
Tinanggihan ng Isang Ginang ang Paanyayang Maging Ninang; Makalipas ang Panahon ay Pagsisisihan Niya Ito
“Boyet, hindi ko akalain na mahirap din pala ang mamili ng mga ninong at ninang, ano? Napakarami kasi nating mga kaibigan. Kaso hindi naman pwedeng lahat sila ay maging ninong at ninang nitong anak nating si Via,” saad ni Mona sa kaniyang asawa.
“Kaya nga, e. Pero pumili ka ng mga alam mong magiging pangalawang magulang para ating anak. Ano man ang estado nila sa buhay ay hindi mahalaga basta alam nating may pagtingin sila sa ating mga anak,” tugon naman ng mister.
“Sige, kukuhain ko ang dati nating mga kaklase. Para na rin hindi maputol ang ating pagkakaibigan, hindi ba?” suwestiyon ng ginang.
“Ilista mo na lahat para nang sa gayon ay matanong na natin sila at maiayos na rin ang mga kailangan sa simbahan,” wika pa ni Boyet.
Magtatatlong buwan pa lamang anak nina Boyet at Via. Simple man ang kanilang pamumuhay ay nais ng mag-asawa na mapabinyagan ang kanilang anak. Mahalaga kasi ito para sa kanila. Kaya ganoon na lamang ang paghahanda ng ginagawa ng mga ito upang kahit paano ay maayos naman ang kanilang maging pagdiriwang.
Nang makapili na ang mag-asawa ng kanilang mga gagawing ninong at ninang para sa kanilang anak ay isa-isa na nila itong sinabihan. Marami sa mga ito ay malugod na tinanggap ang paanyaya ng mag-asawa. Labis ang tuwa ng iba dahil magiging daan pa daw ito para magpatuloy ang koneksyon sa pagitan ng mga magkakaklase at magkakaibigan.
Ngunit tanging si Lisa, dating kaklase at ngayon ay isang negosyante na ang umalma sa paanyayang ito ng mag-asawa.
“Hindi naman ito sapilitan, Lisa. Kaya ka nga namin tinatanong kung ayos lang ba sa’yo? Naisip ko kasi, malapit tayo noong hayskul. At magiging masaya ako kung papayag kang maging ninang ng anak namin ni Boyet,” sambit ni Mona kay Lisa.
“Pag-iisipan ko muna, Lisa. Sinu-sino pa ba ang mga kinuha mo sa binyag? Halos lahat ba ay kaklase natin?” tugon ng ginang.
“Oo, lagi kasi naming iniisip ni Boyet para hindi maputol ang pagkakaibigan nating lahat. Sige, pag-isipan mo muna. Sabihan mo ako kaagad ha. Dalawang linggo mula ngayon ang napili naming petsa. Simple lang naman ang handaan. Ang gusto lang kasi namin talaga ni Boyet ay mapabinyagan na si baby,” dagdag pa ni Mona.
Ilang araw ang nakalipas ay wala pa ring tugon ang mag-asawa mula kay Lisa. Ang sabi nito ay pinag-iisipan pa raw niya.
“Ayos lang naman sa akin kung ayaw mo, Lisa. pwede mo naman itong sabihin kaagad sa akin. Kailangan ko na kasing malaman dahil ipapalista ko ito sa simbahan. Para maayos na rin namin ang mga kinakailangan doon,” paliwanag ni Mona.
“Alam mo sa totoo lang, Mona, ayoko talagang maging ninang ng anak mo. Napipilitan lang talaga ako. Alam ko naman kasi na kinukuha mo lang ako na ninang dahil sa estado ng buhay ko ngayon. Sa tingin mo ba ay malaki ang ibibigay kong pakimkim kaya ako ang kinukuha mong ninang?” deretsang sambit ni Lisa.
“Ang sakit naman ng mga sinasabi mo, Lisa. Hindi totoo ang mga ‘yan. Gusto lang talaga naming mag-asawa na kuhain kang ninang dahil magkakaibigan tayo noong hayskul. Kung ayaw mo naman ay maaari kang tumanggi,” saad naman ni Mona.
“Tatanggi ako at ako pa ang magiging masama sa mata ng tao? Naku, Mona, sana kasi ay pinag-isipan mo muna ito kaagad. Maaaring malapit nga tayo noong hayskul ngunit iba na ngayon. Tingnan mo nga at iba na ang mundong ginagalawan natin. Pwede mo namang aminin na lang sa akin ang tunay mong pakay,” muling sambit ni Lisa.
“Hindi kita maunawaan. Buong akala ko nga ay malapit tayo ng hayskul kaya hanggang ngayon ay kaibigan pa rin ang turing mo sa akin. Ni hindi nga kami nanghihingi ng kahit anong regalo. Maluwag sa puso namin kung ano ang maibibigay ninyo para sa aming anak. Dahil ang kailangan naman namin ay ang patnubay niyo bilang susunod na magulang kay Via.
