Nalungkot ang Dalaga Nang Hindi Makatanggap ng Regalo, Ito kaya ang Dahilan Upang Siya’y Pagpahingahin ng mga Nakatataas?

Nalungkot ang Dalaga Nang Hindi Makatanggap ng Regalo, Ito kaya ang Dahilan Upang Siya’y Pagpahingahin ng mga Nakatataas?

InspiringMysteryStories

“Hoy, Mari, ang aga-aga mo, nakabusangot ka riyan! May problema ka ba? Sabihin mo sa akin, pangako, tutulungan kita sa abot nang makakaya ko,” sambit ni Fe sa isa niyang katrabaho, isang umaga nang makita niya itong nakatingin sa malayo habang nakabusangot ang mukha. 

“Salamat talaga sa’yo, Fe, pero wala naman talaga akong problema, nalulungkot lang ako,” sagot ni Mari saka muli nang inasikaso ang mga dokumentong pinapaayos sa kaniya. 

“O, ano namang ikinalulungkot mo?” tanong nito saka naupo sa kaniyang upuan. 

“Alam ko kasing ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging best employee ngayong unang taon ko rito sa kumpanya natin pero hindi pa rin ako naparangalan. Bukod pa ro’n, ni isang regalo no’ng Pasko, wala akong natanggap habang kayong lahat, mayroon at ang gaganda pa,” sambit niya saka malalim na huminga dahilan upang maramdam ng kaniyang katrabaho ang lungkot na mayroon siya. 

“Naku, malay no naman may mas maganda plano sa’yo si boss. Kitang-kita naman ang kasipagan mo, eh,” pagpapalakas nito sa loob niya saka siya tinapik-tapik sa likuran. 

“Ayoko nang umasa, nalulungkot lang ako lalo,” tugon niya saka niya ito pinaalis sa kaniyang upuan at agad na muling nagtrabaho gamit ang kaniyang kompyuter. 

Isa sa mga hinahangaang empleyado sa kanilang kumpanya ang dalagang si Mari dahil sa angking niyang kasipagan at galing sa paggawa ng mga dokumentong talaga nga namang nakapagbigay daan sa naturang kumpanya na lalong magtagumpay. 

Sa katunayan, sa loob ng walong buwan niyang pagtatrabaho rito, halos lahat ng mga nakatataas sa kumpanyang ito, kaniya na niyang nakapalagayan ng loob dahil sa kaniyang galing sa pakikipag-usap. 

Ito ang dahilan upang umasa siyang sa darating na Pasko, makatatanggap siya ng malaki-laking bonus bukod pa sa mga grocery items na binibigay sa lahat ng mga empleyado. 

Kaya lang, noong Christmas Party nila, walang inanunsyong pinakamagaling na empleyado at bukod pa ro’n, siya lang ang walang natanggap na regalo mula sa kanilang boss bukod sa grocery items na lahat ng empleyado ay mayroon. 

Inggit na inggit niyang pinagmamasdan noong panahong iyon ang mga katrabaho niyang nagbubukas ng regalo. Ang iba’y nakatanggap ng selpon, laptop, tablet habang ang iba, ticket patungong Boracay na labis niyang ikinasama ng loob. 

Nadala niya ang lungkot na ito hanggang sa pagdating ng bagong taon dahilan upang mapansin na siya ng kaniyang katrabahong si Fe at araw-araw na kamustahin. 

Noong araw na ‘yon, habang malungkot niyang ginagawa ang mga dokumentong nakaatas sa kaniya, bigla siyang pinatawag ng pinakamataas nilang boss dahilan upang labis siyang magtaka. 

“Bakit daw ako pinapatawag?” tanong niya sa katrabahong nagsabi sa kaniya nito. 

“Hindi ko alam, eh, pero ang narinig ko, may mali raw sa pinasa mong dokumento. Narinig ko pa sabi nila, parang wala ka raw sa konsentrasyon nitong mga nakaraang araw, kaya gusto nila na pagpahingahin ka muna. Kaya lang, sigurado ako, wala kang sahod no’n,” sagot nito na labis niyang ikinakaba, “Sige na, pumunta ka na ro’n para malaman mo lahat ng detalye,” dagdag pa nito dahilan upang mapailing na lamang siya.

“Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho!” sambit niya sa sarili habang naglalakad patungo sa opisina ng kanilang boss. 

Pagdating niya ro’n, tumambad sa kaniya ang sampung matataas na tao sa kanilang kumpanya. Tila mayroon silang pinag-uusapan dahilan upang labis siyang mahiyang pumasok. 

Isasarado niya pa lang sana ang pintuan nang mapansin siya ng isa sa mga ito dahilan upang agad siya nitong tawagin at ipakita sa kaniya ang isang envelope. 

“Buksan mo ‘yan, tingin namin kailangan mo na magpahinga, eh,” sambit nito dahilan upang siya’y mapatungo. 

Ngunit, pagbukas niya, tumambad sa kaniya ang sampung ticket papuntang South Korea na talaga nga namang nakapagpalaki sa kaniyang mga mata. 

“Magpahinga ka sa South Korea sa loob ng isang linggo kasama ang buong pamilya mo. Alam naming sobra kang napagod sa pagtatrabaho sa kumpanyang ito,” wika pa ng isa sa mga ito dahilan upang mapaiyak na lamang siya sa tuwa. 

“Hinuli ka talaga naming bigyan dahil espesyal ka at mahalaga ka sa kumpanyang ito,” dagdag pa ng pinakamataas sa mga ito dahilan upang mapahagulgol na lang siya ro’n. 

.

Ilang araw lang ang lumipas, tuluyan na nga niyang nadala sa South Korea ang buo niyang pamilya. Doon niya napagtantong huli man siyang nakatanggap ng regalo, dekalibre naman ang regalong ito. 

More Stories