
Nagbenta ng Katawan ang Babae para Mabigyan ng Magandang Buhay ang Pamilya; Malagim na Kapalaran ang Sinapit Niya
“Devine, hindi ka pa ba tapos d’yan? Inaantay ka na ng kustomer mo!”
“Heto na, lalabas na! Tinatapos ko lang itong pagme-make up ko!” sabi ni Devine sa kasamang si Lory saka nakangiting humarap sa lalaking kustomer na kanina pa naghihintay sa kaniya. Umupo siya sa tabi nito, nakipagkuwentuhan at pagkalipas ng ilang oras ay sumama siya sa lalaki para paligayahin ito at ibenta ang sarili.
Ganoon ang araw-araw na gawain ni Devine, ang magbenta ng katawan para kumita ng malaking pera. Hindi niya kagustuhan ang trabahong pinasukan niya. Inakala niya kasi noon na ang inaplayang trabaho ay pagiging waitress ngunit niloko lang pala siya ng recruiter kaya nasadlak siya sa maruming trabahong iyon. Wala na siyang nagawa at pikit mata na lamang niyang tinanggap ang kapalaran para maiahon ang pamilya sa hirap, para mabigyan ang mga ito ng magandang buhay.
“Ma, kailan ka po uuwi rito sa atin? Miss na miss ka na namin lalo na si papa,” wika ng bunso niyang anak habang kausap siya sa cell phone.
“Miss ko na rin kayo, anak. Miss ko na rin ang papa ninyo!” mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Biglang ipinasa ng anak sa kaniyang asawa ang cell phone.
“Hello, Devine, kumusta ka na d’yan sa Maynila? May magandang balita ako sa iyo, natanggap ako sa inaplayan kong trabaho kaya hindi mo na kailangang magtrabaho riyan. Umuwi ka na rito sa atin. Miss na miss ka na namin ng mga anak mo, mahal ko,” naglalambing na sabi ng asawa niyang si Erick.
Mas lalong napahagulgol ng iyak si Devine. Hindi siya nagpahalata at pinigilan ang paghikbi.
“Huwag kayong mag-alala, uuwi na rin ako d’yan. Sapat na ang naipon ko para sa inyo. Bago matapos ang buwan ay makakauwi na ako. Malapit na tayong magkasama-sama. Tandaan ninyo, mahal na mahal ko kayo, ikaw at ang ating mga anak.”
Nangangamba si Devine na baka malaman ng pamilya niya kung anong trabaho ang mayroon siya sa Maynila kaya nagdesisyon siya na huminto na sa pagtatrabaho sa club. Nakaipon na rin siya sa tatlong taong pagbebenta ng katawan sa mga parokyano. Sapat na iyon para bumalik na siya sa mga mahal niya sa buhay.
Masayang naggagayak ng mga gamit si Devine. Excited na siyang makauwi sa Tarlac. Maayos siyang nagpaalam sa mga kasama niya sa club. Sumakay siya sa taxi papuntang terminal ng bus. Nang bumaba siya sa bus ay sumakay naman sa traysikel si Devine papunta sa kanilang bayan.
Sumapit ang alas-otso nang gabi ngunit hindi pa rin dumarating si Devine. Ang huling text nito sa asawang si Erick ay alas-nuwebe pa nang umaga. Kanina pa ito tinatawagan ni Erick sa cell phone, pero hindi sumasagot. Nag-aalala na ang lalaki kung bakit hindi pa rin umuuwi ang kaniyang misis.
“Ano na kaya ang nangyari kay Devine? Bakit hangang ngayon ay wala pa rin siya?” bulong ni Erick sa sarili na nakakaramdam na ng kaba.
Lumipas ang magdamag ngunit hindi dumating si Devine. Dahil sa sobrang pag-aalala ni Erick sa asawa ay humingi na siya ng tulong sa pulisya. ‘Di nagtagal ay may nabalitaan sila na may natagpuang b*ngkay ng isang babae sa isang masukal na talahiban. Agad nilang pinuntahan ang lugar at laking gulat niya nang makita ang walang buhay na babae.
“D-Devine? Devine, asawa ko ‘yan! Devine, sino ang gumawa sa iyo nito?!” hagulgol ni Erick nang makilala ang asawa.
