“Kahit ba naman dito sa mundo ng advertising ay hindi ako tinatantanan niyang si Donna!” wika ni Annie sa kaniyang kaibigang si Sandy nang malaman niyang si Donna pala ang nagkonsepto ng isang patalastas na hihiranging Advertising of the Year.
“Matunog na ang pangalan ni Donna ngayon. Sa pagkakaalam ko nga ay maraming kilalang kompaniya na ang nag-aagawan para lang makuha siya sa mga proyekto nila,” tugon naman ni Sandy sa kaibigan. “Wala tayong magagawa, Annie. Talagang magaling ‘yang si Donna, eh,” dagdag pa ng dalaga.
Lubusan ang inis nitong si Annie sa kaniyang kababatang si Donna sapagkat noon pa man ay kahit gaano niya subukan ay hindi niya mahigitan ang galing nito.
Kilala noon si Donna sa kanilang paaralan sapagkat palagi itong nagkakamit ng unang karangalan. Lagi rin itong nananalo sa mga patimpalak sapagkat bukod sa mahusay itong umawit ay hindi maitatanggi ang taglay nitong kagandahan. Marami rin ang nagkakagusto kay Donna ngunit kahit kailan ay hindi pa ito pumasok sa isang relasyon sapagkat mataas ang mga pangarap ng dalaga.
Nang mag-kolehiyo ang dalawa ay muli silang naging magkaklase at tulad ng dati ay hindi pa rin maungusan ni Annie si Donna. Kaya laking gulat na lamang niya na maging sa kanilang trabaho ay nakabuntot pa rin pala sa kaniya ang pangalan ng kababata.
“Matatapos din ang suwerte niyang si Donna. Makikita niya. Gagawin ko ang lahat para mawala sa daan ko ‘yang bwisit na babaeng ‘yan,” nayayamot na sambit ni Annie.
“Huwag ka nang magalit diyan! Papangit ka, girl! Tumingin ka na lang sa banda doon para magbago ‘yang nararamdaman mo,” saad naman ni Sandy.
Lumingon naman si Annie sa itinuturo ng kaniyang kaibigan at nakita nga niya ang kaniyang kasamahan na si Andrew na tila may hinihintay.
Matagal nang may pagtingin si Annie sa binata. Matagal na rin siyang nagpapapansin dito ngunit wala itong epekto kay Andrew. Nang tinangka niya itong lapitan ay napalitan na naman ng inis ang nararamdaman ng dalaga sapagkat si Donna pala ang hinihintay ng binata. Pagkakita ni Andrew kay Donna ay agad niya itong hinalikan.
“Girl, parang pinakyaw na naman ni Donna ang lahat. Ultimo si Andrew ay nakuha na niya!” sambit ni Sandy kay Annie na sa panahong iyon ay wala nang mapaglagyan ang inis. Sa pagkayamot ng dalaga ay umalis na lamang ito.
Kinagabihan habang iniisip ni Annie ang kaniyang kinikimkim na galit sa kababata ay naisipan niyang gumawa ng plano upang tuluyan nang mayurakan itong si Donna. Umupa siya ng tatlong kalalakihan upang gahas*in ang dalaga.
Humanap ng tiyempo ang mga inipuhang tauhan ni Annie upang maisakatuparan ang kanilang maitim na plano.
Isang gabi habang mag-isang naglalakad si Donna pauwi ng kaniyang tinutuluyan ay dinakip siya ng tatlong kalalakihan.
“Tulungan ninyo ako! Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin? Pakawalan niyo ako!” paulit-ulit na sigaw ng dalaga. Kahit na halos mapatiran na ng litid ang dalaga sa kasisigaw ay walang nakarinig sa kaniya.
Dinala ng mga hindi nakikilalang lalaki si Donna sa isang sementeryo at dito nila ginawa ang panghah*lay. Pilitin man ng dalaga na makawala ay walang laban ang kaniyang lakas kumpara sa mga lalaking ito.
Ngunit nang makahanap ng pagkakataon ay agad na tumakbo si Donna at nagtago.
