Naawa ang Bata sa Kanyang Inang Palaging Umiigib sa Balon, Kamangha-mangha ang Ginawa Niyang Sakripisyo Para Dito
Malungkot na napalingon si Issa sa kanyang ina habang nag-iigib ng malalaking timbang sabay-sabay nitong binubuhat. Napatigil siya sa pag-aaral habang naluluhang nakatitig pa rin sa inang halatang pagod na pagod na sa ginagawa. “Paglaki ko, hindi na mapapagod si nanay sa pagbubuhat,” bulong niya sa sarili. Noon pa man kasi ay wala na silang tubig sa bahay at palaging umaasa sa pag-iigib sa balon na medyo malayo pa sa kanilang bahay. “Nay ako na po,” nilapitan niya ang ina upang tulungan ito. Ngunit tulad ng dati ay tinaboy lang siya nito, “Huwag na, kabata-bata mo pa anak. Baka mabalian ka ng buto.” Palaging ganoon ang sinasabi ng ina sa tuwing nagtatangka siyang tulungan ito. Nalulungkot siya dahil ang tagal niya pa bago lumaki. Dahil tuloy doon ay wala siyang ibang magawa upang matulungan ang kaawa-awa niyang ina. “Bakit kasi ang tagal-tagal ko pang lumaki?! Hindi ko tuloy matulungan si nanay!” inis na sinipa niya ang maliit na bato sa harapan. Dahil doon ay nadulas tuloy siya at napaupo sa semento. Isang mahinang tawa ang narinig niya mula sa gilid. Nilingon niya iyon at isang batang lalaki ang kanyang nakita. Nagtitinda ito ng mga candy at sigarilyo, takatak boy kung tawagin. Ngumiti ito sa kanya ngunit inirapan niya ang halos kasing-edad niya lang na lalaki. “Narinig ko ang reklamo mo bago ka madulas d’yan,” nangingiting sabi nito sa kanya. Lalo siyang nainis dito, “Ano namang pakialam mo dun?” Nilapitan siya nito at tinulungang tumayo, “Huwag mo akong sungitan. Pwede kitang tulungan sa problema mo.” Napakunot-noo siya sa batang lalaki, “Anong ibig mong sabihin?” “Sabi mo kasi kanina na hindi mo matulungan ang nanay mo dahil ang tagal-tagal mo pang lumaki diba?” balik-tanong nito sa kanya. Tumango siya dito. “Bakit naman ako? Ang liit ko pa rin diba? Pero alam mo bang ang laki na ng naitutulong ko sa nanay ko?” Nanlaki ang mga mata niya dito, “Paano?” Sinabi nito sa kanya ang araw-araw na pagtitinda nito sa labasan sa tuwing uuwi mula sa eskwela. Nakakaipon daw ito ng sapat na pera para sa pang-araw araw nilang pamumuhay. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Hindi niya mapaniwalaan ang sinasabi nito na sa murang edad nila ay pwede na pala silang makatulong sa kani-kanilang mga magulang. Kaya naman agad siyang nagpaturo dito ng mga gagawin upang magawa niya ang suhestiyon ng bagong kaibigan na pag-ipunan niya ang pagpapakabit ng metro ng tubig sa kanilang bahay upang hindi na umano ito mahirapan sa pag-iigib. Excited siyang magtinda araw-araw pagkagaling sa eskwela. Ito ay upang sa wakas ay mapagaan na ang mabigat rin na dalahin ng ina araw-araw. Ang bawat share niya sa natitinda nila ng kaibigang lalaki ay tinatago at iniipon niya. Sa tuwing magtatanong ang kanyang ina kung saan siya patungo ay hindi niya sinasabi dito ang totoo. “Maglalaro lang po ako kila Ella, Nay.” Ayaw niyang sabihin dito ang totoo dahil gusto niyang surpresahin ito kapag nakaipon na siya ng sapat na pera. At sa loob nga ng ilang buwang pag-iipon, sa wakas ay napakabitan na nila ang bahay ng kuntador ng tubig. Halos hindi makapaniwala ang kanyang ina sa ginawa niyang surpresa. Tuwang-tuwa ito at labis-labis ang pasasalamat sa kanya. “Salamat anak, napakaswerte ko sayo. Mahal na mahal ka ng nanay,” naluluha siyang niyakap nito. “You’re welcome po Nay, mahal na mahal rin po kita. Kaya hangga’t maaari po ay ayaw po kitang nahihirapan. Sana nagustuhan niyo po ang simpleng regalo ko sa inyo.”‘ Masayang-masaya si Issa dahil sa loob ng matagal na panahon ay ngayon niya lang nakita ang kaginhawaan sa mukha ng kanyang ina. Ito ay pinapasalamat niya sa bagong kaibigang nakilala. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.