Inday TrendingInday Trending
Naging Mala-Donya ang Buhay ng Babaeng Ito sa Amerika Ngunit Natagpuan Niya sa Probinsya ang Tunay na Tagumpay

Naging Mala-Donya ang Buhay ng Babaeng Ito sa Amerika Ngunit Natagpuan Niya sa Probinsya ang Tunay na Tagumpay

Isinuot ni Alena ang kanyang shades, kalalapag lamang sa airport ng kanyang sinakyang eroplano mula Amerika. Matagal siyang nanirahan doon, siguro ay mga 15 years.

Tinakasan niya ang mahirap na buhay dito sa Pilipinas, naiwan dito ang kanyang mga kapatid pero di na niya tinangka pang kumustahin ang mga ito.

Masyado siyang naging busy sa pagpapayaman. Naging tanyag na businesswoman ito sa Amerika kaya limpak-limpak na pera ang kinita nito. Sa katunayan, kaya lang siya uuwi rito ay may bibilhin siyang property sa Cagayan.

“Hello? Justine? Oo, nasa airport na ako. No its okay doon na tayo magkita sa Cagayan. Dalhin mo yung mga pipirmahan kong papeles. Bye,” sabi niya sa kanyang sekretarya sa telepono.

Ang sama talaga ng gising niya, alam niyang hindi ito jetlag. Nitong mga nakaraan ay sadyang mainit ang ulo niya sa lahat ng bagay, kahit ang matandang katulong sa bahay niya ay nabulyawan niya nang di oras. Akala niya noon, pag mayaman na siya ay magiging kumpleto na ang buhay niya at wala na siyang kasing saya pero halos kabaligtaran iyon ng nararamdaman niya ngayon.

Kaya niya nang bumili ng ilang property at mamahalin rin ang mga suot niya pero kahit isang ngiti ay hindi niya magawa. Hindi niya alam kung ano ang kulang, kaya sinusubukan niya iyong punan sa pamamagitan ng pagbili ng kung anu-ano para maging masaya siya. Pero hindi pa rin ito sa sapat upang makamit niya ang inaasam niya kaligayahan.

Sumakay na siya sa taxi at sinabi sa driver ang hotel kung saan siya mananatili, ibababa niya lamang ang kanyang mga gamit tapos ay didiretso na siya sa bibilhing property. Ilang minuto pa ay sakay na siya ng kotseng inarkila at narating niya na ang lugar.

“Ma’am, sorry, hanggang dito lang po talaga ang mga sasakyan. Kailangan pong lakarin dahil makipot na ang daan. Wala po akong mapag U-turnan, mahirap po lumiko.” sabi ng driver.

Inirapan niya ito, sayang ang ibinabayad niya! Pero wala naman siyang magawa dahil mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Wala siyang choice kung hindi ang maglakad lakad, sinusubukan niyang i-text ang kanyang seretary pero walang signal kaya hindi siya makapag-send.

“Ano ba naman ‘tong lugar na ito, napakaputik. Sayang naman ‘tong outfit ko kung mapuputikan lang. Ang hassle!” Sa isip-isip nya habang dumadaan sa maputik at basang lugar.

Iilan lang ang bahay roon at magtatanong sana siya sa isa pero wala siyang makitang matanda, puro bata ang naroon na naglalaro sa bakuran.

“Langit Lupa Impyerno, Im-im-impyerno. Saksak puso tulo ang dugo, patay, buhay, umalis ka na dyan sa pwesto mong maganda!” sabi ng isang bata habang ito ay naglalaro ng walang saplot ngunit kita ang ngiti nito sa mga labi.

Di maiwasan ni Alena na mapangiti rin, parang ganito sila noon ng mga kapatid niya. Kahit na madudumi ang kanilang pinaglalaruan. Walang pake silang naglalaro at walang problemang iniisip.

Di niya namamalayang tumutulo na pala ang luha niya, bumalik sa kanyang ala-ala ang kanyang magulang at mga kapatid. Nagulat na lang siya nang isang may edad na lalaki na pala ang nakatayo sa harap niya.

“Lenlen?” tanong nito na tila minumukhaan siya.

Nanlaki ang mata niya nang makilala ang lalaki, “Kuya Vic?”

Agad binuksan ng lalaki ang pinto at niyakap siya ng mahigpit, lagpas dekada rin nang huli nyang makita ang paborito nyang kuya. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakaramdam ng kaligayahan si Alena. Inaasahan niyang galit ang mga kapatid sa pang-iiwan niya pero nang tawagin ang mga ito ng Kuya Vic niya ay nagulat pa siya nang nakangiting lumabas ang mga ito.

“Lenlen! Ang tagal ka naming hinihintay, mabuti naman at ligtas ka. Bagamat nakikita ka namin sa mga dyaryo ay matagal ka na rin naming hindi nababalitaan. Ang galing mong business woman.” sabi ng mga kapatid niya.

Itinuloy ni Alena ang pagbili sa property na malapit pala sa bahay ng mga kapatid niya. Kahit ano namang pilit niya ay ayaw tumanggap ng mga ito ng pera, napahiya pa siya dahil pinag-isipan niya ang mga ito ng ganoon noon.

“Hindi nga pera ang sagot sa lahat, lalong lalo na sa kasiyahan dahil hindi nito mabibili ang pagmamahal ng aking pamilya.” sa isip-isip nya.

Alam na ni Alena kung bakit siya napadpad sa lugar na iyon, alam niya na rin kung ano ang kaligayahang hinahanap niya, ang kanyang pamilya.

Advertisement