Habang hinahanap si Donna ng mga kalalakihang inupahan ni Annie ay hindi niya sinasadyang marinig ang isa sa mga ito na nakikipag-usap sa telepono.
“Boss Annie, nagawa na namin ang iniuutos ninyo kaso nakatakas, eh. Pasensya na po. Pero nakuhaan namin ng litrato!” sambit ng lalaki.
Nang makaalis ang mga lalaki ay tsaka lamang nakaalis sa kaniyang pinagtataguan si Donna. Palaisipan pa rin sa kaniyang isipan kung sinong Annie ang nag-utos upang gawan siya ng masama.
Kinabukasan ay hindi inaasahan ni Donna ang tawag ni Andrew.
“Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin, Andrew?” naiiyak na wika ni Donna. “Pag-usapan naman natin ‘to. Hindi ko makakaya sa panahong ito na iwanan mo ako,” dagdag pa ng dalaga. Ngunit buo na ang loob ng binata.
Mayamaya ay may isang larawan na ipinadala kay Donna. Larawan ito ng hubad na katawan ng dalaga habang pinagpapara*san ng ilang kalalakihan. “Siguro ay dahil dito kaya nakipaghiwalay sa akin si Andrew,” sambit ni Donna sa sarili.
Sa puntong ito ay hindi na alam ng dalaga kung ano ang kaniyang gagawin sapagkat sunud-sunod ang dagok na dumating sa kaniyang buhay.
“Sino ba ‘yang si Annie? Bakit niya ‘to ginawa sa akin?” sigaw ng dalaga.
Kinagabihan naman ay natiyempuhan ni Annie si Andrew na naglalasing sa isang bar.
“Hello, Andrew. Bakit nag-iisa ka? Nasaan ‘yung nobya mo?” bati ng babae sa binata. “Wala na kami ni Donna,” tugon naman ng binata.
“Donna? As in si Donna na gagawaran ng parangal sana. Siguro ay dahil sa eskandalo na kinakaharap niya ngayon, ano?” wika ni Annie.
“Anong sinasabi mong eskandalo?” pagtataka ni Andrew. “Hindi mo pa ba alam? May kumakalat na larawan si Donna ngayon. Nakahubad siya at tila pinipilahan ng mga kalalakihan,” tugon ng dalaga.
Ipinakita ni Annie ang nasabing larawan sa binata. Lubusan naman itong ikinabigla ni Andrew.
“Tama lang ang pakikipaghiwalay mo diyan kay Donna. Hindi nababagay sa’yo ang isang maruming babae. Kung ako kasi sa’yo, Andrew, ay huwag ka nang tumingin sa malayo. Baka nasa harapan mo na ang babaeng kailangan mo,” sambit muli ni Annie.
Ang hindi alam ni Andrew ay unti-unti nang nilalagyan ni Annie ng gamot ang alak na iniinom niya kaya nang inumin niya ito ay lubusan siyang nahilo.
Pagkakataon naman ito para kay Annie upang gawin niya ang kaniyang susunod na binabalak. Nais niyang may mangyari sa kanila ng binata upang maipadala niya kay Donna ang kanilang litrato.
Dinala ni Annie ang lasing na lasing na si Andrew sa kaniyang tinutuluyan. Inihiga niya ito sa kaniyang kama. Dahil wala sa ulirat ang binata ay may nangyari sa dalawa. Nang makuhaan na ng dalaga ng litrato ang kanilang pagsisiping ay agad niya itong ipinadala kay Donna.
“Kilala ko ang babaeng ito!” sambit ni Donna. Agad niyang tinawagan si Annie dahil sa kaniyang galit.
“Annie! Alam kong ikaw ang may kagagawan ng nangyari sa akin sapagkat narinig kong kausap ka ng isa sa mga lalaking inupahan mo! Bakit mo ‘to nagawa sa akin? Anong kasalanan ang nagawa ko sa’yo?” sigaw ni Donna sa dalaga.
“Wala lang, Donna. Masyado na kasing mataas ang kinalalagyan mo at kailangan mong makaramdam ng pagkabagsak. Lahat na lang ng dapat sa akin ay ikaw ang nakakakuha. Ultimo ang lalaking gusto ko ay nakuha mo rin. Pero iba na ngayon. Nakita mo ba ang larawan na ipinadala ko sa’yo? Hindi ba hiniwalayan ka na ni Andrew. Kami na ngayon. Sa katunayan ay katabi ko siya ngayon dito sa kama ko at mahimbing na natutulog,” wika ni Annie sa dalaga.
“Walangh*ya ka! Ipakukulong kita, Annie! Tandaan mo ‘yan!” sambit ni Donna.
“Wala kang ebidensiya, Donna. Hindi sapat na narinig mo lang ang pangalan ko. Napakaraming Annie sa mundo. O siya, nakakaistorbo ka na sa amin ng nobyo ko,” saad ni Annie bago nito tuluyang ibinaba ang telepono.
Nang magising si Andrew ay laking gulat niya na katabi niya sa kama si Annie.
“Hindi ito maaari. May nangyari ba sa atin?” tanong ng binata.
“Lasing na lasing ka kagabi, Andrew. Hindi mo ba matandaan?” sagot naman ni Annie. “Annie, sabihin mo sa akin na walang nangyari sa atin!” pagpupumilit ng binata.
“Bakit, Andrew? Dahil ba may balak ka pang balikan si Donna?” naiinis na wika ni Annie. “Annie, sabihin mo na walang nangyari sa atin!” giit muli ng binata.
“Ginusto nating dalawa ang nangyari sa atin kagabi. Hindi ba hiwalay na kayo ni Donna? Puwede ka nang magkaroon ng relasyon sa akin!” tugon naman ng dalaga.
“Hindi maaari, Annie. Nakipaghiwalay ako kay Donna dahil ayaw ko siyang bigyan ng kahihiyan. Ayoko siyang mahawa sa sakit ko,” sambit ni Andrew sa nagugulumihang dalaga.
“May HIV ako, Annie. Nagkaroon ako ng aksidente noon. Noong isang linggo ay nalaman kong nam*tay ang kaibigan kong nag-donate sa akin ng dugo dahil sa HIV kaya agad akong nagpasuri at lumabas nga na positibo ako sa sakit na iyon,” pag-amin ng binata. “Patawad, Annie, pero malamang ay nahawaan na kita,” dagdag pa ni Andrew.
Napasigaw na lamang si Annie sa kaniyang narinig. Hindi niya lubusang akalain na siya pala ang mabibiktima ng kaniyang maitim na balak. Dali-dali namang umalis si Andrew upang magpaliwanag sa dating kasintahan.
“Lubusan kong ikinalulungkot ang nangyari sa’yo, Donna. Nang makita ko ang mga kumakalat mong mga larawan ay labis na kalungkutan din ang nadama ko. Gusto kitang puntahan upang damayan ngunit nagising na lamang ako na nasa tabi na ako ni Annie at may nangyari sa amin,” wika ni Andrew.
“Si Annie ang nagplano ng lahat ng ito, Andrew. Siya ang umupa ng mga tao para ako ay pagsamant*lahan. Binalak din niya na makuha ka sa akin. Sa katunayan ay pinadalhan niya ako ng larawan na kayo ay nagsisiping,” naiiyak na sambit ni Donna.
“Huwag kang mag-alala, Donna. Tutulungan kita na makamit ang hustisya. Pero sa ngayon ay napaghiganti na kita sapagkat hindi sinasadyang nahawahan ko siya ng aking sakit. Siya din ang magdurusa sa sarili niyang patibong,” wika ni Andrew.
Ginawa ni Donna ang lahat upang mapanagot si Annie sa kaniyang kasalanan. Si Andrew naman ay tuloy ang gamutan sa kaniyang sakit. Lubusang pinagsisisihan ni Annie ang kaniyang mga nagawa dahil sa kaniyang matinding pagkainggit sa kaniyang kababata.