Nalaman ng Matandang Ito ang Tunay na mga Kaibigan Bago Siya Bawian ng Buhay nang Mag-desisyon Siyang Mag-advance ng Lamay
“Pumanaw na po si Marie “Maring” Santos. Maaari po kayong makipaglamay sa kanyang burol sa kanyang tahanan.” Gulat na gulat si Jessa nang mabasa ang text message na pumanaw na ang kanyang matalik na kaibigan. Tulala siya at tila kakapusin sa paghinga. Agad siyang nag-empake ng mga gamit upang bumiyahe sa kanilang probinsya. Sampung taon na rin simula nang umuwi siya doon. Ganoon na rin katagal ang huli nilang pag-uusap at pagkikita ng matalik na kaibigan. Hindi niya namalayang iyak na pala siya nang iyak. Naalala niya pa ang huli nilang pag-aaway ng kaibigan. Nagalit kasi siya dito nang sabihan nito ng masasakit na salita ang asawa niya. “Nakita ko nga ang asawa mong may kinakalantaring iba. Hiwalayan mo na ‘yan, gaga ka!” Nasaktan siya sa sinabi nito. Kahit namang alam niyang likas na babaero ang asawa ay pinalalampas niya lang iyon dahil mahal na mahal niya ito. Pumanaw sa edad na 55 anyos ang kanyang asawa at wala siyang pinagsabihan sa mga kaibigan. Hindi niya na rin inasahan na pupuntahan siya ni Maring dahil nahihiya siya sa nangyari sa kanila noon. Pero ngayon ay lubos ang paninikip ng dibdib niya dahil sa balitang natanggap. Iyak siya nang iyak habang papasok sa tahanan nito. Marami ang tao ngunit wala siyang pakialam doon. Ang tanging nasa isip niya lang noon ay humingi ng tawad sa kaibigan. “Maring! Patawarin mo ako! Tiniis kita ng ilang taon!” “Patawarin mo rin ako, Jessa.” Tila hihimatayin siya nang maramdamang niyakap siya ng kaibigan. Gulat at takot ang naramdaman niya. Dahil hilo pa sa byahe ay hindi niya mapaniwalaan ang nararamdaman. At nang makabawi na siya ay nakumpirma niyang buhay pa nga ang kanyang kaibigan. Doon niya lang rin napansin na nagtatawanan pala ang mga tao sa paligid. Nakilala niya ang mga ito–ang mga kaibigan nila dati. Nagagalit siya kay Maring pero hindi niya na pinatagal iyon, “Namiss kita, Maring.” Napangiti ito, “Miss na miss na rin naman kita.” “At ganito ang paraan mo para kontakin ulit ako?” naiinis kunwari niyang tanong. “Mas maganda nga ‘yun, Jessa. Tila naging reunion sa atin ito,” sabad ng isa nilang kaibigan. Tuwang-tuwa ring nagpasalamat ang lahat kay Maring. Kung hindi pa nga naman nito gawin iyon ay hindi sila muling magkikita-kita. “Matatanda na tayo. Kaya gusto ko lang sana na bago man lang lumisan ang isa sa atin ay muli tayong magkita-kita,” paliwanag ni Maring. Masayang-masaya ang lahat. Hindi nila alam na isang linggo lang matapos ang kunwaring lamay ni Maring ay magkakatotoo ang lamay dito. Noong una’y akala nila biro na naman ang lahat, pero labis ang kanilang naramdamang lungkot nang mapatunayang totoo na ito ngayon. “Kaya pala pinagsama-sama na niya tayo ay dahil alam niya nang mawawala na siya.” “Salamat, Maring. Dahil sayo ay nagkita-kita tayong muli. Magkakasama kaming muli ngayon.” “Hanggang sa muling pagkikita, Maring.” Tunay ngang sa paglipas ng panahon ay hindi mapapantayan ang tunay na pagkakaibigan.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.