Parang isang bangungot para kay Erick at sa kanilang tatlong anak ang nangyari. Umiyak nang umiyak ang mga bata nang malaman ang pagpanaw ni Devine. Hirap na hirap pa rin silang tanggapin ang pagkawala nito. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Erick na makikita nila ang asawa na isang malamig na b*ngkay. Ang pangarap niya na mabuo ang kanilang pamilya ay bigla na lamang naglaho.
‘Di nagtagal ay sumuko na rin ang salarin sa pagpasl*ng kay Devine. Nakunsensiya ito sa ginawang kasalanan. Ang salarin ay ang drayber ng traysikel na sinakyan ni Devine. Ikinuwento nito ang buong pangyayari.
Ang nangyari kay Devine
Napansin ni Devine na biglang inihinto ng drayber ang traysikel sa masukal na talahiban. Napansin ng babae na liblib iyon at walang mga sasakyan na dumadaan.
“Ma, bakit mo ako dinala rito?”
“Sorry, miss, type kasi kita, eh, kaya dito kita dinala. Huwag kang mag-alala, dadalhin kita sa langit,” tatawa-tawang sabi ng lalaki.
Dahil sa matinding takot ay nagtangkang tumakas si Devine ngunit mabilis at malakas ang lalaki at nahablot nito ang braso niya. Kinaladkad siya ng lalaki sa mas masukal na parte ng talahiban at doon ay walang awa siyang pinagsamantalahan nito. Pagkatapos na pagsawaan ang kaniyang katawan ay may inilabas itong patalim.
“Nagmamakaawa ako sa iyo, huwag mo akong sasaktan, may asawa ako’t mga anak. Pakiusap, huwag!” pagmamakaawa ni Devine.
“Pasensiya na, miss, pero nakilala mo na ko eh. Mabuti na ang nag-iingat,” wika ng lalaki at pakatapos ay paulit-ulit nitong ginamit ang patalim kay Devine hanggang sa mawalan na ito ng buhay.
Basta na lamang iniwan ng salarin ang katawan ni Devine sa talahiban at nagmamadaling umalis. Wala naman itong kinuhang kahit anong gamit sa biktima. Iniwan din ng lalaki sa lugar ang mga bagahe ng babae.
Hinatulan na makulong habambuhay ang lalaki. Nagpapasalamat si Erick sa nangyari dahil nakamit na ng kaniyang asawa ang hustisya ngunit isang bisita ang ‘di niya inaasahang pumunta sa burol ni Devine, ang kasama nito sa club at malapit ding kaibigan na si Lory. Kinausap siya ng babae at hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat nito.
“Patawarin mo si Devine, sa nagawa niya, Erick. Nagtiis siya sa trabahong iyon para mabigyan kayo ng magandang buhay at natupad naman ang kaniyang pangarap. Narito ako para ipaalam sa iyo na may iniwan siyang malaking halaga ng pera sa bangko para sa iyo at para sa tatlo ninyong anak. Nakapagpundar din siya ng bahay at lupa at negosyo sa Maynila. Nakakuha rin siya ng scholarship para sa inyong mga anak. Lahat ng iyan ay ipinagkatiwala niya sa akin dahil kung anuman daw ang mangyari sa kaniya, gusto niya na maayos na ang buhay ng pamilya niya. Lahat ng iyan ay tatlong taon niyang pinag-ipunan at pinaghandaan. Ngayon, saan man siya naroroon, alam kong masaya na siya dahil natupad na niya ang pangarap niya para sa inyong mag-aama. Mahal na mahal kayo ni Devine,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Lory.
Imbes na magalit ay naawa si Erick sa naging buhay ng kaniyang asawa sa Maynila. Nagsisisi siya kung bakit niya pa ito pinayagang umalis noon, sana ay buhay pa rin ito at kasama pa nila ng mga anak nila. Napagtanto niya na lahat ay gagawin ni Devine para sa kanila. Dahil sa nalaman ay mas lalong minahal ni Erick ang namayapang asawa. Malungkot man siya sa naging kapalaran nito ay mas pinili ni Erick na ipagpatuloy ang buhay kasama ang kanilang mga anak. Para sa kanila, sa isip at sa puso ay kasama pa rin nila si Devine.