Inday TrendingInday Trending
Pinilit ng Tatay ang Anak na Lumusong sa Baha para Lamang Kunin ang Premyo Niya sa Sugal, Pagsisi ang Inabot niya sa Sinapit ng Bata

Pinilit ng Tatay ang Anak na Lumusong sa Baha para Lamang Kunin ang Premyo Niya sa Sugal, Pagsisi ang Inabot niya sa Sinapit ng Bata

“Pedring, tumama ka daw sa ending!” ika ng kanyang kapit-bahay. Halos hindi naman siya makapaniwala sa narinig. Hindi kasi siya nakanuod ng basketball kagabi kaya hindi niya alam kung ano ang labas. Halos araw-araw niyang inaasahan ang pagkapanalo doon. Sa wakas ay nakamit niya rin ngayon. “Ermil, pumunta ka nga kina Aling Berta mo,” utos niya sa kanyang anak. “Tanong mo kung tumama talaga ako sa ending. Kung oo, kunin mo na agad at makakapag-tong its na ako.” “Pero ‘tay, baha pa po sa labas,” reklamo ng bata. “Kaarte-arte mo naman! Lalabas ka lang. Dun ka lang sa kanto!” Wala nang nagawa pa ang bata kundi magsuot ng kapote at lumabas ng bahay. Samantalang excited naman si Mang Pedring para sa kanyang premyo. Sa labas ay hirap na hirap ang bata kung paano susuungin ang napakalalim na baha. Hindi pa man din siya marunong lumangoy. Sa kabilang banda ay naiirita si Mang Pedring nang sumapit ang gabi ay wala pa rin ang kanyang anak. Kaya naman nagdesisyon siyang sundan na ito sa labas kahit pa napakalakas ng ulan. Habang nasa daan ay may napansin siyang nagkukumpulang mga tao. Nakiusyoso siya dito, “May nalunod daw na bata. Kaawa-awa naman. Kulay asul daw ang kapote,” biglang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang sabi ng isang ale. Kaya naman lumapit pa siya lalo at ganoon nalang ang pagkabigla niya nang makilala kung sino ang nalunod umanong bata. “Ermil, anak!” Wala nang buhay ito nang mahawakan niya. Labis-labis ang kanyang pagsisisi sa sinapit ng anak. Kung hindi lang sana niya pinagpilitan ang anak na kuhanin ang perang napanalunan niya, buhay pa sana ito at makakapiling pa. Napakarami pa namang pangarap nito at lubos ang kanyang pangungulila sa napakabait na anak. Sising-sisi siya sa nangyari. Hindi niya lubos-maisip na naging iresponsable siyang ama. Humingi siya ng tawad sa wala nang buhay na anak. At simula noo’y hindi na siya kailanman tumaya sa kahit na anong sugal. At hindi na rin naghangad ng madaliang pera. Naghanap siya ng matinong trabaho upang kumita ng malinis na pera. Palagi nga namang nasa huli ang pagsisisi. Ngunit bakit kailangan pang may mawala sa atin bago natin mapagtanto ang ating kamalian? Kailangan ba talagang may magsakripisyo ba bago natin malaman ang kahalagahan ng isang tao sa buhay natin?

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement