Ipinahiya at Kinutya ang Lalaki nang Mag-ulam Siya ng Kape sa Kanin, Nang May Mangyaring Trahedya ay Ito Rin Pala ang Gagawin ng Lahat
Handa na naman sa pagpasok si Lyndon. Siya ay baguhang empleyado sa isang call center company. Excited na kinakabahan siya dahil bukod sa mahiyain siyang tao, ay saktong-sakto lang ang pera niya pamasahe papunta’t pauwi. Hindi kasi siya pinautang ng kaibigan dahil gipit daw ito ngayon. Kaya naman no choice na siya kundi umutang ng bigas sa tindahan at kanin lamang ang binaon. Alam niyang libre ang kape sa kumpanyang papasukan kaya may naisip siyang paraan. Sa kumpanya ay hindi agad siya nagkaroon ng kaibigan. Noon pa ma’y takot na siya sa tao kaya naman matagal-talaga bago siya mapalapit sa iba. “Ano ‘yang ulam mo ‘pre?” gulat siya nang biglang may lumapit sa kanyang lalaki, tila empleyado rin ito. Nginitian niya ito at sasagot palang sana siya nang bigla itong magsalita muli. “Kape? Ulam mo? Kadiri naman ‘yan!” Lalo siyang nahiya nang ipagsigawan nito ang sinabi. Pipiliin niya sanang umalis nalang pero marami nang nakatingin at ang mga kaibigan nito’y pinalibutan na siya. Tawa nang tawa ang mga ito at panay ang loko. Paulit-ulit ang mga ito sa pagsasabing nakakadiri daw ang ulam niya. Hiyang-hiya na siya sa sitwasyong kinasadlakan. Gusto na niyang kainin ng lupa. Hanggang sa lumindol nang malakas. Taranta at takot ang naramdaman ng lahat. Halos giba ang isang palapag ng building at dahil doo’y marami ang na-trap sa mga empleyado, kasama na dito si Lyndon. Lumipas ang ilang oras at ganoon pa rin ang kanilang sitwasyon. Gutom na rin ang ibang empleyadong hindi pa nakakakain. Giba rin kasi ang halos buong canteen. Maya-maya’y naramdaman ni Lyndon na may tumapik sa likod niya. “Pare, paano ba ‘yung ginagawa mo kanina?” tanong ulit nung lalaking nanlait sa pagkain niya kanina. “Ah yung kape’t kanin?” Tumungo ito. Maigi nalang at may sobra pa siyang kape mula kanina. Hinanap niya ang kanin nito at saka niya sinalinan ito ng kape. Tila gutom na gutom nitong kinain ang ginawa niyang kanin at kape. Nakigaya naman ang mga kasama nito at kanina at lubos-lubos rin ang pasasalamat sa kanya nang makalabas sila. “Salamat ‘pre. Kundi dahil sayo baka tumirik na mata namin sa gutom kanina,” ika ng lalaki. Lumapit din ang iba sa kanya, “Pasensya na din kanina sa maling nagawa namin sayo.” Ngumiti si Lyndon, “Wala ‘yun. May sari-sarili tayong opinyon. Kaya nirespeto ko ang sinabi niyo kanina.” Nagkapatawaran sila at simula noo’y naging maganda na ang pagsasama nila. Nakahanap ng bagong kaibigan si Lyndon samantalang sumikat naman sa kumpanya, lalo na sa mahihirap na empleyado ang pagkain niyang kanin at kape. Hindi lamang sila nakakatipid, kundi napapalapit ang halos lahat ng empleyado dahil dito.
sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.