Inday TrendingInday Trending
Pagrerebeldeng Nauwi sa Matinding Karamdaman

Pagrerebeldeng Nauwi sa Matinding Karamdaman

“Lumayas ka na dito! Wala ka talagang kwentang anak! Kaya ganiyan ka kamangmang dahil ayaw mong mag-aral! Kita mo kukuha ka na lang ng pera sa bangko hindi mo pa alam kung paano? Tapos kahapon bibili ka na lang ng ulam mali pa ‘yung sukli. Kulang ng dalawang daan? Akala mo ba pinupulot lang namin ng tatay mo ang perang pinanggagastos natin? Nakakapag-init ka ng ulo!” sermon ni Jona sa anak na binata habang tinutuktukan ito sa ulo.

Wala namang magawa si Johan kung ‘di tanggapin ang lahat ng sakit at talsik ng mga laway ng ina.

Dating OFW si Jona at isa namang businessman sa Pinas ang kaniyang asawa. Masagana naman talaga ang buhay nila noon ngunit nang magkasakit ang kanilang anak lahat ng ipon nila ay napunta sa pagpapagamot nito. Naoperahan ito at tila masyadong dinamdam ng ale ang pagbagsak nila dahilan upang malayo ang loob niya sa anak. Palagi niyang sinisisi ang anak sa paghihirap nila ngayon.

Sa katunayan nga ay mas malapit pa ang loob ng binatang si Johan sa kaniyang mga tropa kaysa sa kaniyang mga magulang.

“Hoy! Ano, pre, sama ka na sa amin? Halatang problemado ka na naman, eh. Mukhang nasermonan ka na naman ng ina mong mukhang pera. Halika na. Dali. Doon tayo sa bahay ni Jomar! May inuman doon ngayon. Balita ko maraming mga babae doon ngayon!” yaya ni Lester, isa sa mga tropa ng binata.

“Mawawala ba ang mga masasakit na salitang sinabi sa akin ng nanay ko kapag sumama ako sa inyo?” tanong ni Johan habang nakatulala siya sa kaniyang pananghalian. “Aba, oo, naman! Mararamdaman mo pa kung gaano kasarap sa langit! Halika na, dalian mo. Para sa ating mga poging binata hindi tayo dapat nagmumukmok! Party kung party!” sambit pa ni Lester. Napangiti si Johan sa sinabi ng kaibigan.

“Marami bang chikas doon? Magaganda naman ba?” pag-uusisa pa ni Johan. Napapabungisngis naman ang kaniyang kaibigan.

“Siyempre! Hindi ako pupunta kung wala! Dalian mo na kasi baka maubusan pa tayo!” pagmamadali ni Lester. Tumayo naman si Johan tsaka nagbihis. Mayamaya pa ay umalis na ang dalawa at nagtungo sa bahay ng kaibigan.

Doon nadatnan nila ang hindi mabilang na kabataan. Nag-iinuman, nagsasayawan, ang iba’y naglalandian at mayroon pang mga kabataan sa isang sulok na tila gumagamit ng pinagbabawal na mga gamot.

“Let’s get high!” sigaw ni Jomar, ang may-ari ng bahay. Naghiyawan naman ang mga kabataan at nagsimulang magwala nang magpatugtog na ang DJ.

“Saglit, pre. Dito ka lang, ha. Kukuha lang ako ng chicks ko,” paalam ni Lester. Tumango lang si Johan at kumuha ng alak na maiinom. “Ihanap mo rin ako, ha!” pahabol na sigaw ng binata.

Mayamaya pa ay bumalik na si Lester. May dala-dala na itong mga naggagandahang dilag. Ang isa ay agad nakipag-inuman kay Johan. Niyaya pa siya nitong sumayaw at tumikim ng ipinagbabawal na gamot. Wala naman siyang magawa kung ‘di ang sumakay sa mga naisin ng dalaga.

Hindi nagtagal ay tila tinamaan na ang binata. Nahihilo na ito at naramdaman niya na lamang na nakahiga na siya sa isang malambot na kama. Mayamaya ay nakita niya ang hubad na katauhan ng dalaga.

Noong una ay nagulat si Johan dahil lalaki pala ang tunay na pagkatao nito. Pero sa bandang huli ay nakumbinsi din niya ang kaniyang sarili. “Laman tiyan rin ‘to. Mapapaligaya rin naman ako nito. Maaalis rin sa isip ko ang sakit na idinulot ng nanay ko,” bulong ni Johan sa sarili tsaka niya hiyaang may mangyari sa kanila ng binabae.

Lumipas ang mga araw at tila may ibang nararamdaman sa kaniyang katawan si Johan. Ipinagbigay alam niya ito sa kaniyang mga magulang ngunit kinagalitan lang siya ng kaniyang ina kaya naman napagdesisyunan niyang magpakonsulta na lang ng mag-isa.

Doon niya nalaman na positibo siya sa sakit na HIV. Napasahan siya ng binabaeng nakasiping niya. Parang dinurog ang puso niya nang malaman ang sakit niya.

Umuwi siya sa kanila na magang-maga ang mata. Nakita niyang naghuhugas ng pinggan ang nanay niya at niyakap niya ito patalikod.

“Ma, may HIV po ako.” tipid na sambit ni Johan tsaka siya nag-iiyak sa likuran ng ginang. Bahagya naman nitong nabitawan ang hawak na pinggan.

Buong akala ng binata ay papagalitan siya ng ina ngunit nagulat siya nang humarap ito sa kaniya at tsaka siya nito niyakap. Umiiyak na rin ito habang niyayakap siya nang mahigpit. “Kasalanan ko ang lahat ‘to. Hayaan mo akong bumawi sa’yo. Ipapagamot ka namin ng tatay mo.” iyak ni Jona.

Pinagamot si Johan ng kaniyang mga magulang. Hindi man lubusang mawawala ang sakit sa kaniyang katawan ay labis na pagmamahal at pagkalinga naman ang kaniya nararamdaman ngayon na talagang nakakatulong para lumakas ang loob niya na labanan ang sakit.

Kahit ano ang mangyari sa ating buhay uuwi at uuwi pa rin tayo sa mga taong tunay na nagpapahalaga sa atin. Magkaroon man ng lamat ang inyong relasyon asahan mong dadalhin ka pa rin ng tadhana pauwi sa kanilang mga bisig.

Advertisement