Dahil sa Hindi Kagandahan ng Itsura ng Babaeng Ito ay Hindi Makapaniwala ang Iba na Gwapo ang Nobyo Niya
“Kapangit-pangit mo naman, Paz. Bakit nakahanap ka ng lalaking gwapo na ay mayaman pa?!” inis na turan sa kanya ng kapitbahay na si Beverly. Halos araw-araw ay ganito ang salubong nito sa kanya sa tuwing lalabas siya ng bahay at makakasalubong ito. Madalas niyang hindi ito pinapansin. Kung kaya lalo itong naiirita sa kanya. “Hi good morning babe!” masayang bati sa kanya ni Nathan. Napangiti siya. Mabuti nalang talaga at sa kabila ng masamang salubong sa kanya ng mga kapitbahay, ay agad rin itong sinasalubong ng masayang ngiti ng kanyang minamahal na nobyo. “Good morning, Nate.” Napanguso ang lalaki, “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na babe na ang itawag mo sa akin?” Napangiti siya sa cute na mukha nito. Naiinggit si Paz dahil kahit anong pagpapangit ng mukha nito ay cute at gwapo pa rin ito. Hindi tulad niya na kapag nagpabebe na ay mukha nang dugong na nakakatakot. Habang sakay sila ng sasakyan patungo sa trabaho nila ay hawak-hawak nito ang kamay niya. Napaangat siya ng tingin dito at tinanong ito, “Bakit ako ‘yung minahal mo? Hindi naman ako sexy, hindi ako mayaman at higit sa lahat ay napakapangit ko pa.” Binitawan nito ang kamay niya at malambing na ginulo nito ang kanyang buhok, “Aanhin ko ang sexy kung hindi ko naman makakasamang kumain ng marami sa resto, tulad mo? Aanhin ko ang mayaman kung may pera naman ako?” napapaluha siya dahil ramdam niyang sinsero lahat ng sinasabi nito. “At higit sa lahat aanhin ko ang maganda kung gwapo naman ako?” Napahampas siya sa balikat nito, “Bwisit ka talaga!” Tumawa ito, “Joke lang! Huwag mo kasing sasabihing hindi ka maganda dahil para sa akin ay ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Dahil ang kagandahan ay hindi naman nasusukat sa panlabas na anyo, bagkus ay dito,” tinuro nito ang puso niya. “Yang kabutihan ng puso mo ang mas lalong nakakapagpaganda sayo, mahal kong Paz.” Hindi niya na napigilan ang pagluha. Tunay ngang hindi man siya sinuwerteng biyayaan ng magandang mukha ay labis-labis naman ang swerte niya sa mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. Tulad na lamang ni Nathan na tumanggap sa kanya nang buo at minamahal siya nang tapat at totoo. Kaya naman dahil doon ay hindi siya sumusuko sa pang-araw araw na panlalait na natatanggap niya hindi lamang sa barangay nila, kundi sa trabaho niya. Tulad na lamang ngayon na bagong hired siya sa panibagong trabaho niya. “Bakit ganoon ang mukha mo, ang daming butas?” natatawang panloloko ng bading niyang kasamahan. “Maganda ako, sabi ng magulang ko,” proud niyang sabi dito. “Sabi rin ng boyfriend ko.” Tinawanan lang siya ng bagong kasamahan. Nang sumapit ang uwian ay ito ang unang nakakita sa nobyo niya. “Guys may pogi sa labas! Dali!” Labasan ang kanyang mga kasamahan. Nagpahuli na siya dahil inayos niya pa ang mga gamit. Maya-maya’y ngumiti ang kanyang nobyo nang makita siya. Gulat na gulat ang mga bagong kasamahan niya nang makita ang senaryo. Lalo na nang makita ng mga ito na hinalikan siya ng kasintahan sa noo. Halos himatayin ang bading na nanlait sa kanya kanina. Napangiti siya, hindi dahil nakaganti siya dito, kundi dahil ramdam niyang mahal na mahal siya ng nobyo niya. Hindi sapat ang salitang pagmamahal sa ipinapakita ng nobya. Ipinagsisigawan nito sa buong mundo na siya ang pinili nitong mahalin sa kabila ng pagkatao niya. Ito ang klase ng pagmamahal na nagudyok upang mahalin din niya ang sarili niya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.