Ikina-Kadena at Kinukulong ng Lola ang Kanyang Apo, Hindi Na Nakapagpigil ang mga Kapitbahay at Ito ang Ginawa
Sa edas na 45 anyos ay malakas pa rin si Aling Selya, nagtitinda pa rin siya ng mga lutong ulam na inilalako niya rin araw-araw sa mga opisina sa Makati.
“Apo, huwag ka masyadong maingay para naman hindi nagagalit mga kapitbahay natin,” saad ng ale sa kaniyang apo.
“Opo lola,” baling naman ni Joshua, anim na taong gulang.
“Selya, yang baliw mong apo ay nagwala na naman kahapon. Bakit ba kasi hindi mo na lang ibigigay iyan sa mental kaysa naman nakaka-perwisyo pa sa atin,” wika ni Mang Tonyo, ang kinakasamang lalaki ng ale.
“Hindi baliw ang apo ko, espesyal siya. Saka kung may papalayasin man ako dito ay ikaw yun dahil wala kang kwenta,” saad ni Aling Selya sa lalaki.
Umalis na ang ale at nagpunta na ito sa likuran upang magluto at nang maisaayos na niya ang lahat ng paninda ay muli siyang nagpaalam sa kaniyang apong mahimbing na ang tulog.
“Tonyo, aalis na ako. Huwag mong sasaktan si Joshua dahil kapag nalaman ko’y papalayasin kita agad,” wika ng ale sa lalaki.
“Oo na, hindi ko naman sinasaktan iyan. Binubusalan ko lang paminsan-minsan ang bibig dahil nakakarindi na ang ingay ng baliw na yan.” sagot naman ni Mang Tonyo.
Masakit man para sa ale na malamang ganoon ang ginagawa ng kinakasama ay pinapalagpas na lamang niya dahil wala naman siyang ibang maasahan na magbabantay sa apo.
Hinaplos na lang niya ang ulo ni Joshua saka ito hinalikan. Dahan-dahan din niyang isinuot ang kadena sa paa ng bata at pikit mata itong kinandaduhan.
Nag-iisang apo lamang ng ale ang bata, paano’y binawian ng buhay ang kaniyang anak noong isinilang ito. Nagkaroon ng maraming komplikasyon ang bata at dahil sa kakapusan ng pera ay hindi na nila ito nagawa pang patingnan sa doktor.
Hindi nakakapagsalita ng diretso ang bata at palagi din nitong iniikot ang kaniyang ulo, naglalaway din ito ng sobra kasabay na rin ang palagiang pagwawala pati pagsigaw. Marami nang nagsasabi na ibigay niya sa barangay o di kaya naman sa mental ang apo dahil nakakabulahaw na ito sa kanilang lugar.
“Aling Selya, bakit ba kasi hindi mo na ibigay sa bantay-bata si Joshua, mas maaalagaan kasi siya dun. Kami namang kapitbahay mo ay nag-aalala lang sayo,” wika ni Olivia, kapitbahay ng ale.
“Kaya ko pa naman at ayaw kong mahiwalay sa akin ang apo ko. Siya na lang ang pamilya ko ngayon,” baling naman ng ale.
Pagkadating niya sa Makati ay agad na tumunog ang kaniyang telepono,
“Aling Selya, kailangan niyo pong umuwi. Si Mang Tonyo po ay hindi na mapigilan pa si Joshua,” wika ni Olivia.
“Ha? tulungan mo muna at pabalik na ako,” saad naman ng ale at nagmadali itong umuwi.
Pagdating na pagdating ni Aling Selya ay naabutan niya ang tatlong opisyales ng taga-bantay bata, dalawang tanod at isang pulis na nagsisigarilyo sa labas.
“Mabuti naman po at dumating na kayo Aling Selya, nakarating na po kasi sa aming himpilan ang ginagawa niyo sa inyong apo,” wika ng isang babae.
“Alam niyo po bang mali ang pagkakadena ng bata? Hindi po ito maari, kaya kukuhanin namin ang bata para kami na ang mag-alaga,” saad pang muli nito.
“Aba teka lang ho, mali po kayo ng akala. Hindi namin minamaltrato ang apo ko. Kaya iyan naka-kadena ay para hindi siya makaalis, ilang beses na kasing tumakas iyan dati kaya natatakot akong baka mawala siya. Hindi ko pinabayaan ang apo ko, kahit itanong niyo pa sa kahit sinong tao dito sa aming lugar,” paliwag ng ale.
“Alam ko pong mahirap ito para sa inyo pero kailangan din po ninyong sumailalim sa ilang mga counseling dahil sa inyong ginawa. Kahit saan po kasi natin tignan ay hindi maayos ang kalagayan ng inyong apo. Kaya kung mahal niyo talaga siya ay hahayaan ninyo pong kuhanin namin ang bata,” wika naman ng isa pang babae.
“Hindi, bait lola, sama ako lola ko. Ayaw inyo,” pahayag ni Joshua at laking gulat ni Aling Selya na nakakaintindi pala ang kaniyang apo.
“Kita mo na, sa akin gusto sumama ng bata kaya hindi niyo maaring kuhanin si Joshua sa akin,” lumuluhang saad ng ale.
Doon na umaksyon ang mga tanod, pilit nilang dinala ang bata at maging ang ale. Pinakalma nila si Aling Selya at binigyan ito ng iba’t-ibang counseling patungkol sa kalagayan ng kaniyang apo.
Saka lamang niya nalaman na kinakailangan niyang mabigyan ng mga gamut ang apo. Dapat rin itong maipasok sa tamang eskwelahan upang gumaling at matuto ayon sa kaniyang kalagayan.
“Apo, patawarin mo ako kung hindi ko nakayang ibigay sayo ang lahat ng ito. Hindi ka naman nila ikukulong dito dahil mamahalin ka nila, pangako laging dadalaw ang lola,” umiiyak na pahayag nga ale.
“Lola, the best lola ikaw lola,” wika ng bata at niyakap niya ang ale.
“Lola, bakit po ba ayaw niyo siyang ibigay sa amin?” tanong ng babaeng nagbabantay kay Joshua.
“Natatakot kasi akong isipin nya na ipinamimigay ko siya, na baliw siya katulad ng sinasabi ng marami. Akala ko kasi kapag nasa akin siya ay mas magiging maayos ang buhay niya kahit na pagkulong at pagkadena ang naging paraan ko, iyon pala ay mali. Maling-mali ako,” sagot ni Aling Selya at napaluha na lamang.
Doon niya napagtanto na tama ang lahat ng sinasabi ng kaniyang kapitbahay na mas makakabuti kay Joshua na maidulog sa bantay-bata dahil nakikita niyang maayos ang kalagayan nito. Nabibigyan ito ng tamang alaga, atensyon, gamot at edukasyon.
Lumipas ang mahabang panahon at ngayon ay mas bumuti na ang lagay ni Joshua, mas nakakausap na rin ito ng maayos at kahit paano ay lumalaking normal katulad ng ibang bata. Walang kadena at hindi ito nakakulong sa kanilang bahay.