Kung ayaw mo ay salamat na lamang. Maaari mo naman itong tanggihan nang maayos. Hndi iyong mananakit ka pa ng damdamin sa mga sinasabi mo,” mariing sambit ni Mona.
Mula noon ay hindi na nagparamdam pa si Mona kay Lisa. Labis kasing sumama ang kaniyang loob sa mga sinabi ng dating kaklase at kaibigan.
Lumipas ang mga araw at tuluyang bininyagan ang sanggol na si Via. Masaya itong nairaos sa piling ng mga malalapit na mag-anak at kaibigan. Kahit simple ang handaan ay ramdam ng lahat ang pagmamahal ng mga napiling ninong at ninang sa kanilang bagong inaanak.
Ngunit hindi pa rin maiwasan ni Mona ang maalala ang ginawa sa kaniya ni Lisa. Ngunit tanging sa kaniyang asawa lamang na si Boyet niya inilalahad ang lahat ng sama ng loob.
“Pabayan mo na siya, Lisa. Alam mo naman sa sarili mo na hindi totoo ang kaniyang mga sinasabi,” wika ni Boyet.
“Napakasakit kasing isipin na dahil lamang sa antas ng pamumuhay natin ay kailangan tayong pag-isipan ng gano’n. At isa pa, bilang nanay ni Via ay hindi ko maiwasan na makaramdaman ng lungkot dahil may taong tinanggihan siya,” paglalahad ni Mona.
“Tingnan mo na lamang ang lahat ng taong nagmamahal sa atin at sa ating anak. Walang makakapantay sa lahat ng iyon. Hayaan mo na iyang si Lisa. Talagang hindi mo maiiwasan na nagbabago ang tao dahil sa pera,” sambit muli ng mister.
Lumipas ang maraming taon at nagdalaga na nang tuluyan ang anak ng mag-asawa na si Via.
Dahil sa talento nito at angking ganda ay may nakadiskubre sa kaniya at inalok ito na maging isang modelo.
At dahil magaling din siyang umawit at umarte ay tuluyan na rin nitong pinasok ang pag-aartista.
Samantala, unti-unti namang lumulubog ang negosyo ni Lisa. Hirap na hirap na siya sa pag-iisip kung paanong muling makakabangon muli sa pagkakalugi.
Hanggang sa hindi siya makapaniwala nang makita sa telebisyon ang anak nina Boyet at Lisa. Sikat na sikat na ito at talaga namang pinagkakaguluhan. Sa puntong ito ay naisip niyang maaari siyang tulungan ng mga ito upang iendorso ni Via ang kaniyang naluluging negosyo.
Nagpaigting pa ng kaniyang pagnanais na hingan ng tulong ang mag-asawa ng mapabalitaang tumutulong si Via sa mga negosyo ng kaniyang mga ninong at ninang.
Agad niyang pinuntahan ang mag-asawa na ngayon ay maganda na ang buhay at nakatira na sa eksklusibong subdivision.
“Patawad sa lahat ng nasabi ko sa iyo noon, Mona. Hindi ko naman talaga balak na masaktan ka. Bilang maglapait naman tayo noong hayskul ay maaari ba nating kalimutan na ang mga nangyari?” saad ni Lisa sa ginang.
“Inaanak ko pa rin naman si Via, ‘di ba? Hindi mo naman ako binura sa listahan?” dagdag pa ng ginang.
“Pasensiya ka na, Lisa. Hindi ko kasi binilang ang pangalan mo dahil sa totoo lamang ay ayokong magkaroon ang anak ko ng tatayong pangalawang magulang na hindi tamang mag-isip sa kaniyang kapwa.
Batid ko naman ang tunay na dahilan mo kaya narito ka. Para hingan ng tulong ang anak ko para sa nalulugi mong negosyo. Tinanggihan mo na nga siya noon ay gagamitin mo pa siya ngayon para sa sarili mong kabutihan. Sana lang ay magkaroon ka ng kahit kaunting delikadesa,” hindi na napigilan pa ni Mona ang kaniyang sarili.
“Pasensiya ka na, Lisa. Pero hindi ka ninang ng anak ko at hindi niya magagawang tulungan ang isang taong kagaya mo na manggagamit lamang. Kaya makakaalis ka na. Nais ko sana itong sabihin sa iyo sa maayos na paraan ngunit hindi ko alam kung paano,” dagdag pa ni Mona.
Napahiya ng husto si Lisa sa ginawang ito ni Mona. Hindi niya inakala na naging palaban na rin pala ito. Labis naman ang kaniyang pagsisisi dahil sa pagtanggi niyang maging isang ninang ng bata.
Lahat ng masasakit na sinabi noon ni Lisa laban kay Mona ay bumalik din sa kaniya. Ang mas masakit lamang ay totoo ang mga sinasabi ni Mona tungkol sa kaniya.

Laging “Twinning” ang Mag-ina Subalit Habang Lumalaki ang Anak, Napansin Niyang Naiilang na Ito sa Kaniya; Ano Kayang Pinagdaraanan Nito?
