Inday TrendingInday Trending
Nakitang Muli ng Doktora ang Kanyang First Love, Magkatuluyan na Kaya Sila?

Nakitang Muli ng Doktora ang Kanyang First Love, Magkatuluyan na Kaya Sila?

Mataas ang sikat ng araw at mainit ang suot na toga nina Jerome at Bea, ngayon na kasi ang kanilang graduation sa kolehiyo.

“O ano? Ho-hopia ka pa rin ba diyan kay Jerome? E magtatapos na yung klase mukhang hindi naman aamin iyan sayo,” saad ni Rebecca, ang matalik na kaibigan ng dalaga.

“Malay mo pagkatapos nito, magtapat siya sa akin. Huwag kang mag-alala kasi nararamdaman ko naman na gusto niya rin ako kaya nga wala kaming kasintahan pareho hanggang ngayon eh. Solid na kaming dalawa lang lagi, kaya ang hinuha ko ay naghihintay lang siya na bumigay ako,” wika namang ni Bea.

“Ay iba ka rin talaga, bakit kaya hindi na lang ikaw ang umamin sa kaniya para matapos na ito? Tutal uso naman na iyon ngayon, gora na ate girl!” baling pang muli ng kaibigan saka niya tinulak si Bea papunta kay Jerome.

“Pinagti-tripan ka na naman ba ni Rebecca? Tara sugurin na natin para naman memorable ang last day,” natatawang pahayag ni Jerome.

“Hindi na, nagkakabiruan lang naman kami tungkol sa atin. Alam mo na umaasa rin kasi sila,” mahinang sagot ni Bea sa lalaki.

“Ha ano yung sinabi mo? Hindi ko narinig,” baling naman ng lalaki.

Magsasalita pa sana si Bea kaya lamang napahinto siya nang makita ang isang magandang dalaga na biglang yumakap sa lalaking kaniyang pinapangarap.

“Bea, nga pala dahil tapos na ang kolehiyo at ikaw naman ang tinuturing kong best friend ipapakilala ko na sayo. Siya nga pala si Queen, nobya ko,” wika ni Jerome kay Bea. Nakanganga lang ang dalaga at hindi kaagad nakapagsalita.

“N-nobya? Kailan pa?” tanong ni Bea na medyo garalgal pa ang boses.

“Matagal na rin, magdadalawang taon na kami pero tinago ko kasi bawal pa akong magpakilala ng girlfriend,” sagot ng lalaki. At doon na nabasag ang kaniyang puso, pakiramdam niya ay isa-isa siyang binubunutan ng balahibo sa binti habang kumakain ng siling labuyo sa sobrang sakit.

Ang tagal niyang lihim na inibig si Jerome at umasang ganoon rin ang binata sa kanya, iyon pala ay nganga.

Simula noon ay ibinaling ni Bea ang lahat ng kanyang oras sa pag-aaral, kumuha din siya ng kursong medisina at ngayon nga ay isang matagumpay nang doktor.

“Doc Bea, 33 anyos na po kayo diba? Wala pa rin po ba kayong balak mag-asawa?” tanong ni Lily, ang sekretarya ng babae.

“Pasensya ka na Lily, hindi ako masyadong komportableng pinag-uusapan ang personal na buhay ko, ” baling ni Bea sa babae habang nag-aayos ito ng kaniyang mukha.

Sa edad niya ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng nobyo ang dalaga. Nadala na yata ang kaniyang puso at hindi na muling umibig sa iba mula noong nabigo siya kay Jerome. Bumaba na lang ang dalaga upang bumili ng kape.

“Akalain mo nga naman, doktor ka na Bea!” bati ng isang lalaki na nakapila sa kanyang likuran.

“Teka lang..J-Jerome?” tanong ng babae dito.

“Oo, bestfriend mo,” sagot naman ng lalaki at nagyakap ang dalawa.

Nagkamustahan, nagkwentuhan hanggang sa bumilis ang mga sumunod na pangyayari at nagulat na lang si Bea na may unawaan na sila. Bagamat wala pang aminan, hindi nagtatapat ang binata sa kanya ng pag-ibig pero kailangan pa ba iyon?

Diyos ko, ilang taon na ba siya para magpa-bebe pa? Tsaka halata naman sa kilos nito na gusto rin siya ng lalaki.

“Doc, huwag mong sabihin nananiniwala ka talaga na mahal ka ni Jerome?” tanong ni Lily dito.

“Hindi ba ako pwedeng maniwala na yung lalaking pinapangarap ko noon ay gusto na ako ngayon?” tanong ni Bea sa babae.

“Hindi naman po. Pero alam mo doc wala naman po sanang masama kung tulad pa rin ng dati ang lahat eh.. yung dati na malinis pa ang lahat. Yung dating Jerome na walang sabit, walang asawa,” baling ni Lily sa kanya.

“Oo na, kalaguyo na kung kalaguyo pero mahal ko siya at ang tagal kong hindi naramdaman ito,” saad naman ni Bea.

“Doc, alam kong matalino ka. Sabi rin nila na kapag matalino daw ay bobo sa pag-ibig pero tingin ko naman walang bobo sa pag-ibig kapag hindi natin hinayaan. Doc, ang maling pag-ibig kahit gaano katindi ay mali pa rin.

Ang mga pasyente kaya mong gamutin kapag nagkasakit pero ang pamilya na masisira mo hindi mo iyon madadaan sa kahit anong operasyon dahil puso, tiwala at isang samahan ang sasagasaan mo. Kaya ngayon pa lang, habang maaga, kailangan mong gumising doc,” paliwanag ni Lily kay Bea.

“Alam mo ang laman pala niyang utak mo no? Pero paano kung si Jerome ang ayaw bumitaw?” tanong pang muli ni Bea.

“Doc, walang lalaking matino na pagsasabayin ang dalawang babae at sasabihin nilang mahal kayo. Kalokohan iyon, hindi ka pinanganak kahapon, nagmamahal ka lang pero huwag ka sanang magpa-lason,” saad pa ni Lily at doon na natapos ang kanilang usapan.

Nag-isip nang mabuti si Bea sa lahat nang kaniyang payo na narinig, tama naman ang lahat na mali ang kanilang relasyon pero paano ang kaniyang puso? Kaya dali-dali niyang pinuntahan si Jerome.

“Kunwari papapiliin ka ngayon, sinong pipiliin mo, ako o yung asawa mo? Kunwari lang naman,” tanong ng dalaga.

“Bea, alam mo naman na ayaw ko ng ganyang tanong diba. Huwag mong isipin na magkalaban kayo ng asawa ko dahil pantay lang kayo sa puso ko kaya huwag mo na sanang ulitin iyang pagpili-pili na tanong,” sagot ni Jerome sa babae.

Tumawa ng malakas si Bea, malakas na malakas na tila ba nababaliw na siya na kahit si Jerome ay nag-alala sa ikinilos niya.

“Hiwalay na tayo,” pahayag ni Bea sabay sinampal ng malakas si Jerome saka umalis.

Ngayon sigurado na siya na hindi tamang isugal niya ang lahat para sa lalaking pinangarap noon. Tama nga si Lily na iba na ang panahon ngayon, saka lang din niya naramdaman na mas masarap pala sa puso na maiwang mag-isa ngunit walang inaapakan at walang tinataguan.

Advertisement