Inday TrendingInday Trending
Ginamit ng Babaeng Ito ang Kagandahan Upang Mangolekta ng Lalaking Mauuto, Sa Huli ay Siningil Siya ng Tadhana

Ginamit ng Babaeng Ito ang Kagandahan Upang Mangolekta ng Lalaking Mauuto, Sa Huli ay Siningil Siya ng Tadhana

“Ang ganda-ganda mo na naman Selena. Anong sikreto mo?” “Miss, pwede bang manligaw?” “Ang ganda niya, para siyang diyosa.” Ito ang madalas na marinig ni Selena, hindi lamang sa baranggay nila kundi pati na rin sa kumpanyang pinapasukan. Mula bata pa siya ay sanay na siyang napupuri ang kanyang kagandahan. Marami rin siyang tagahanga at manliligaw. Ngunit ang kakaiba sa kanya ay ineentertain niya ang lahat ng lalaking magtatangkang manligaw sa kanya at idadagdag sa listahan niya. Simula high school ay naging tradisyon na ni Selena ang isulat ang pangalan, deskripsyon at katayuan sa buhay ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya. Kinukumpara niya ang mga ito at tinitimbang kung sino sa mga ito at magagawang ibigay sa kanya ang mga luho. Lahat rin ng manliligaw niya ay kinukuhanan niya ng mga bagay na kapaki-pakinabang para sa kanya. Tulad na lamang ng cellphone, pera, gamit pangbahay at marami pang iba. Ginagamit niyang puhunan ang kagandahan upang makalikom ng salapi at ibang bagay mula sa mga manliligaw. Madalas niya ring kontrolin ang mga lalaking nagkakagusto sa kanya. Inuutusan niya ang mga ito at kung minsa’y pinapagawa ng mga proyekto at homework para sa eskwela noon. Napapailing na lamang si Selena sa tuwing inaalala ang mga uto-utong lalaking nanligaw sa kanya noong nakaraan. “Hindi pa naman kumukupas ang ganda ko, marami pa rin akong manliligaw hanggang ngayon,” ika niya sa sarili minsan nang nakaharap siya sa salamin. Minsan nang pumasok siya sa trabaho ay nabalitaan niyang binisita umano sila ng isang mayamang tumatakbo bilang congressman. “Balita ko ang bata at ang yaman ng kandidato bilang congressman ah! Maiboto nga iyon!” Agad na nanlaki ang tenga niya sa narinig. “Gwapo at mayaman?” Agad siyang nakaisip ng isang ideya. Nagtungo siya sa banyo at nag-ayos ng sarili. Hindi kakapalang make up ang inapply niya sa sarili dahil mas bagay sa kanya ang innocent look. Nagpabango rin siya ng pagkadami-rami. Yung tipong kahit sino ay mapapalingon sa bango niya. Hindi nga siya nagkamali. Dahil nang makasalubong niya ang gwapong kandidato. Napangisi siya nang palihim. Hindi siya nag-failed sa plano niya. “Hi, ang ganda mo naman Miss.” Simple siyang ngumiti sa binata. Ang gwapo lalo nito sa malapitan. Tiyak niyang makapal rin ang wallet nito. Maibibigay nito sa kanya ang lahat ng hindi naibigay ng dati niyang mga manliligaw. Para sa kanya ito na ang the best sa lahat ng lalaki sa buhay niya. Kaya nga hindi na siya nagpakipot pa nang hingin nito ang number niya, palihim na niligawan at palihim na naging sila. Kahit tinatago nito ang relasyon nila ay ayos lang sa kanya dahil feeling reyna siya. “Malandi kang babae ka! Hiwalayan mo ang asawa ko! Malandi ka!” Ngunit tumagal lang ng ilang buwan ang magandang panaginip ni Selena. Dahil hindi nagtagal ay may isang nagwawalang babaeng sumugod sa kanya sa opisina. Inilantad nito ang sikretong relasyon nila ng binatang congressman. “Hindi ‘yan binata! May asawang tao ‘yan! Kasal kami sa Canada! Ipapakulong kitang bruha ka!” Gulat na gulat si Selena sa eskandalong nangyari sa kanya sa opisina pa mismo nila. Hindi niya mapaniwalaang matitikman niya ang ganitong kahihiyan sa buong buhay niya. Matapos ang pangyayaring iyon ay agad niyang hiniwalayan ang lalaki. Ngunit kahit ginawa niya iyon ay hindi pa rin siya tinantanan ng mga paninira at pagbubulung-bulungan ng mga kaopisina. Nabansagan pa siyang “kabit” ng mga ito. Ang pangyayaring iyon ay nagsilbing aral para kay Selena. Na kahit anong ganda niya ay hindi dapat niya dapat ginagamit iyon upang manlamang ng ibang tao. Dahil kahit gaano man katagal, darating at darating pa rin ang karma sa mga masamang nagawa natin sa kapwa. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement