at agad na natanggap sa isang hotel sa Maynila. Hindi man ito kasing sikat katulad noong unang pinagtatrababuhan nito, masaya na rin siya dahil kampante na siyang may makakain ang kaniyang mga anak.

Nagtuloy-tuloy ang kanilang swerte hanggang sa tuluyan na silang umasenso sa buhay. Nabalitaan ito ng kaniyang kaibigan dahilan upang siya’y singilin nito na labis niyang ikinainis.

Sabi niya pa rito, “Barya lang naman pata sa’yo ‘yong inutang ko, hindi ka pa makatulog! May asawa ka namang foreigner at may negosyo, pati ako, sisingilin mo pa!” dahilan upang agad siyang magpadala ng pera at kamuhian ito.

Ilang buwan lang ang nakalipas simula nang kagalitan niya ang kaibigan, biglang kumalat sa social media ang litrato nito at ganoon na lang siya napaiyak at nakonsensya nang malamang ito’y sinasaktan pala ng makakasama at inaalila ng mga anak nito at ang perang pinautang pala sa kaniya ay ang tanging ipon nito.

Agad niya itong tinawagan at nagulat siya nang makitang puro pasa na ito sa mukha.

“Pupwede mo ba akong tulungang makauwi sa Pilipinas?” nakangiting tanong nito habang pinipigil ang iyak dahilan upang mapaiyak na lang siya at ganoong humingi ng tawad.

Upang makabawi, ginawa niya ang lahat upang mapauwi sa bansa ang kaibigan niya. Humingi siya ng tulong sa gobyerno at inilahad ang kwento nito.

Sa awa ng Diyos, pagkalipas ng isang linggo, tuluyan na itong nakauwi ng bansa na labis niyang ikinatuwa.

Doon niya napagtantong hindi lahat ng nasa ibang bansa, nakatatamasa ng magandang buhay. Dahil ang iba, nagtitiis sa sakit may makain lamang.

Simula noon, tinulungan niyang magsimula muli ang kaibigan niyang ito sa tulong ng kaniyang asawa. Mahirap man dahil hindi rin kalakihan ang sahod ng kaniyang asawa, maraming raket silang pinasukan kagaya ng pagtatabas ng damo, paglalabada at pagbabantay sa tindahan sa palengke.

Advertisement